CHAPTER TWENTY-TWO

1.3K 38 0
                                    

Serenity's POV

Anong oras na kaming nakauwi ni Draco, mabuti nalang at marunong ako magmaneho dahil minsan akong tinuruan ni Lucas. Lasing na kasi siya.

Ako yung talagang niyaya pero siya ang nalasing. Parang nakaisang beer lang ako tapos ubos na nila. Si Lucas ay nakatulog na si rooftop ng bar niya.

Magugulat nalangnyun pagkagising niya ay nasa rooftop siya.

Kami naman ni Draco ay kailangang umuwi dahil may anak na naghihintay sa amin. Well, mga ganitong oras ay tulog na yun pero kahit na, kung uuwi pa kami bukas ay hahanapin kami nun.

At saka bukas ay papasok na siya. Kailangan niyang ipagpatuloy ang pag-aaral niya dito sa Maynila. Sasamahan ko siya sa bago niyang school.

Nang naka-stop sign ang traffic lights ay hininto ko muna ang kotse at napatingin sa lasing na si Draco. Ano namang kasing pinaggagawa nila at naparami ang inom nila.

Yung naabutan ko silang nag-uusap ay naging tahimik sila at uminom nalang ng uminom.

Nang mag-go sign na ay nagmaneho na ako. Natatakot ako dahil matagal na simulang magmaneho ako tapos eto na nga. Maingat talaga akondahil ayokong madisgrasya kami. Kawawa ang anak ko at si mama.

Nakarating kami sa bahay ni Draco, thanks God at hindi kami nadisgrasya. Nagbukas ang gate kaya pinasok ko na ang kotse at ipinarada sa paradahan nito.

Napatingin ako kay Draco habang tinatanggal ang seatbelt. Paano ko siya papaalisin at gigisingin.

Tinanggal ko ang seatbelt niya at lumabas sa kotse. Umikot ako sa kotse at pumunta sa passenger seat na kinauupuan ni Draco. Binuksan ko ang pinto nun at tinapik-tapik ang pisnge ni Draco.

"Draco....gising...nandito na tayo.."

Panay ungol at daing lang ang response ni Draco.

Nilakasan ko na ang tapik at dumilat ang mata nito at napatingin sa akin.

Kita ko pa ang gulat sa mukha niya.

"Halika dito at tumayo ka. Nandito na tayo sa bahay.."

Sumunod naman siya pero ang nakakailang ay nakatingin siya sanakin na para bang nakakita ng multo.

"Tumingin ka sa daanan, hindi sa akin.." sabi ko sa kaniya at talagang nahirapan kami sa pag-akyat sa hagdan.

Nang makarating kami sa kwarto namin ay talagang minadali ko na ang paglakad at binitawan siya sa kama. Bumagsak naman siya doon. Nailing-iling pa ako sa kalagayan niya.

Agad kong tinanggal ang sapatos at medyas nito. Isa sa maganda sa lakaking ito ay ang hindi mabaho ang paa nito. Kahit yata amuyin ko magdamag ang medyas nito ay ok lang..

Joke, kadiri na...

Agad akong pumunta sa cr at kumuha ng tabo at tuwalya doon. Nilapag ko muna sa tabi yun at lumapit kay Draco na nakahiga parin. Tinanggal ko ang damit nito. At ngayon na natanggal ko na iyun ay napatingin ako sa dibdib nito pababa sa tiyan niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at agad na umiling-iling.

"Focus, Serenity...focus.."

Napatingin ako sa suot nitong pantalon. Nang makatabi ko siyang matulog ay napansin ko nang nakaboxer lang itong matulog. Nang magising kasi ako ay nagulat nalang ako na ganun ang ayos niya.

Hinawakan ko ang sinturon nito at mabilis na tinanggal. Nanginginig pa ang kamay ko na tinatanggal ang pagkabutones nun. Agad akong tumayo at winisik-wisik ang kamay.

Lost and Found Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon