Epilogue

2.7K 84 11
                                    

Serenity's POV

"Mommy, ang ganda niyo naman po." Puri sa akin ng anak ko. Napalapit naman ako dito at niyakap ito.

"Ikaw din baby boy, ang gwapong-gwapo po. Mukhang marami kang papaiyaking babae sa paglaki mo"

"No! Wala akong aawayin na babae at saka kuya na ako.."

"Hmm....sabi mo ehh"

Napatingin naman ako sa hairstylist ko. Napangiti naman ito.

"Ma'am maganda po kayo, huwag po kayong mag-alala. Hindi na po.kayong kailangang ayusan.."

"Bola..."

"Hindi po, diba baby Drake.."

"Opo!!!"

Napatingin ako kay Drake at hinawakan ang kamay niya.

"Paano yan Drake, kuya ka dapat na diba pero para sa lahat ay baby boy ka parin.."

"Hmm..pero po, sige...ako si baby boy at si Sia ay si baby girl.."

"Tama ka.." sabi ko at pinag-gigilan ang pisnge nito.

Pinanganak ko muna ang baby girl namin bago kami nagdesisyon na magpakasal. Gusto ko kasing maganda ako sa kasal ko hindi mastress kaya nagpanganak muna ako.

Sia ang name ng baby girl namin. Hindi na ako nagbigay pa ng second name dahil mahihirapan ito sa pagsulat kung mahaba ang name niya dahil mahaba ang apelyido ko.

Bigla bumukas ang pinto at pumasok si mama at ang Dad ko. Civil na sila sa isa't-isa at masaya naman si mama sa pamilya nito.

"Anak, time na. Mauna na kami ahhh, halika na baby boy.." bumitaw na si Drake sa akin at pumunta na sa kina mama at Dad.

"Bye mommy, see you sa Church.."

Ngumiti ako at nagpaalam na sa kaniya. Na kina Mom at Dad Dracula ang anak kong si Sia.

Mga ilang minuto lang ay naayusan na ako at inalalayan akong maglakad hanggang nasa bridal car na.

"Ngayon palang ma'am, congratulation na po.." sabi ng hairstylist ko. Napangiti ako sa sinabi nito.

"Salamat..." sabi ko at sinara niya ang pinto.

Nang nasa gitna na ng biyahe ay biglang huminto.

"Kuya, anong meron?"

"Ma'am may gulo yata.."

"Anong gagawin natin, mala-late na ako sa kasal ko."

Hindi parin matapos-tapos. Naririnda na ako sa mga busina ng mga sasakyan kaya lumabas ako.

"Ma'am!!"

"Ayos lang, may aayusin lang ako." Sabi at pumunta sa pinagkakaguluhan.

"Sir, anong pong problema? Ano po kasi, kasal ko ngayon tapos baka ma-late ako dito.."

"Pasensiya po ma'am, nabunggo po kasi ako ng kotse nito at ayaw niya pong lumabas sa kotse niya..."

Lumapit ako doon at kinatok ang bintana nito.

"Sir, may nabunggo po kayo.."

Bigla namang bumaba ang bintana nito.

"Ay! Ako ba ang nakabangga, akala ko ay iba. Pasensiya na..."

Sumakay na ang dalawa at pinarada na nila ang mga sasakyan nila sa paradahan. Bumalik na akonsa kotse at lumabas naman ang driver para ayusin ang wedding dress ko..

Naging maganda na ang pagbiyahe namin.

"Ma'am?"

"Yes."

Lost and Found Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon