Serenity's POV
"Ok baby! I love you!"
(Love you...te)
Napangiti nalang ako kahit medyo nasaktan ako. Binaba ko na ang tawag bago pinagpatuloy ang paglalaba. Nilalabhan ko lahat ng pinagdamitan ko sa buong linggo. Ang mga apartment na nandito ay may sari-sariling maliit na balcony kaya gumawa ako ng sampayan doon para doon ko nalang isasampay pagkatapos ma-dryer ang damit.
Napahawak ako sa puson ko dahil umaariba na naman ang sakit. Tiis-tiis lang naman ang mangyayari dahil ganito naman talaga kapag meron.
Ganito lang ang nangyayari sa akin tuwing linggo naman. Mamayang four ay nasa bar ako at pagkatapos ng trabaho doon ay kukunin ko na ang sweldo ko ng dalawang araw na pagtrabaho ko sa buong linggo. Doon naman sa coffee shop na tinatrabahuan ko ay tuwing end of month.
Napatingin ako sa cellphone ko na ang lock screen ay kami ng anak ko at nasa likod si mama.
Masakit sa akin na malayo sila, masakit para sa akin na hindi ko sila makasama. Tinitiis ko ang kasabikan kong umuwi ulit doon para magbakasyon. Masakit sa akin na ituring ako ng ate ng anak ko. Para din naman sa kaniya ito.
Maraming tao ang huhusga sa akin at lalo naman sa kaniya kapag nalaman na anak ko siya. Ayaw kong danasin ng anak ko ang dinanas namin noon ni mama.
Iniwan kasi ni mama ngbisang banyaga. Ako ang bunga nun, lagi sinasabi ng mga tao na nakipaglandian si mama sa mga foreigner para magkapera. At minalas daw siya at ako ang bunga.
Pwede nang ako nalang ang nagdanas nun, hindi na anak ko.
Dahil sa tuwing lumalaki si Drake ay nahahalataang hindi bastang Pilipino ang ama nito. Isa rin sigurong foreigner.
Pero alam kong dadating ang panahon na sasabihin ko na din ang lahat kay Drake pero hindi pa sa mga tao. Sa kaniya palang...
Habang sinasampay ko ang mga damit ay bigla nalang may nagdoorbell. Tinapos ko muna yung pagsasampay dahil malapit naman na akong matapos.
Nang tapos ay nagpunans muna ako ng kamay bago pumunta sa pinto. Tumingin ako sa peep hole kung sino yun.
Halos lumaki ang mata ko ng makita kung sino yun.
Si babaerong Draco lang naman. Anong ginagawa ng kumag na yun dito?
Binuksan ko na ang pinto.
"Goodmorni--"
"Walang good sa morning ko, anong kailangan mo?"
Good naman ang morning ko dahil nakakausap ko ang anak ko, sadyang nakakainis lang itong lalaking to. At medyo bad din kasi meron ako.
"Hmm..meron ka ba? Sungit mo naman.."
Napatingin ako sa kaniya na parang bang may natuklas siyang sekreto mula sa akin.
Paano niya nalaman na meron ako? Ganun na ba ang mga lalaki na mabilis nilang malaman ang kung meron o wala ang isang babae dahil lang sa asta nito..
So weird....
"Doon ka na nga! Shoo!! Shoo!!"
Taboy ko sa kaniya at nang isasara ko na ang pinto ay pinigilan niya ng isang kamay."So meron ka pala talaga..." sabi niya sabay ngisi.
"Doon ka na nga! Ano naman kung meron ako!!"
"Bakit ganyan kayong mga babae kapag meron kayo? Ang susungit niyo.."
"Kasi hindi ka babae, hindi ka nireregla kaya hindi mo nararamdaman!"
"Sayang naman kung uuwi agad ako, paano itong mga dala ko.." sabi niya sabay angat ng plastic bag na dala niya.
BINABASA MO ANG
Lost and Found
General Fiction[Completed] A hunk, handsome, womanizer Draco Scott na nawalan ng mahal sa buhay kaya dinadaan nalang sa pambabae at kasiyahan. A workaholic Serenity Montefalcon na may mga misyon sa buhay. Ang pagtatagpong nangyari sa loob lamang ng isang gabi na n...