CHAPTER ONE

2.5K 52 1
                                    

Serenity's POV

"Ma, ok ba kayo diyan? Sabihin niyo kung hindi ay maghahanap tayo ng pwesto niyo.."

(Ok na kami dito anak, mas maganda na ito kaysa sa dati nating tirahan. Hindi ito magigiba ng mga bagyo o ano man...)

"Ganun ba, si Drake nasaan?"

(Drake!!!! Halika rito!! Oh si Ate...Hi ate!!! Musta na diyan, kailan ka uuwi?)

"Soon baby...."

Nag-usap pa kami ng ilang minuto ni Drake bago ko binaba ang tawag. Nandito ako ngayon sa coffee shop na tinatrabahuan ko. Dito na ako nagtagal sa pagtatrabaho.

Nag-asawa na si Nicole kaya alam kong maginhawa na ang buhay niya. Masaya akong makita ang anak ko at makasama ng ilang araw nung nagbirthday si Nicole.

Oo, anak ko si Drake. Pero dahil puno ng judgmental sa mundo ay kailangan ko siyang itago. Galit na galit si mama nang malaman niya na buntis ako.

Ayaw niyang magaya daw ako sa kaniya. Lumaki akong wala ama dahil iniwan si mama.

Ayaw ko rin na mangyari sa akin yun kaya nandito ako sa Maynila dahil malaki ang porsyentong nandito ang lalaking yun.

Sobrang nabigo ko si mama sa point na napaiyak ko siya. Masakit makitang umiiyak ang minamahal mo sa buhay dahil saiyo.

Isa lang ang matalik kong kaibigan na si Nicole Irish Knight at ang problema ay matalik ko nga siyang kaibigan pero hindi niya alam na anak ko si Drake. Ang alam niya lang ay kapatid ko siya. Kami lang ni mama ang may alam nun at ang lahat ng taong nakakita sa kaniya ay kapatid lamang ang alam nila.

Bago pa ako magkwento ay ang pangalan ni mama ay Syrina Montefalcon. Maganda ang pangalan ni mama, pandagat. Pero ang pangalan ko ang hindi ko alam ang meaning. Tinanong ko si mama kung saan niya daw nakuha ang pangalan ko.

Ang sabi niya lang ay sa diyaryo. Sa ganda kong ito, sa diyaryo lang nakuha ang pangalan ko.

Nagandahan daw siya sa Serenity kaya iyun ang pinangalan.

Pinangalan ko naman si Drake sa lalaking yun.

Draco ang narinig kong pangalan niya, kaya Drake.

Lahat ng Draco sa Facebook ay talagang pinaghahanap ko. Gusto kong may makilalang ama ang anak ko.

Mahirap maghanap ng taong hindi ko naman kilala. Gusto ko lang na makita siya at sabihing may anak siya.

Pero natatakot din ako dahil baka kunin niya ang anak ko.

Nagbago ang lahat ng mga pananaw ko sa buhay ng may makilala ako nung kasal ni Nicole.

Sana kapag ikakasal ako ay ganito din kay Nicole. Maganda lahat. Pati ang simbahan..

Napatingin ako ng magsilakad na ang lahat sa aisle at nang ako na ang maglalakad ay talagang feel na feel kong ako ang bride. Kahit na hindi naman ako ay alam ko balang araw ay lalakad din ako sa aisle na ganito at magiging masaya din ako katulad ng kaibigan ko.

Habang nasa seremonya pa ay napadako ang paningin ko sa best man ni Clay. Ngayon ko lang ito nakita at familiar sa akin ang kilay at mata niya.

Lost and Found Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon