24. Pay back Time!.

2.6K 156 1
                                    

Bella Point of view.. 

Maagang umalis si Agent castro, at ako mag isa ko nanamang naiwan dito sa condo, simula pagkalabas niya sa Hospital dito niya gustong mag stay, dahil wala din naman siyang makakasama at walang mag aalaga sa kaniya sa bahay nila.. Busy si Tita Liegh An, ang mama ni hailey..
Kaya sinabi ko din sa kaniya na mas better nga na nandito siya sa condo ko..

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at agad na naligo,may unfinish business pa pala ako..   

Nag suot lang ako ng black hooded jacket, Black jeans, black adidas rubber shoes, at black mask..  Bago lumabas nang condo kinuha ko muna ang susi ng Padjero na laging ginagamit ko..  Inalis ko muna ang mask para hindi masyadong suspicious,nag  hintay ako sa harap ng building at pumara ng taxi.

"Manong sa Buena Talyer tayo..".. Sabi ko sa Driver.. 

"Sainyo po yun maam? Matagal nang walang nag bubukas sa talyer na yun, noong panahon ng tatay ko doon kami laging nag papaayus..".. Ngumiti lang ako kay manong..   Ang talyer na yun ay pag mamay ari ng Lolo ko.. Simula nung namatay siya sumama kami kay papa,Half american half pilipino siya, simula 6 years old ako lumipat na kami sa states at doon na ako nag aral, pero nang nangyare ang pangyayareng yun, umalis ako at bumalik dito sa pilipinas..

Ipinikit ko ang mata ko para hindi na maalala pa ang nangyare sa states..  Gusto ko nang kalimutan, pero paulit ulit paring nag piplay sa utak ko.. 

Tahimik lang ako buong biyahe at tinitignan ang daan na tinatahak namin ni manong, medyo malayo ito sa city kaya natagalan ang biyahe, 30 minutes ang nag daan at narating ko na rin ang may kalumaang talyer..  Nag pasalamat ako kay manong at sinabihan akong mag ingat.. 

Tumingin ako sa paligid, halos lahat ng bahay dito ay abandonado na dahil sa nangyare noong 1996, nasunog ang lugar na to, maraming namatay at maraming katawang pakalat kalat dito, pero imbis na matakot, mas natutuwa pa ako dahil walang nakakapunta at walang gugustuhing pumunta sa lugar na to dahil sa marami daw ligaw na kaluluwa . 
Hindi naman ako minomulto at wala akong nakikita.. Siguro mas masahol ako sa kanila.. Maraming napatay at isang makasalanan.. But I like it tho..  I'm an evil..

Binuksan ko ang talyer at agad na inilabas ang padjero, mula rito sampong minuto lang ang biyahe para marating ang favorate place ko kung saan nakalagay ang mga tools and equipment ko na binili ko pa sa mataas na halaga..  Kung saan free ako at walang iniisip.. Kung saan marami nang namatay na mga makasalanan katulad ko..

Nakasakay na ako at tinatahak na ang daan papunta sa warehouse, may gusto akong makita at kumustahin.. 

Ipinasok ko ang padjero sa loob at bumaba para isara ang dalawang malaking pinto.. 
"Here we go..".. Lumapit ako sa isang bakal na pinto at binuksan ang kandado..
Pumasok ako at ibinukas ang dilaw na ilaw..   

Napatingin ako kaagad sa lalaking nakaupo sa upuan.. Nang marinig niya ang yapak ko umangat ang ulo niya.. "Wow! Buhay kapa hanggang ngayon? Ilang araw kana ba dito? Lima? Anim? Pito? Hindi ko na alam, masyado kasi akong nag enjoy kasama ang taong mahal ko na tinurukan mo ng poison."..  Pahayag ko.. "Sabihin mo saakin! Anong itinurok mo sa Agent ko?.. Vitium? Sa tingin mo ba hindi ko alam kong ano yun?!".. Sigaw ko.. "Well hindi mo na kailangan alamin.. Ang mahalaga mapag babayaran mo ang ginawa mo sa kaniya..".. 

Lumapit ako at sumandal sa mesa kaharap niya.. "Anong feel nang hindi kumain ng ilang araw? Namayat kana Dr. Lim..".. Tumawa ako at lumapit sa kaniya.."Yan ang napala mo.."..  Tumayo ako ng maayus at pumunta sa lagayan ng mga Daggers..

"Lim!".. Tinawag ko ang pangalan niya at masama siyang tumingin saakin.. "Mamili ka? Anong gusto mong gamitin ko?" . Turo ko sa mga ibat ibang klase ng patalim..
"Sumagot ka! Ayaw ko nang nag hihintay!".. Sigaw ko..

That Killer Rose  [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now