26. Clues and Hints

2.7K 175 6
                                    

"Kong lalaki ang nahagip sa cctv, sa tingin niyo ba delivery boy lang yun?".. Tanong ni Binido.. 

"Pwedeng kasabwat ng killer". Sagot ni Fernandez.. 

"Alam nating matalino ang killer, malamang hindi niya ipapahamak ang sarili niya na siya pa ang mag hahatid ng box dito..". -Cruz.. 

Nakikinig lang ako sa kanila at sinusubukang isipin lahat ng mga sinasabi nila, nakaupo kami sa round table, gabi na  at tapos na din ang investigation sa katawan ni Lim..  As usual walang iniwang bakas ang killer ni isa kahit maliit na details.. Ang sulat lang at ang mga bulaklak..

Pero sa tingin ko ang mga bulaklak na yun nakita ko na.. Saan ko nga ba nakita..
Inilabas ko ang sulat mula sa bulsa ko at inilapag sa mesa..   

Binasa ko ulit, sulat kamay ito at maganda ang penmanship..

"Sa tingin ko..".. Napatingin sila saakin, dahil mula kanina ngayun lang ako nag salita.. "Sa tingin ko babae ang Killer..".. I said.. "Look at this.".. Iniabot ko ang letter at isa isa nila itong tinignan..   

Tinignan ko lang ang reaksyon nilang lahat, pareho din sa reaction ko kanina..

"This penmanship is so Feminine,  sang ayon ako kay agent..".. Sabi ni revera..  "At tignan niyo, may design ng kalahating Moon sa likod at may background na fire.. Ang ganda ng combination ng Violet, the moon and the fire.."... Tumingin ako sa likod, hindi ko nga napansin ito kanina.. 

Ibinalik nila saakin to at tinignan ko ng mabuti ang nasa likod.. 

Moon and Fire..

"Isang sign yan Agent,nasa saatin lang kung paano natin iintindihin, lahat ng mga ginagawa niya sa mga last na move, nag bibigay siya ng Clue.."..  Pahayag ni Binido.. 

"Nakita ko ang sasakyan niya na pabalik pabalik sa city, at yung nakita nating pangalan sa sasakyan, sinadya niya itong ilagay, for you to find out.."..  -Cruz.. 

"Nasa paligid lang ang Clue, ang hint.. Kailangan lang nating aralin at alamin itong mga pinapadala niya."..  -fernandez..

" Babae man ang killer o lalaki ,sa tingin ko nakikipag laro siya saatin.".. -Cruz..

"Lalo na kay Agent..".. Pahayag ni Revera.. Tumingin sila saakin at napaangat ako ng tingin.. Noong una palang alam ko na, na nakikipag laro ang killer saakin.. At gusto niyang malaman ko kung sino siya, ako lang itong na rurumble ang isip sa dami ng ginagawa niya..  

"Simula noong nakita si Agent sa News, doon nag simulang mag bigay ng Clue ang Killer..".. -Binido. 

"From this to this..".. Turo niya sa photos at pangalan ng killer, hanggang sa mga nakaraang clue, sa lavender at sa black rose, sa letter at sa sasakyan, sa moon at sa fire..   

"Black lover ang killer, para saan kaya tong mga bulaklak na to, if im not mistaken walang black roses sa pilipinas, galing pato sa ibang bansa.."... Pahayag ni Fernandez habang tinitignan ng mabuti ang Mga bulaklak..

"So kapag hindi yan makikita dito sa pilipinas, umorder siya galing sa labas ng bansa.."..  -Cruz.

"Exactly! Mayaman siya at walang kinalaman sa pera ang pag patay niya..".. -Binido.. 

"Gusto lang niya ng Justice..".. I said.. "Galit siya sa mga rapist, may malalim siyang dahilan kong bakit niya ito ginagawa.."..  

"Hindi kaya may nangyare sa kaniya?".. Tanong ni revera..  

"Kung babae nga ang killer, baka ginahasa siya kaya niya ginagawa ang lahat ng to."...

Bigla kong naalala si Bella, ang dark past niya.. Gusto ko din siyang tulungan, gusto kong mapag bayaran ng ex lover niya lahat ng ginawa niya kay Bella.. At gagawin ko ang lahat para mag bayad ang lalaking yun.. Kanina pa din tumatakbo si Bella sa isipan ko dahil naaamoy ko ang scent niya sa lavender..

That Killer Rose  [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now