CHAPTER SEVENTEEN

1.4K 41 1
                                    

Serenity's POV

"Mabuti kung ganun, maaaring nang gawin ito dahil kailangan na ng bata."

Tumango lang si Draco.

Ilang minuto lang ay ginawa na ang pagkuha ng dugo. Lumabas muna ako dahil sa totoo lang ay ayaw kong makakita ng dugo.

Ilang mga minuto pa ay lumabas na ang doctor. Ngumiti lang ito at parang nagsasabing ayos na ang anak ko.

Pumasok ako sa loob at nakita ko doon na nakaupo sa sofa. Pumunta ako sa anak ko at hinawakan ang pisnge nito.

"Now. Explain...."

"Salamat sa pagbibigay ng dugo kay--"

"Humarap ka sa akin Serenity.."

Tumayo ako sa maayos at humarap sa kanya.

"Salamat sa pagbibigay ng--"

"Hindi yan ang gusto kong malaman mula sayo.."

"Anong gusto mong malaman sa akin, na nagtatrabaho ako sa club. Na nagpapanggap na boy--"

"Hindi yun, hindi ako tanga para hindi ko malaman na anak ko si Drake, mukhang sa akin mo pa nakuha ang name niya.."

Agad na tumingin ako sa anak ko. Eto na nga ba ang sinasabi ko na pag-aagawan namin ang anak ko.

"Kapatid ko si Drake, kung ama ka niya, edi kayo ni mama--"

"Huwag mo ng lokohin ang sarili mo at ako. Unang tingin ko palang noon kay Drake ng dinala siya ng parents ni Nicole ay ramdam ko. Tinanong kita kung anak mo siya pero iba ang sinabi mo. Kapag pinagtabi kami ni Drake ay bulag lang ang hindi magsasabing hindi kami magkamukha. Ngayon ikaw ang magsabi sa akin Serenity, gusto ko sayo iyun marinig. Sabihin mo ang gusto kong marinig sayo dahil kung hindi ay wala akong magagawa kundi magpa-DNA test.."

Nakatingin lang sa akin si Draco, nakikita ko ang galit sa mukha niya.

"Oo..." wala na rin akong magagawa. Nagmatch ang dugo nila kaya nagbigay iyun ng kalinawan sa isip niya.

"Oong?"

"Anak mo nga siya, yun ba ang gusto mong marinig. Anak mo nga siya, masaya ka na..." sabi ko sa kaniya. Nakita kong nagsalubong ang mga kilay nito. Agad na tumayo ito at lumapit sa akin.

"Masaya ako? Sa tingin mo ba ay masaya ako? Limang taon na ang lumipas at may anak pala akong nabubuhay na kung saan.."

"Bakit mo sinassabi sa akin yan, limang taon na rin ang lumipas at ngayon mo lang sinabi sa akin na ikaw yung lalaking yun..."

"Nalaman mo naman na, bakit hindi mo sinabi sa akin. Nalaman mong ako yun pero wala kang sinabi..."

"Sa tingin mo ba diyan sa ugali mo ay may magtatapat sayong anak mo. Sa dami ng babae mo ay lalapit ako at sasabihing may anak tayo. Hindi mo alam ang dinanas ko...."

"Wala kang balak sabihin sa akin ng malaman mong ako yun. Hahayaan mo talagang lumaki ang anak kong hindi niya ako nakikilala. Nakapa-selfish mo naman. Anak ko siya, anak ko din siya.."

"Oo, wala akong balak sabihin sayo yun. Wala akong balak na sabihin lahat sayo. Gayundin sa anak ko, na hanggang ngayon ay ate niya lang ako. Gusto ko siyang itago, oo. Ayaw kong maranasan niya ang dinanas ko noon. Na lahat ng paghuhusga sa akin ay nahusga na. At ayaw kong ganun din ang mangyari sa anak ko. Kaya sorry kung yun ang gusto kong gawin dahil ayaw kong masaktan ang anak ko..Wala akong balak sabihin sayo dahil alam kong sa oras na malaman mo ay ilalayo mo ang anak ko. Kukunin mo siya sa akin."

Lost and Found Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon