CHAPTER TWENTY-FOUR

1.4K 32 2
                                    

Serenity's POV

"Magkahawig kami diba.....ni Stephanie...."

"Serenity --"

"Huwag mo ng bilugin ang ulo ko Draco. Tanga na ako para maniwala pa sa sasabihin mo.." sabi ko binalik ang picture frame sa kinalalagyan nito. Napatingin ako sa kaniya at wala na ang pagkunot ng noo nito. Nakatingin lang ito sa akin at kita sa mukha niya ang sakit na nararamdaman niya.

"Nasaan ba siya? Nasaan na ba ang Stephanie na ito.."

"She passed away, 8 years ago and it's my fault..."

Napatingin ako sa kaniya at nakayuko na ito.

"Kasalanan mo, magkwento ka.."

Napatingin siya sa akin at nagbuntong hininga ito.




Draco's POV

"Babe, I'll wait.." sabi ko.

Binaba ko na ang tawag.

Nag-away kami ni Stephanie, kama-kailan lang. Malalim ang dahilan ng pinag-awayan namin. Patungkol ito sa kasal na pinagkasunduan ng mama at papa niya sa ibang lalaki.

Gusto niyang mabuhay ako ng wala ng gulo. Dahil nalaman ng papa niya na may boyfriend ang anak niya at ako iyun. Malaki ang problemang binigay sa akin ni Mr. Steven Paige, ama ni Stephanie.

Gusto kong makasama si Stephanie, wala ito ngayon sa bansa namin dahil nasa America ito. Napag-usapan naming mag-sama nalang. Pinapauwi ko siya rito at walang kaalam-alam ang pamilya nito.

Kahit ang mga bestfriend kong sina Clay at Elizabeth ay walang alam kay Stephanie. Si Lucas lang na kaklase ko.

Napatingin ako sa cellphone ko na magtext si Stephanie.

'I miss you and i love you, can't wait to see you'

Napangiti ako sa text nito. Kahit ako din naman ay naeexcite na makita siya. Dalawang linggo itong nasa America at yun ang isa din na pinag-awayan namin.

Hindi niya daw maiwanan ang papa nito at lalo na ang mama niya na may sakit sa puso.

Kasalanan bang gusto ko siyang makasama.

Ilang oras lang ay agad na may binalita na isang eroplanong bumagsak. Agad na napuno ng kaba ng dibdib ko.

Hindi ko alam kung bakit.

Tinawagan ko ang cellphone ni Stephanie pero wala na ito.

Isang araw na ang lumilipas pero wala na akong balita sa kaniya.

Nang may mapanood ako sa TV, mga namatay sa bumagsak na eroplano.

Lost and Found Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon