"Good Morning agent..".. Pagkapasok ni Cruz sa office agad siyang bumati at kumuha ng kape sa machine.."Maaga ka yata ngayun?"..
"Darating mamaya si Agent Raquel para pag usapan ang huling plano para sa nangyayareng Human trafficking at kidnapping..". Sabi ko at bumalik ulit sa ginagawa ko..
"Huling plano? So ibig sabihin kapag natapos niyo na pwede na kayong gumawa ng action?".. Tumango lang ako.."Nakakapag taka lang, natakot yata ang mga rapist sa killer, walang kaso ng Rape sa nakaraang mga linggo at ngayun last day na to ng buwan..".. Umupo siya sa harap ko at inilapag ang isang kape..
Nagpasalamat ako at humigop.."Perhaps, pati ang killer walang ginagawa dahil walang kaso ng rape.. Matitigil lang pala siya kapag wala ding kaso ng rape..".. Pahayag ko, noong huling pinag aralan namin kung saan nag punta ang sasakyan na yun, wala ding nangyare dahil naputol ang footage sa bandang st. Peter.. Walang cctv camera sa lugar na yun..
"This month nakatatlo ang killer".. Bulong ni Cruz.."First week, palang tatlo na"..
Matatapos na nga ang buwan at walang kaso ng rape at kaso ng killer ngayon, mabuti naman para hindi sumabay sa iniisip ko, malaki ang kaso na hawak namin ni Agent Raquel at kailangan naming mag focus muna sa kidnapping at Human trafficking..
"Kamusta kayo ni Bella?". Napaangat ako ng tingin sa tanong ni Cruz, speaking of bella, well mahirap siyang ligawan at suyuin, simula noong may nangyare saamin hindi na nasundan pa dahil sa busy siya sa Club at ako busy din sa kaso.. Naging mas mabigat at mahirap ang ginagawa ko ngayun kesa sa dati.
Tuwing tanghali at wala akong masyadong ginagawa sa precinct pumupunta ako sa Condo ni Bella at doon nag kukwentuhan kami at minsan nanunuod ng mga movies, mahilig siya sa mga super natural, vampire diaries at yung mga movies ng mga wolf..
At hanggang ngayun hindi ko pa rin alam kong may label ba kami? Pero kung magkasama kami para kaming mag asawa.. Hindi ko alam ang gulo niya eh.."Agent!".. Tawag saakin ni Cruz, agad naman akong napaangat ng tingin.."Kamusta kayo ni Bella kako?"..
"Okay lang naman, para kaming mag on pero hindi, bakit ba tinatanong mo yan Cruz? Nasa trabaho tayo.". Inirapan ko siya at tumingin ulit sa mga papel na nasa mesa ko.. "At nag sisimula na sila fernandez sa kaso ng robbery, bilisan mo na at mag focus sa hawak niyong kaso..".. Sabi ko, tumawa lang siya at tumayo..
"Bilis bilisan mo agent, ang sweet niyo tapos wala pa palang label?".. Tinignan ko siya ng masama.."Oo na lalabas na.."..
Mga ilang minuto lang ang lumipas may kumatok at pumasok si Agent raquel.. Tumayo ako at ipinag handa siya juice..
"So last move nalang tayo Agent, pumunta lang ako dito para sabihin na approved ang request natin para sa operation bukas ng umaga"..
"Bukas na kaagad ng umaga?, mabuti naman para matapos na to.." . Umupo ako at hinarap siya.. "Tatlong beses na nilang kinuhanan ng cell ang mga bata, at kapag hindi natin mapipigilan ang gagawin nila bukas mag hihintay nanaman tayo ng isang buwan.. At sa tingin ko hindi na kakayanin ng mga bata ang mag tagal pa sa kung saan sila nilalagay..". Pahayag ko, sang ayun naman si Agent Raquel..
"Kaninang madaling araw Dumating na sila sa isang building dala ang lahat ng mga babae, Anim na van sila at sa tingin ko hindi lang trenta ang nakuha nila, yung building ito yung dating hospital na pag mamay ari ng isang chinese doctor, at binili ni Dr. Lim para sa ganitong illegal na gawain..".. Mahabang paliwanag ni Agent Raquel.."Kanina ay naaral ko na ang galaw nila, yun lang ang magiging strategy natin para matapos ang kasong to Agent"..
Nalaman namin sa unang dalawang araw ng kasong ito ang ginagawa ng mga sindikato sa mga kinukuha nilang mga babae, at may nangyayareng bayaran at palitan sa pagitan ng mga sindikato at ni Dr. Lim.. Kinukuhanan nila ang mga babaeng to ng egg cell at binebenta sa mga mag asawang hindi mag kaanak..
"Agent, thank you sa tulong mo sa kasong ito, alam kong hindi pa tapos pero nag papasalamat ako dahil siguro matatagalan ito kapag wala ang tulong mo.".. Tumayo ako nakipag kamay kay agent..
"Wala yun agent, ang mahalaga ang buhay ng mga batang ito"... Ngumiti lang siya.."So kailangan nating mag handa para bukas." . Tumango lang siya at kinuha ang dala niyang bag. Nag paalam na ito dahil may gagawin pa siyang mahalagang bagay tungkol sa kaso..
Dumating ang lunch time at wala akong planong mag lunch dahil sa mga ginagawa ko.. Pabalik balik ang team ko para sa kaso ng robbery, kahit na sila ang may hawak sa kaso tumutulong parin ako..
Napatingin ako sa Chart ng killer sa gallery ng cellphone ko..kaya naman tumayo ako at inilabas ang lahat ng evidence at lahat ng photos ng pinatay ng killer, sa pangalan nito at ang litrato ng ginamit niyang sasakyan..
Kapag natapos ko ang kasong ito tututukan na kita Gero..
Tumunog ang telepono sa mesa ko at agad ko naman itong sinagot..
-Agent Castro?
-Yes?
-May babae pong nag hahanap sa inyo, Miss Bella Paign ang pangalan..
-Papasukin mo siya officer..
-Sige po Agent, ihahatid siya ni Leo..
-Thank you..
Ibinaba ko ang telepono at nag taka kung bakit anong ginagawa ni Bella dito sa presinto..
May kumatok, kaya napatayo ako at ako na mismo ang nag bukas ng pinto..
"Hi Agent"... Bati niya at ngumiti, ang puso ko, naging abnormal yung tibok.. Napangiti rin ako at para namang hihimatayin ako sa subrang bilis ng pag daloy ng dugo sa buong katawan ko, sa tuwing ngingiti siya ganito palagi ang epekto niya saakin..
Natauhan ako bigla, nakakahiya..
"Hello, anong ginagawa mo dito? Pasok ka..".. Sabi ko at mas niluwagan ang pinto.."Naboboring ako sa Condo, ilang araw kanang hindi pumunta doon kaya ako na lang ang gumawa ng paraan, nakalimutan mo na ako agent..".. . Reklamo niya..
"Madami lang akong ginagawa, have a seat .".. Umupo siya at gulat na napatingin sa mga pictures na nasa table ko.. Agad ko namang pinulot isa isa at ibinalik sa drawer.. "Sorry, alam kong di mo gugustuhing makita ang ganyang klase ng mga photos.."..
"Okay lang Agent, puro ka nalang trabaho, mag lunch out ka kaya. Ipag luluto kita, at kaya ako napunta dito para ayain ka? So okay lang ba?".. Napatitig ako sa kaniya at ngumiti..
"Sure".
![](https://img.wattpad.com/cover/242526753-288-k157392.jpg)
YOU ARE READING
That Killer Rose [COMPLETED/EDITING]
Storie d'amoreHailey is a reliable and excellent police officer. She is expected to end the case that no other good investigator and detectives can close. Will she find out who the killer is? Will she end the case? Photo cover not mine, credits to Anny Spratt. Tr...