Serenity's POV
Nagising akong wala Draco na katabi. Sinabi niya ay uuwi siya pero wala parin siya ngayon. Late ko na ring nalaman na business trip pala ang pinuntahan niya.
Pero ang sinabi niya lang naman ay meeting pero business trip slash business meeting.
Akala ko ba naman ay kahit wala siyang ginagawa ay kumikita siya. Ano na ngayon?
Maaga akong nagising dahil akala ko ay dadating siya at masasabi ko na sa kaniya. Ayokong sa through cellphone ang way ng sasabihin ko sa kaniya. Gusto ko ay personal.
Magbabago siguro ang lahat kung sasabihin ko sa kaniyang buntis ako. Matutuwa ba siya?
Oo, siya pa. Gustong-gusto niyang magkaroon ng anak agad dahil gusto niyang maranasan ang pagpapalaki ng baby.
Mahirap kaya..
Parang nawala lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko. Nae-excite na akong sabihin sa kaniya.
Pinuntahan ko ang kwarto ng anak ko. Pagkarating ko doon ay nakaupo na ito sa kama at nakatulala.
Ganun siya minsan magising.
Sinasabi kong huwag niyang sanayin ang ganun dahil kapag iba ang makakita sa kaniyang ganun ay matatakot sila.
Hinalikan ko sa pisnge ang anak ko.
"Morning baby boy.."
Napatingin ito sa akin at ngumiti.
"Morning mommy, daddy?"
"Wala pa siya baby boy, pero sa tingin ko ay pauwi na yun. Business trip pala ang pinuntahan ng daddy mo.."
"Ok po.."
Hinawakan ko sa dalawang pisnge ang anak ko at hinarap sa akin.
"Huwag ka ng sad, diba may pasok ka. Malay mo pag-uwi mo ay nandito na siya at hinihintay ka na.."
Lumiwanag ang mukha ng anak kobat agad ng tumayo.
"Bilisan na po pala natin para makapasok agad ako at makauwi agad.."
Napatawa nalang ako at naligo na agad ang anak ko. Marunong na siyang magbihis na mag-isa at maligong mag-isa sa bago niyang kwarto.
Bumaba na ako sa hagdan at nakita ko sa may kusina si mama at may niluluto.
"Morning ma..."
"Oh, wala pa ang asawa mo.."
Napatingin ako kay mama sa sinabi niyang 'asawa ko' ulit. Ganun kasi si mama. Kapag ka-live-in na kasi ay asawa na agad.
"Wala pa siya, business trip daw.."
"Hmmm..kailan ang uwi niya.."
"Siguro, mamaya o bukas ulit.."
Hindi na nagsalita pa si mama kaya pumunta ako sa mesa. Pinapanood ko nalang siya magluto. Napalingon ito sa akin at inalokan niya ako ng kape pero umiling lang ako.
Wala pa akong nakukuhang text or tawag kay Draco na pinagtataka ko.
Kasi dapat ay nandito na ang taong yun pero wala kaya dapat nagtext siya o tumawag.
Nakakaramdam na naman ako ng masamang pakiramdam na may babae itong tinatago.
Kainis naman..
Napatingin ako sa cellphone ko.Kapag hindi pa siya tumawag ay talagang hindi ko siya papansinin at kakausapin patungkol dito sa bata.
Isa...
BINABASA MO ANG
Lost and Found
General Fiction[Completed] A hunk, handsome, womanizer Draco Scott na nawalan ng mahal sa buhay kaya dinadaan nalang sa pambabae at kasiyahan. A workaholic Serenity Montefalcon na may mga misyon sa buhay. Ang pagtatagpong nangyari sa loob lamang ng isang gabi na n...