Serenity's POV
"Uy, Serenity hinahanap ka sa akin ng kambal."
"Hmm...bakit hindi mo sila dinala dito kung gayun?"
"Ayaw kasi nilang umalis sa bahay ehh.."
"So ako ang pupunta sa inyo?"
"Siguro, parang ganun na nga.."
Napatingin ako kay Nicole habang naglilinis ako ng buong kwarto. Nasa trabaho kasi ang asawa niya kaya heto siya. Ang mga anak niya naman ay may kasama naman daw sa bahay kaya ok lang na iwan daw sila doon.
"Sino pala ang kasama ng dalawa doon?" tanong ko habang naglalagay ng basura sa basurahan ko.
"Kaibigan lang--uy! Ikaw pala? Nagtatrabaho ka pala sa isang bar, huwag mong sabihing dance--"
"Ho-Hoy! Hindi loko ka, sinong nagsabi? Bartender slash waitress ako doon. At kahit kailan ay walang gumalaw sa akin doon.."
"Hmm...ganun?"
"Aba! So inaakala mong dancer ako doon?"
"Kanina, kaya nga ako pumunta dito pero hindi naman pala kaya ok lang.."
Nang matapos ko na ang paglilinis ay agad kong kinuha ang cellphone ko para tignan kung may nagtext ba..
'Hi ate, miss na po kita'
Agad na parang may humaplos sa puso ko ng mabasa ko ang text ng anak ko.
"Oh sino yan? Baka may boyfriend ka na pala?"
"Loko! Hindi, si baby boy to.."
"Ahh...ok, baka ibang baby boy na pala yan ahhh"
"Loko! Si Drake toh ayy!!"
' ok lang ako, miss na miss na miss na kita. Huwag laging pasaway kay mama ahhh. Good boy lagi baby boy...'
Text ko sa kaniya.
Napatingin ako kay Nicole na may kausap sa cellphone din nito. Baka ang asawa niya?.
Mamayang 4:00 pm pa ang trabaho ko doon kaya may mga oras pa ako na gawin ang dapat gawin.
Hindi lang basta gold ang oras, diamond, ruby, amethyst, emerald at etc. Mahalaga ang bawat oras na lumilipas sa akin.
Dapat ay may nagagawa ako kapag free time ko. Kung minsan ay nawawala na sa oras ko ang paghahanap sa kaniya. Mukha naman kasing ayaw magpahanap ehh.
At saka alam kong darating ang panahon na magkikita kami o makikita ko lang siya.
"Uuwi na ako Serenity, umiiyak na kasi ang kambal. Ang tagal ko daw, pumunta din kasi ako dito para isama ka. Gusto kang makita kasi ng kambal.."
"Sige na pala, sasama na ako. Kawawa naman sila doon.."
"Good!!"
Nag-ayos muna ako bago sumama kay Nicole. Akala ko ay magta-taxi kami pero heto, mukhang ayaw ni Clay hayaang mag-isa ang asawa kaya may kasama itong guard doon. Para din daw safe kasi kilala ang si Clay bilang mayaman at maimpluwensyang tao kaya pwedeng may mangyaring masama sa kanila dahil doon.
Pero iba talaga ang pagmamahalan nila, lalong tumibay ng may biyaya na silang nakuha, at yun ang kambal nito.
Kahit hindi ganuung kagandahan sa akin at ang ama nitong si Drake ay masaya ako dahil siya ang naging inspiration ko. Nang nalaman kong buntis ako ay ilang beses kong gusting sumuko, ilang beses kong hiniling na sana isang masamang pangyayari iyun.
BINABASA MO ANG
Lost and Found
General Fiction[Completed] A hunk, handsome, womanizer Draco Scott na nawalan ng mahal sa buhay kaya dinadaan nalang sa pambabae at kasiyahan. A workaholic Serenity Montefalcon na may mga misyon sa buhay. Ang pagtatagpong nangyari sa loob lamang ng isang gabi na n...