Pagkapasok ko sa night club bumungad saakin ang lakas ng music, at kapal ng usok sa paligid.
Sabi ni Miles kasama niya ang pinsan niya at ang girlfriend nito, kaya naman hindi lang kaming dalawa ang mag kasama. Napatingin ako sa paligid at maraming mga katawan na nag sasayawan, sana lang walang involve na drugs sa loob ng club na to..
Nag lakad ako papunta sa hagdan at sinimulang umakyat, nag text kanina si Miles na sa dating pwesto raw kami ulit para makita ko si Bella.
Supportive niya masyado. Nang nakaakyat ako inilibot ko ang paningin sa second floor, nahagip ng mata ko sila Miles, pero iba ang hinahanap ko.
"You're late Agent!". Sigaw ni Miles.
"Hindi ka pa ba nasanay?". Napalingon ako sa mga kasama niya.
"Ah by the way, this is My best friend, Hailey, and Hailey this is my cousin Daff, and her girlfriend Alice". Kinamayan ko ang pinsan niya at ang kasama niyang babae.
"Grabe masyado namang pormal". Rinig kong sabi ni Miles.
Umupo na ako at hinanap ng mga mata ko si Miss bartender, at ayun nga, ang kanina pang gustong makita ng mata ko nahanap ko na.
"Kararating mo lang Agent, siya na agad ang hanap.". Sigaw ni Miles. "Umpisahan mo muna ng Hard".
"Don't Agent me Miles, wala tayo sa trabaho nakakahiya naman". Pahayag ko at napatingin sa mga kasama namin.
Kinuha ko ang iniabot na beer ni miles at tinungga ito, sarap ng hagod nito sa lalamunan, tama si Cruz, mas okay pala na sumama ako, para naman kahit ilang oras lang mawala ang pag iisip ko sa killer na yan.
Tumingin ako sa bartender na simula kagabi hindi mawala sa isip ko, pareho sila ng Killer, nag uunahan sa isip ko.
"Miles". Tinuro ko ang counter at agad naman niya itong naintindihan."Good fuck!". Sigaw niya. Natawa ako at tumayo, inayus ko ang suot kong jacket at lumapit sa counter.
Nang makalapit ako abala ang babaeng pakay ko sa pag gawa ng mga drinks, habang gumagalaw siya hindi ko mapigilang mapatitig at matulala sa ganda niya.
Gaya ng itsura niya kagabi, nakasuot ulit siya ng cap at nakatali ang buhok niya, maliban lang sa suot niyang pulang tshirt at may pangalan niya na nakasulat.
Bella.
Mga ilang minuto na akong nakaupo dito sa stool pero hindi parin niya ako pinapansin, alam kong nakita na niya ako at nag aact lang siya na walang tao dito.
Nag hintay ako ng ilang minuto ulit hanggang sa umalis na ang kausap nitong lalaki.
"You know staring is rude". Sabi niya habang nag sheshake ng drinks. "Stop staring.".
"What if I don't?". Pang aasar ko.
"What do you need?". Iritang tanong nito.
"Margarita." Bulong ko.
"Right away Ma'am". Simpleng sagot niya at nag simulang gawin ang request ko.
"Bakit mo ako iniwan kagabi?". Tanong ko.
"Hinanap kita pero wala kana?"."Hey talk to me ganun naba ako kadaling iwanan at bitinin?". Napangiti siya at humarap saakin.
"Here's your Margarita, Enjoy Ma'am". Sabi niya at hinarap ang lalaking nasa tapat ko.
I rolled my eyes at tumayo para bumalik sa table namin, wala namang akong magagawa kung ayaw akong kausapin ng babaeng yun."What happened?". Tanong agad ni Miles nang makaupo ako sa tabi niya. "Reject ba? O pakipot parin?". She asked smiling.
"Ayaw akong kausapin". Kinuha ko ang beer at tumungga. "Kanina pa ako dun ni hindi manlang tumingin.".
"Wait Ley, Ang alam ko kasi matinik ka sa babae eh, pero bakit ganun bakit parang ang bilis mo yatang sumuko? Kunting suyo pa!". Sabi niya saakin.
"Nag tatrabaho siya, kaya tyaka ko siya kakausapin kapag tapos na ang shift niya".
