25. Mystery Box

2.5K 154 1
                                    

Agent Hailey Point of View..

Maaga akong umalis sa condo ni Bella dahil ngayun na ulit ako mag sisimula sa precinct, sigurado akong maraming naiwanang trabaho at unfinish work na kailangan kong asikasuhin kaya naman hindi na ako nakapag paalam sa kaniya. 

Ang maagang pag alis ko ay naabot ng 8:05am dahil sa subrang haba ng traffic, ang sabi ng mga police na nakita ko sa Bridge may nangyaring ambush, malamang tungkol nanaman to sa politics, malapit na ang botohan kaya naman umuuso nanaman ang patayan.. 

9:01am ako nakarating sa presinto, see I'm late, kahit gaano pa ako kaaga magising late parin ako, buti nalang malakas ako kay commissioner.. Kung hindi baka na sesante na ako dahil lagi akong late..
Lumabas ako sa kotse at kinuha ang dala kong mga papers..

"Good morning Agent Castro".. Bati ng Police sa front desk..

"Good morning officer"..  Nag lakad na ako papunta sa office ko,malamang tambak ang mga naiwang trabaho, kailangan ko ng maraming oras para magawa ang lahat.. kaya Binuksan ko na ang pinto para makapag simula kaagad.

"Wala pa bang naunang dumating?".. Takang tanong ko at binuksan ang ilaw ng office ko, kasabay ng pag bukas ang pag sigaw ng mga kasamahan ko.. 

"Welcome Back Agent! And congratulations!"..  Sigaw nilang lahat, nandito ang mga ka team ko pati sila commissioner at agent Raquel.. Ngumiti lang ako at lumapit sa kanila para magpasalamat sa pag welcome.. 

"Wow hindi na dapat kayo nag abala pa Commissioner".. I said.. "At ano tong mga to? May pakain talaga?"... Natatawang tanong ko at napatingin sa mga pastry, at iba pang mga pagkain na nasa white table.. 

"Kagagawan yan ng team mo Agent, but I want to congratulate you, ikaw at si agent Raquel dahil sa succesful na Operation. "..  Sagot ni commissioner..  "At isa pa agent! Maraming nag bigay ng letters, pagkain at kong ano ano pa para pasalamatan kayong dalawa ni Agent Raquel..  Galing ang mga ito sa parents ng mga victims.."... Tumingin si Commissioner sa mesa ko at tama nga siya.. Maraming ibat ibang kulay ng papel at mga letter nga ito galing sa mga bata, may mga Chocolates at mga wines pa..

"Hindi na nila kailangan mag bigay ng ganito.. Trabaho naman namin ni Agent raquel ang kasong yun, tungkulin naming gawin ang lahat ng yun".. Tumawa si Commissioner at tinap ako sa balikat.. 

"Hayaan mo na Agent, pasasalamat lang naman ito ng mga bata, dahil hindi niyo lang sila niligtas kundi matitigil na din ang mga sindikatong gumagawa ng ganitong bagay.".. Pahayag ni Commissioner.. Ngumiti lang ako at nagpasalamat katapos lumapit sa mga kateam ko, isa isa nila akong niyakap..

"Pitong  araw lang naman akong nawala".. Pahayag ko at tumawa, inabutan nila ako ng red cup na may lamang juice..    

"Nakakapanibago paring pumasok ng hindi ka namin nakikita sa mesa mo Agent.. At isa pa-"..  Agad kaming napatingin sa pinto at natigil naman si Revera sa pananalita dahil sa agarang pag bukas ni Officer Ella..   

"Uhh sorry to interrupt you, pero may package kasi sa labas at nakapangalan kay Agent Castro..".. Nahihiya itong nag salita dahil siguro sa agaran nitong pag buhas ng pinto.. 

"Oh tignan mo na Agent baka box of wines ulit!".. Sigaw ni Mercado, nandito din sila at kumakain.. Tumawa lang ako at inilapag ang baso sa mesa..

"Saglit lang".. Paalam ko sa mga kaharap ko ..

"Samahan na kita Agent baka hindi mo mabuhat..".. Natatawang pahayag ni Miles.. Tumango lang ako at sabay na kaming lumabas..  

"Subrang pasasalamat na to ng mga iniligtas niyo Ley, ilang araw ng may dumarating para sayo.. Masyado ka nilang mahal".. Biro ni Miles.. 

That Killer Rose  [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now