CHAPTER TWO

1.9K 55 0
                                    

Serenity's POV

Ang tagal na nung huling kita ko sa kaniya.

"Dito ka pala nagtatrabaho, ngayon ko lang nalaman.." sabi nito. Ewan ba, sa tuwing napapatingin ako sa kaniya ay natutulala ako.

"Amm, yung kape ko ay hawak mo pa rin..."

Napatingin ako sa kamay ko na hawak ko pa nga, nahihiyang napangiti ako at binitawan ko na yun.

"Nice to see you....here.."

Tumawa lang siya at ininum ang kape nito.

Napatingin ako sa kasamahan ko dito na nakangisi at tinuturo niya pa si Draco. Alam kong tinutukso niya ako dahil kay Draco.

"Amm...kamus--"

"Draco baby.." Napatingin ako sa bagong dating na babae. Nakadress pa ito na kulay black. Hindi siya yung huling babaeng nakita kong kasama ni Draco noon ahh. Paiba-iba lang...

Mukhang busy na sila sa pag-uusapan nila kaya umalis na ako. May ka-date pala si Draco, nakakahiya nang lumapit.

"Uy! May kasama pala yung guy, sayang naman kasi bagay kayo.."

"Ano ka ba?! Parang dinala ko lang yung order.."

"Nakita kong kinausap ka nung guy na yun, mukhang magkakilala kayo.."

"Ay! Bahala ka, magtatrabaho pa ako.."

Biyernes naman ngayon kaya bukas ang pasok ko sa bar ni Lucas.

Napatingin ako sa mesang kinaroroonan ni Draco. Tahimik lang ito na umiinom ng kape habang ang kasama nito ay daldal ng daldal. Mukhang hindi naman interesado si Draco sa kausap nito dahil naglabas pa siya ng cellphone at doon na lang nakatingin.

Napalaki ang mata ko ng dumako ang tingin ni Draco sa akin at agad itong ngumisi. Agad akong tumalikod at pumunta na sa likod.

My goodness!! Nakita niya bang kanina ko pa siyang tinitignan.

.....

...

Malapit na ang out ko ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman iyung tinignan at agad akong napangiti ng makita ko kung sino ang nagtext.

' kamusta na ate?..'

Alam kong si Drake yun, lagi niya kasing hinihiram kay mama ang cellphone. Nakakabawas ng pagod kapag nakakausap ko o ka-text ang anak ko.

Kindergarten na kasi siya at minsan ay kung wala naman akong ginagawa ay ka-video call ko sila at kinakantahan ko siya ng mga nursery song. Sa ganun ay hindi siya malungkot dahil wala ako ngayon sa tabi niya.

Minsan nalulungkot ako kapag sinasabihan niya akong 'ate' dahil anak ko siya. Kailangan ko lang itago siya sa mapanghusgang mundo.

At alam kong darating din ang panahon at masasabi ko rin sa kaniya ang totoo kapag nahanap ko na ang lalaking yun. Gusto ko lang siya makita, makita lang at kung pwede rin ay hindi ko siya lalapitan na.

'Ok lang ako baby boy? Kamusta ka din?'

Napangiti ako ng makita kong agad siyang nagtext.

'Ok naman po, bye na po..'

Sabi niya lang kaya hindi na ako nagtext pa dahil alam kong kinuha nasa kaniya ni mama ang cellphone.


Naglalakad na ako pauwi sa apartment na tinitirahan ko ng may tumawag sa cellphone.

Nang makita ko ang caller na pangalang Lucas ay agad kong sinagot. Hindi ko siya tinatawagan na boss o sir gaya ng ibang katrabaho ko doon. Si Lucas mismo ang may ayaw ng ganun. Ayaw niyang tawagan ko siyang ganun.

Lost and Found Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon