34. Bad Blood

2.4K 148 6
                                    

Agent Hailey Castro POV..

Nag hintay lang ako hanggang sa matapos ang duty ko  ngayon, 7pm pwede na akong lumabas at balak kong pumunta sa night club, gusto kong kalimutan ang lahat, lalo na ang killer, pati si Commissioner.. Napatingin ako sa kamay kong naka plaster, sabi kanina ni Fernandez buti nalang walang na injury sa bones ko sa fingers, mabuti nalang..

Hayys subrang sakit nga tuwing igagalaw ko ito..

May kumatok sa pinto.."Good evening Agent, kamusta ang kamay mo? Masakit paba?".. Tanong ni Cruz. 

Inirapan ko naman ito at tumingin ulit sa plaster.."Kailangan pabang tanungin yan Cruz" . I said..

"Paano ka makakahawak ng baril niyan..".. Biro niya at umupo sa harap ng mesa ko..

"Nasa saakin na kong paano ko hawakan..".. Sagot ko.. 

"Wala ka sa mood,ano bang nangyare sa office ni Arnorld?".. She asked.. Umayos siya ng upo at tinignan ako ng seryoso.. 

"Aalisin na niya ang Kaso ng killer sa akin kapag may naging biktima pa ito..".. Nakayuko kong sabi at nilalaro ang hawak kong ballpen.. 

"Oww, kaya naman pala,  wala ka parin bang alam tungkol sa killer?".. 

"Ayuko munang pagusapan ang killer Miles,".. Tumayo na ako at kinuha ang jacket na nakasabit, kinuha ko na din ang susi at ang baril ko sa mesa.."24 hours ang duty mo hindi ba?".. Tanong ko.. Tumango lang siya..

"Well kaw na ang bahala dito, aalis na ako..".. I said at tyaka nilampasan si Cruz..  Pero bago pa ako makalabas nag salita ito.. 

"Hinay hinay lang Agent, mawala man sayo ang kaso alam naman natin na ginagawa natin ang lahat para lang mahanap ang taong to.. Take care and goodnight..".. Ngumiti lang ako..

"Thanks Miles..".. I said at binuksan ang pinto..    

Ayaw kong  umuwe sa bahay kasi alam ko naman na mag isa nanaman ako at mababagot hanggang sa makatulog, kaya naisipan kong mag punta sa Club na pinag tatrabahoan ni Bella at hintaying matapos ang shift niya..  Total ang pangit ng araw ko ngayon, gusto kong makalimot kahit ngayon lang.. Gusto kong makapag isip ng maayos, nang hindi iniisip ang killer.. At ang sinabi ni Commissioner Arnold..  

Ilang minuto lang ang ibinyahe ko at narating ko na ang Moonlight Sá firé.. 
Kumuha muna ako ng stick ng sigarilyo at sinindihan ito, habang humihihip ng usok,napatingin ako sa dalawang tao na nag hahalikan sa harap ng isang Pajero car.. Hanggang sa napunta sila sa likod at patuloy parin sa halikan..  Napapangiti lang ako at bumulong..

"Fudge! Get a room..".. Bulong ko at humihip pa ng isang beses at itinapon ko na ito.. Lalabas na sana ako ng nahagip ng paningin ako ang ginawa ng babaeng naka cap..   Nang itinutok ko ang paningin ko dito, isinasakay na nung babae ang kahalikan niya sa trunk ng kotse..   Nag tatalo ang isip ko kung lalabas ba ako o hindi, pero ng nakita ko ang suot nitong damit na may malaking black rose na tatak at ang kotse nitong padjero  na kaparehong kapareho ng kotse ng killer,bigla akong kinabahan at the same time naexcite..  

Pumasok ang babae sa driver seat at binuhay ang kotse.. Hindi ko makita ang muka nito dahil madilim.. Pero isa lang ang nasa isip ko sa ngayon..
"Here we are.. Mahuhuli na kita..".. Bulong ko at pinanood munang makalayo ng kaunti ang pajero tyaka ko pinaandar ang sasakyan ko..  

----------
Bella Gerohyne Buena Decto PoV..

Nasa daan na ako papuntang warehouse pero parang may pumipigil saakin, parang may gustong humila saakin pabalik at huwag gawin ngayon ito..  Pero nandito na, matagal ko nang pinag planuhan ang bagay na ito at hindi ko palalampasin ang pag kakataon..

That Killer Rose  [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now