"That reasons why.". Nanunuod lang ako sa mga stripper na sumasayaw sa ibaba at ilan sa mga sumasayaw sa dance floor habang pasulyap sulyap sa Bartender.
Marami ang lumalapit at sinusubukan siyang kausapin pero gaya nga kanina ayaw niyang paistorbo sa oras ng trabaho, just like me when I am working.
12:35am na at nandito parin kami sa second floor, si Miles lasing na gaya ng dalawang mag girlfriend, habang ako paunti unti lang ng inom dahil may aabangan pa ako.
Napatingin ako sa counter pero wala na yung sexyng bartender na laging laman ng isip ko.
Tumayo ako at nag simulang mag lakad, medyo tipsy na ako pero hindi naman ganun ka lasing.
"Uhhhhh Miss." Napunta ang tingin ko sa may dibdib nito at binasa ang pangalan niya.. "Miss Raquel? Tama ba? Nasaan na si Bella?". takang tanong ko.
"Off na niya miss, hanggang 12:30 lang siya dito sa club". Sagot ni Miss Raquel, maganda rin siya pero iba parin ang kay Bella.
"Nakaalis na ba siya sa club na to?".
"Kaaalis lang niya baka palabas na siya, abangan mo nalang sa exit sa may bandang likod.". Sabi niya agad naman akong nag pasalamat at nag madaling lumabas.
Napansin ko wasted na sila Miles pero siguro naman aayusin na ng Club na to ang pag uwe sa kanila. Hindi ko muna palalampasin ang pag kakataon na ito,
Ilang linggo naba akong natotoyo? Hindi ko alam.Bumaba ako sa hagdan at agad hinanap ang exit, nang makalabas ako tumingin ako sa paligid kung may Bella na papaalis pero wala, pinuntahan ko rin ang exit sa likod at nagulat ako sa nakikita ko.
"Hey fucker!!". Sigaw ko. Agad akong lumapit at sinapak sa muka ang lalaking to. Tatayo na sana siya pero naunahan ko siyang itutok ang dala kong baril.
"Hindi mo gugustuhing mamatay at humandusay sa malamig na lupa diba?!. Now run!!". Sigaw ko. Agad namang umatras ang lalaki at umalis.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Bella kaya naman na patingin ako sa kaniya.
"What?!". Iritang tanong ko.
"You don't need to do that! Kaya ko ang sarili ko". She said at inayus ang dala niyang bag.
"Seryoso ka? Muntik ka na nga reypin ng lalaking yun, buti nalang pala dumating ako". Sabi ko habang inaayus ang baril ko sa may belt.
"Kaya ko nga ang sarili ko Agent, you don't have to do that".
"Whatever. May sasakyan kaba? Ihatid na kita?". Alok ko..
"Meron sorry". Nag simula na siyang mag lakad hanggang sa narating niya ang Blue Sports Car.
"Are you serious? Nag tatrabaho ka sa club na to pero may ganyan kang sasakyan? Ano yun trip mo lang?". Natatawa kong tanong habang tinitignan ang kotse sa harap ko.
"Ano sa tingin mo Agent?". Damn woman. Lalo lang siyang gumaganda sa paningin ko, gusto ko siyang halikan at gawin na dito sa ibabaw ng hood ng kotse niya ang kagabi ko pa iniisip.
"Anong kailangan mo? Kanina ka pa parang asong sunod ng sunod, kung hindi kalang pulis kanina ko pa inisip na adik ka". Sabi niya at binuksan ang kotse niya.
"Adik nga ako." Nag taka ang muka niya."Adik sayo". Pagkasabi ko nun tumawa siya ng malakas at ako naman natatawa rin dahil sa ka cornihan ko.
"Ohh my god! Pulis kaba talaga?". Natatawa parin niyang tanong.
"Hope in!". Utos niya.
"Where are we going?".
"Basta sakay!". Sabi niya at ako naman walang magawa kundi sumakay at mag paubaya.
YOU ARE READING
That Killer Rose [COMPLETED/EDITING]
RomanceHailey is a reliable and excellent police officer. She is expected to end the case that no other good investigator and detectives can close. Will she find out who the killer is? Will she end the case? Photo cover not mine, credits to Anny Spratt. Tr...