36. Why?

3.3K 173 4
                                    

"Bella.."... Bulong ko at agad tumulo ang luhang pinipigilan ko simula noong nakita ko ang itsura niya.. Hindi ko alam ang mararamdaman ko..

Matatakot ba? Malulungkot?  Mag sasaya dahil nakilala ko ang killer!!  Shit hindi ko inaasahan ang lahat ng ito.!... Bakit siya!
..

"Bakit ikaw!?!"...  Bulong ko, sapat lang para marinig niya ang sinabi ko.."Bakit? Bakit ikaw"...   Paulit ulit na tanong ko... Ayaw tanggapin ng isip ko na siya nga..
Na siya ang nasa likod ng lahat ng pag patay... "Shit bella mag salita ka!.. Bakit!?"... Pinunasan ko ang luha ko habang tutok na tutok parin ang baril sa kaniya.. 

"Nahuli mo ako Agent".. Mahinang sabi nito.. "Congratulations! Sa wakas matatapos mo na ang kaso..".. Bulong nito.. Kita ko sa muka nito ang lungkot at takot.. Hindi ko alam.. Ayaw gumana ng utak ko.. Parang sarado ang lahat ng senses ko at ayaw tanggapin ang katotohanan.. 

Sa lahat ng killer na nakita at nahuli ko,sa lahat ng mga masasamang tao, sa lahat ng masasamang damo bakit siya pa! Bakit siya pa, ang babaeng mahal ko..

"Ilapag mo ang baril at sumuko..".. Tukoy ko sa baril na hawak nito, hawak lang niya pero hindi nakatutok saakin.. Sinubukan kong patigasin ang boses ko at patatagin ang loob ko.. Ayaw kong mag patalo.. Ayaw kong magpakain sa nararamdaman ko.. Fuck it's too much for me to take!..  Ang hirap!.. Parang may nakabarang bato sa lalamunan ko! Gusto kong sumigaw...   

"Nag bigay ako ng Clue agent.. Bakit?..".. She asked..    Hindi ako sumagot..

"Lagi mo akong kasama, sa condo ko maraming lavender.. Amoy lavender ang bahay ko, bakit?"...   Pahayag nito...   

"Ibaba mo ang baril at sumuko Bella.."... Sagot ko pero hindi ito tumigil mag salita..        

"Inilagay ko ang pangalan ko sa kotse para makita mo, bakit?"... She asked.. Tutok parin ang  hawak kong baril sa kaniya, at pansin kong habang  nag sasalita ito, may halong lungkot at pighati..  

"Nag bigay ako sayo ng sulat.. Naaalala mo ba? Noong gabing sinabi mo na maganda ang penmanship ko? Bakit?"... She asked..   Naalala ko nga kaagad ang pangyayareng yun pero bakit hindi ko naisip na sulat pala ni bella ang nasa violet paper..  Shit!..

Nakatingin lang siya saakin..

"Lahat ng sulat na ibinigay ko sayo, may kasamang Moon and Fire, naisip mo ba ang Moonlight Sá firé?.. Bakit?"..   She asked.. Lahat  ng sinasabi niya parang sampal saakin... Lahat ng sinasabi niya ay totoo..   

"Ang black rose, sinadya kong ipakita sayo ang tattoo ko, bakit hindi mo naisip? Bakit?"..   She asked..

Nangangalay na ang kamay ko na hawak ang baril pero tiniis ko ito... 

"At ang pangalan ko Agent!..  Alam mo ang fullname ko pero hindi mo ba napagtanto ang lahat? Bakit..?"... Sabi nito at lumapit saakin ng kaunti...

"Stop! Huwag kang lalapit!"... Napahawak ako ng mahigpit sa baril at itinutok ito sa kaniya.. "Diyan kalang at bitawan mo ang baril na hawak mo!!"... Sigaw ko..  Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ito tumutulong...   

"Gusto ko lang malaman Agent.. Gusto kong malaman kong bakit hindi mo ako tinanong, bakit hindi mo manlang naisip na ako ang killer? Ibinigay ko na ang lahat sayo, clues! Hint! Ebedensya.. Lahat ibinigay ko sayo!, lahat ng tungkol sa killer pero bakit ni minsan hindi pumasok sa isip mo na ako ang killer?! Bakit hindi mo masabi sa sarili mo na Ako ang killer! Bakit!!"... Sigaw nito...  

Napahigpit ang kapit ko sa baril at pumikit.. Ang hina ko, wala akong kwentang pulis.. Nabulag ako... Nabulag ako ng dahil sa pag mamahal...

"Naamin mo na ba sa sarili mo Agent Castro? Na sa buong laro na to ay nag bulag bulagan ka? Bakit? Sabihin mo!"... Sigaw nito... 

That Killer Rose  [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now