22. Nightmare

2.6K 162 1
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko, hindi ko alam kong saan nanggagaling, gusto kong ibukas ang mata ko pero parang subrang bigat ng talukap.. Gusto kong gumalaw pero parang may nakatali saakin, gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa mula saakin.. Gusto kong tumayo at tignan kong nasaan ako pero ayaw makisama ng katawan ko..

Nasan ako?.  Sinubukan kong imulat ang aking mga mata, at sa paulit ulit na pag subok nagawa ko ito, agad kong nakita ang nakaupong si Dr. Lim sa harap ko at naka tali ang parehong binti at mga kamay nito.. May panyo siya sa bunganga at pilit siyang sumisigaw at humihingi ng tulong..  

Gusto kong tumayo  at samantalahin ang pag kakataon na to para huliin ang doctor, pero hindi sumusunod sa gusto ko ang katawan ko.. Namamanhid ako at hindi makagalaw... Napatingin ako kay Lim at pilit parin itong kumakawala, hanngang sa may lumapit na babae..

Babaeng nakasuot ng Black Cap at mask.. 
Kasabay ng pag lalakad nito may naririnig akong tunog.. Tunog na para bang humihila saakin pero tumingin parin ako sa babae..
Sino ang babaeng to..? Anong ginagawa niya sa harap ni Lim..

Sumigaw ng malakas si Lim,  dahil sa kagustuhang makita ang ginagawa ng babae, iniangat ko  ng buong lakas ang ulo ko para masilip..  At nang nagawa ko..
Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa nakikita ko..

Siya ang killer... At ginagawa niya ang gawain niya mismo sa harap ko.. Babae ang killer.. Babae siya..

Sumigaw ng Sumigaw si Lim sa sakit hanggang sa umatras ang babae, umatras siya dahilan para makita ko ang muka ni Lim na naliligo sa dugo at nakapalibot sa muka nito ang letra ng pangalan ng Killer.. 

Tumawa ang babae.. At tumingin saakin..
Tanging mata lang nito ang nakikita ko dahil sa mask na suot niya, mukang pamilyar ang mga matang yun.. Parang nakita ko na.. 

"Para sayo to Agent..".. Mahinang bulong niya sapat na para marinig ko, sinundan ng mata ko ang bawat galaw niya.. Gusto kong tumayo para pigilan siya at huliin.. Gusto kong tanggalin ang suot niyang sumbrero at ang mask.. Gusto ko siyang makita..  Gusto kong malaman ang killer..

Lumapit siya sa mesa na maraming kutsilyo at may malaking syringe na may mahabang needle..  

"Gusto mo bang gawin ko ang ginawa ng taong to sayo? Pag babayaran niya ang ginawa niya sa isang magaling na Agent."... Pahayag ng babae, pamilyar ang boses nito, inaalala ko kung saan at kong kanino ko ba narinig... Kilalang kilala ko ang boses niya..

Gusto ko siyang tanungin but I can't.. I Can't speak, I can't move.. I feel numb..I think I'm useless..  A useless cop.. Useless agent dahil hindi ko magawang huliin at alamin kong sino ang Killer.. Kung sino ang babaeng to..      

"Papatayin ko siya sa harap mo Agent, better ready your self..".. Bulong niya at kinuha ang malaking syringe at lumapit kay Lim..

Gusto ko siyang pigilan!..

Beep! Beep!.... Sumasakit ang ulo ko sa tunog na yan.. Sumasakit ang buong katawan ko at para akong nahihilo at hinihila nang naririnig kong tunog..

"Panoodin mo Agent.."..   Tumingin ako ng taranta sa babae..   Nilagyan niya ng yellow liquid ang syringe at marahas niyang itinusok sa dibdib ni Lim.. Sumigaw si Lim at halata sa kaniya ang sakit...  

"Limang minuto lang ang itatagal mo Dr. Lim, gusto mo bang humingi ng tawad kay Agent?".. Tanong nung babae.. Hindi na nakasagot si Lim at tama nga ang Killer.. Mahigit apat na minuto lang napayuko na si Lim at alam kong wala na itong Buhay..

Humarap saakin ang Babae.. Ang killer... 
Tinignan niya ako sa mata.. Para niya akong pinapatay sa tingin palang na ipinupukol niya. Dahan dahan siyang lumapit dala ang Maliit na kutsilyo..  Kinakabahan ako at natatakot sa gagawin niya.. Habang papalapit siya lalo lang nadaragdagan ang kaba ko.. 

That Killer Rose  [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now