CHAPTER EIGHT

1.3K 42 0
                                    

Serenity's POV

Shit! Nandito si Lucas.

Anong gagawin ko?

Napatingin ako kay Draco na parang normal lang na nakatira sa apartment ko. Kumakain ng dala niya at parang walang nangyari.

Teka?

Ano ba ang nangyari--Oh Shit!

Hinalikan niya!!! Na naman!!

Tapos nasa labas si Lucas.

Agad akong tumayo at hinila si Draco. Hindi siya pwedeng lumabas sa pinto dahil makikita lang sila doon ni Lucas, wala na akong maisip na dahilan kung sakali mang magkita sila.

At hindi pwedeng, hindi ko pagbuksan ang pinto dahil baka magalit naman sa akin si Lucas. Siya pa naman ang sagot sa lahat ng pangangailangan ko. Sa kaniya ako may matinong trabaho at malaking sweldo. Baka tanggalin niya ako sa trabaho.

"Bakit mo ako hinila, saan tayo pupunta--"

"Manahimik ka.." galit na sabi ko pero mahina lang dahil baka marinig ni Lucas sa labas.

"Gusto mong dito tayo sa CR? Serenity hindi ko naman alam na may pagtingin ka sa akin kaya nandito tayo at--"

"Tumahimik ka muna dito, nasa labas si Lucas. Hindi ka pwedeng magpakita dahil problema yun--"

"Nasa labas si Lucas, tamang-tama may sasabihin ako sa kaniya about din sa pinag-uusapan namin kagabi.."

"Loko ka ba, hindi pwede ngayon. Please lang, huwag mo ulit ako bigyan ng problema..."

Napatingin ako sa kaniya na nakikiuusap. Gusto ko munang maging payapa sa lahat. Ayaw kong pag-isipan ang mga problema ngayon. Meron pa naman ako ngayon, kakastress...

"Ok, basta't bilisan niyo..."

"Oo, huwag kang maingay dito ahh.."

"Oo, basta't bilisan niyo. At saka alam ko naman na sa akin ka babagsak.."

"Huh?"

"Sige na, puntahan mo na siya."

Nakatingin nalang siya sa salamin. Kaya agad kong sinara ang pinto.

Huminga muna ako ng malalim bago pumunta sa pintuan ko. Agad ko nang binuksan at napatingin ao kay Lucas nanakaupo at nakasandal sa pader.

Tumayo siya at nagpagpag sa likod niya.

"Sabi ko na nga ba at nandito ka, natanggap mo ang text ko.."

"Oo, ngayon-ngayon lang, nasa balcony ako at ang cellphone ko ay nasa kama. Ano pala ang sadya mo..."

"Wala, binisita lang kita. At eto na pala ang sahod mo at ang extra ay nandiyan na din."

"Ahh salamat..."

"Hmm...ngayon ko na inaabot ang sweldo para mamayang gabi ay hindi na. Delikado din baka manakawan ka sa daan..."

"Oo nga, Salamat ulit.." isasara ko na sana ang pinto ng harangan niya ng kamay.

"Amm...ano, kanina pa kasi ako na nasi-CR. Pwedeng pa-CR?"

"Ano ammm..."

"Sorry, hindi ko na kaya.." sabi niya at agad na pumasok at binuksan ang pinto. Agad akong tumingin sa ibang direction dahil hindi siya nagsara ng pinto.

Teka si Draco ay nasa CR?

Nagcross fingers ako na sana ay hindi na makita ni Lucas si Draco doon.

Lost and Found Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon