13. Big Case!

3.1K 163 1
                                    


Dumating ang hapon at puro kami trabaho ng mga team ko, yung dalawa sa team ko ay sa kaso sila ni Daiserie, si Binido at Cruz naman nasa kaso nung mga nawawalang mga dalaga sa Mount Hipayas.. Habang ako nakaharap sa hawak kong telepono at sa picture ng chart sa bahay na kung saan nakalagay ang malaking pangalan ng killer at nakapalibot dito ang mga taong pinatay niya. 

Napag isip isip ko na baka gagawa ulit ng pag patay ang killer dahil sa kaso ni daiserie, kaya napag isipan ko na bigyan ng cctv ang harapan ng Suarez Company at sa tapat ng mansyon nito kung sakali man na doon nanaman iwanan ng killer ang victim niya, pero hindi ako nakakasiguro kung gagawa nga ito ng action sa kaso ni daiserie, si fernandez at revera, inaayus nila ang kaso ni daiserie at nag hahanap ng butas sa pangalan ni Suarez.

Kung hindi man siya papatayin ng Killer, ako mismo ang pupulot sa kaniya at ilalagay sa loob ng selda.

Napaangat kami ng tingin sa pinto ng may kumatok.. "Come in".. 
Pumasok si Commissioner Arnold at may kasama itong babaeng naka suit in black..

"Good Morning Agent Castro".. Bati ni Arnold.."Goodmorning Agent".. Tumingin lang ako sa babae at ngumiti sa kanilang pareho..

"Good morning too Commissioner and?".. Takang tanong ko sa babae..

"Agent Raquel"..ngumiti ako..

"Have a seat please.." tumayo ako at sila naman ang umupo sa dalawang upuan sa harap ko, napatingin ako sa mga kasama ko sa office at naintindihan naman nila, nag paalam sila kay Commissioner at lahat sila ay lumabas..


"Coffee or juice?" . Tanong ko.. 


"Coffee nalang".. Sumang ayun din si Agent raquel, lumapit ako sa coffee machine at sinimulang pumindot.. Nang natapos na ibinigay ko sa kanila ang coffee at umupo na ako sa  swivel chair..


"So anong meron commissioner?".. Magalang na tanong ko..

"Well, ang Manila Police Department  humihingi ng tulong at nag hahanap ng competent na makakatulong kay Agent  Raquel sa hawak niyang malaking kaso ng sindikato".. Huminto saglit si Commissioner at humigop sa hawak niyang kape...."At tinatanong niya ako kung may  maisusuggest akong magaling na Police, at isa lang ang kaagad na pumasok sa isip ko.. At ikaw yun Agent Castro.."..  Tumingin ako sa kaniya..

"Marami akong naririnig about sayo Agent Castro, bakit hindi ka mag move sa malaking Police Department?..".. Tanong ni Agent Raquel..


"Nandito ang Favorite Case ko Agent Raquel, at nandito ang mga magagaling kong team, hindi ko naman masisikmurang maiwanan sila dito..". .   Sagot ko..

"Bakit wala paba kayong alam kong sino talaga ang nasa likod ng lahat ng pag patay?".. 

"Matalino ang killer at tinatapatan nito ang kayang gawin ng mga officers" . Sagot ni commissioner.."But enough of that Agent, sabihin mo na ang pakay mo at sasabihin lang ni Agent Castro kung tutulong ba siya sa kasong hinahawakan mo..".. Tumingin kami kay agent raquel.

"Gaya nga ng sabi ni Commissioner Arnold,malaking kaso ng sindikato ang hinahawakan ko, sa ngayun nag gagather palang ako ng information ng malaking hospital na pinangunguluhan ni Dr. Lim. Marami ang nawawalang dalaga sa ibat ibang lugar sa Manila, at padami rin ng padami ang nag pupunta sa precinct at nag rereport na nawawala ang kanilang mga anak, nabahala ang head namin at agad akong inatasan sa kasong ito, tutulungan mo ba ako Agent?". 


"Maluwag ko itong tinatanggap Agent, tutulong ako sa kasong hawak mo".. Pahayag ko at nakitaan ko siya ng ngiti sa mukha niya.. "So anong kinalaman ng Hospital sa Malaking sindikato na sinasabi mo Agent?".. Tanong ko, para kahit papano may kunti na akong alam patungkol sa hahawakan ko nanamang kaso..


"May nag report saakin na nakita nila ang mga sindikatong yun na kausap si Dr. Lim, ngayun ang inaalam ko nalang kung ano ba ang ginagawa nila sa mahigit trentang dalaga na nawawala..". Huminto siya saglit at tinignan ako ng masinsinan.."Pero wala namang nahahanap ang mga police sa manila na kahit anong bangkay o kaso ng rape, kaya nag tataka ako kong ano ang ginagawa nila sa mga dalaga..".   Palaisipan parin saakin ang lahat ng sinabi ni Agent,ano nga ba ang ginagawa nila sa mga dalaga..


"Tutulong ako Agent.".. Final na sabi ko..
Kong ang usapan ay patungkol sa mga kababaihan na naaapi o inaabuso ay wala akong dahilan para humindi. 

Tumayo silang pareho ni Commissioner at kinamayan ako.."Salamat Agent Hailey Castro, Sana matapos natin to kaagad at mailigtas ang mga kababaihang nawawala, mahigit  isang linggo na ang iba at nag aalala na ang mga magulang na nag aantay ng sagot..".. ngumiti ako.."Malapit lang ang place ko Agent, kaya makakapunta ako dito tuwing umaga at pag uusapan natin ang kasong ito".. 


"Sure, welcome ka sa office ko Agent anytime"..  I said..

"Kailangan ko nang umalis, may appointment ako sa isang company..".. Sabi niya, nag paalam na silang pareho at pinasalamatan ako  ulit ni Commissioner..

Hindi ko iniisip ang promotion o mailipat sa mas malaking department, ang gusto ko lang matapos ay ang ginagawa ng mga sindikatong sinasabi ni Agent Raquel. 
Isa sa pinaka malaking dahilan ko kung bakit ayaw kong umalis ay hindi ko pa natatapos ang kaso ng Killer..

Hindi pa tapos ang laro..

That Killer Rose  [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now