CHAPTER TWENTY-SEVEN

1.5K 40 0
                                    

Serenity's POV

Lahat ng tao sa tapat ng paaralan ay nagkaguluhan.

Hindi parin ako makaalis sa pwesto ko. Gustong-gusto kong puntahan si Draco pero hindi parin ako makagalaw.

"Mommy!!! Mommy!!!" Sigaw sa akin ng anak ko at parang doon ako nagkaroon ng lakas na puntahan ang kinaroroonan ni Draco.

Pinagtatabi ko ang mga nakaharang at pinuntahan si Draco.

"Tumabi kayo!!!!" Sigaw ko dahil halos lahat ng tao ay pinapalibutan kami.

"Drake, ang driver natin ipahanda ang kotse! Bilis!!" Tumango naman ang anak ko at pinuntahan ang driver namin na sinalubong naman siya.

"Ma'am sa kaliwa po kayo.." sabi ng driver namin. Kahit na bawal para sa akin ang pagbuhat.

Nang maisakay namin siya sa backseat. Sumakay sa passenger seat si Drake at nakatingin ito sa akin.

"Drake, umayo ka diyan ng upo. Magseatbelt ka." Sabi ko sa anak ko na ngayo'y umiiyak.

Napatingin ako kay Draco na nakapikit. May ilang dugong lumalabas sa bibig nito. Hinawakan ko ang pisnge nito.

" Draco, kailangan mong maging maayos, ok..Kailangan mo.." sabi ko.

Dumapo ang kamay ko sa bandang batok nito at may dugo ito doon. Napakagat ako sa ibabang labi ko at hinawakan siya sa pisnge. Dinala ko ang isang kamay niya sa bandang puson ko.

"Kailangan ka namin ng anak mo, ng mga anak mo. Ayokong maulit ang nangyari kay Drake na ngayon kalang nakilala. Ok.. magiging maayos ang lahat.." agad kong pinunasan ang luhang bumabagsak sa pisnge.

Kailangan kong maging malakas para sa mga anak.

Nakarating kami sa Hospital at agad na sinalubong kami ng mga nurse na may dalang stretcher. Agad na inayos ang paglipat doon at agad na sinugod ito sa ER.

"Mommy! Si Daddy!! Ok na po siya? Nakapasok na siya sa Hospital kaya dapat ok na siya..." sabi ng anak ko at sinisinok na sa kakaiyak.

Agad kong kinuha ang bag niya na nasa likod niya at kinuha ang tubig niya doon. Agad ko siyang pinainom ng tubig.

"Hindi na po ang nagtatampo kay daddy, basta maging maayos na po siya.."

"Ako din, anak....ako din.." sabi ko at niyakap ito.

Agad na naglandas ang mga luha sa mata ko. Kahit pilitin kong punasan ng punasan ay patuloy parin ang pagluha.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at pinipigilang humikbi. Kailangan kong maging malakas sa harap ng anak ko dahil kapag nakita niya akong mahina ay magiging mahina ito.

Maraming mga eksenang pumapasok sa isip ko at isa na doon ang lahat ng hindi ko pagpansin kay Draco. Nagsisisi akong nagalit ako sa kaniya.

Na dapat ay sa bahay nalang kami nagkita at hindi na pinapunta da school. At ngayon na nasa masamang lagay siya ay paano ko makakausap ito patungkol sa bata.

Galit ako sa kaniya pero ngayon ay mas galit ako sa sarili ko.

Tama ngang nasa huli ang pagsisisi.

Ilang oras din ang lumipas at nakatulog nasa tabi ko ang anak ko. Dumating na rin si mama dito at gusto niyang pauwiin ako pero hindi ako makauwi hangga't hindi nagiging maayos ang lagay ni Draco.

Malala ang pagtama nito at mas mapuruhan ang ulo. Naging maayos naman ang operation at salamat sa Diyos.

Pero hindi parin ito nagigising.

Lost and Found Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon