CHAPTER NINE

1.3K 41 1
                                    

Serenity's POV

Ilang araw na ang lumipas at hindi ko parin nakakausap si Draco. Wala naman akong alam kung saan yun nakatira. At ngayong Sabado na naman ay pupunta ako kina Nicole. Baka sakaling nandoon siya.

Hindi naman sa gustong-gusto ko siyang makita. Nakakaano kasi ang huli naming pagkikita. Lagi nalang paiba-iba siya ng mood.

At isa lang ang pumapasok sa isip ko kung bakit. Dahil sa babaeng nangangalang Stephanie. Babae niya ba yun at hindi niya makalimut-limutan. Mukha ding special sa kaniya kasi may heart tapos siya lang ang may picture doon. Sa totoo lang ay kunting apply lang sa akin ng makeup ay parang ako lang siya pero Serenity ang pangalan ko.

Hindi Stephanie!

Nagsimula na ako mag-ayos ng gamit dahil makalat kasi pagod ako kahapon at hindi na ako nagkaroon ng time para mag-ayos ng gamit dahil dumeretso ako sa kama at natulog na.
Mamaya nalang siguro ako pupunta sa bahay nina Nicole.

Agad akong pumunta sa mesa dahil tumunog ang cellphone ko, may tumatawag.

"Hello, Nicole napatawag ka, mamaya nalang ako pupunta sa bahay--"

(Wala kang maaabutan doon, papunta kami ngayon kina mama at papa para bisitahin sila..)

Napatigil ako sa pagtutupi ng damit sa sinabi niya.

"Ahhh ganun ba.."

(Oo, sensiya na ahh, hindi kita nasabihan...)

"Ok lang.."

Sayang dahil gusto kong sumama pero may trabaho ako sa bar mamayang gabi.

"May ginagawa naman ako ngayon dito sa apartment, naglilinis ako.."

(Ahh sige, baka naistorbo kita..)

"Hindi naman..."

Sabi ko habang nagtutupi ulit ng mga damit...

(Ay! Sige na pala. Umiiyak na naman ang kambal..)

Nakarinig ako ng mga iyak sa linya kaya agad akong napatawa. Mahirap talaga kapag nagkaanak ka. Tahan dito tahan doon. Nang mga ganyan ang edad ni Drake ay talagang nakakapagod pero worth it naman dahil sa sayang pinararanas niya sa akin.

"Sige na pala, bye!"

(Bye!!)

Ngayon na wala akong pupuntahan. Baka dito nalang ako sa kwarto ko. Tumingin sa paligid o kaya matufulog nalang ako.

Ilalagay ko na sana sa bag ang cellphone ko ng bigla nalang iyung magring.

Si Lucas?

"Oh napatawag ka, sa pagkaalam ko ay mamayang four pa ang trabaho ko diyan sa bar mo?"

(Nahh, yayayain sana kita..)

"Saan naman, nandiyan ulit ang mga magulang mo?"

Doon nga pala sa bigay ng pera ay nagpadala ako kina mama. Masaya ako dahil makakabili na sila ng mga pangangailangan nila ng anak ko. At may mga bagong laruan ang anak ko.

Masaya akong makitang masaya ang anak ko. Kahit na sigurong hindi ko na makita ang ama ng anak ko, masaya na akong kami-kami lang.

(Hindi, ammm ano..baka gusto mong sumama sa resort para magrelax...)

"Alam mong may trabaho ako sa bar mo.."

(Ako na bahala doon, boss ako...)

"Syempre papayag ako, hello! Opportunity na makapunta sa resort.."

Narinig kong tumawa siya sa sinabi ko kahit ako din naman...

(Lagi mo nalang ako pinapasaya sa mga sinasabi mo Serenity..)

Lost and Found Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon