Serenity's POV
Agad akong kumuha ng kutsara at tinikman ang gawa niya dahil wala paring kumakain sa aming dalawa. Nagdasal na kami at nag-ayos ng paligid ng mesa ay hindi pa rin siya kumukuha. Nasa tabi ko lang din ang cellphone ko in case na may tumawag.
Alam kong ako ang pinapauna niya. Baka may nilagay siya dito kaya pinapauna na niya ako.
Nang malasahan ko ang gawa niya ay matamis iyun pero masarap. Para sa iba ay normal na adobo ito. Ang lagi kong nakakain na adobo ay yung version na maalat ito pero sa kaniya ay matamis. Ibang version ng adobo ang kaniya.
"Ano? Pangit ba?"
"Hindi naman, tama lang ang lasa.." Nag-thumbs up pa ako sa kaniya dahil hindi pa yata siya nakuntento sa sinabi ko.
Nagsimula na kaming kumain ng magsalita siya.
"So, mas masarap na ba akong magluto kaysa sa kaniya?"
"Hmm...depende, hindi ko pa natitikman ang gawa niyang adobo.."
"Hmm....ok lang kung mas masarap ang luto niya.."
Sabi niya kaya tumango-tango nalang ako habang kumakain.
"Mas masarap naman ako sa kaniya, diba?..."
Agad akong naubo sa sinabi niya. Agad naman ko naman inabot ang baso ng juice pero naunahan niya na ako at kinuha niya pa ang pitchel.
"D-Draco.."
"Sabihin mo muna--"
"OO NA!!"
Nakangiting inabot niya sa akin ang baso at agad ko naman iyung ininum. Nakahinga naman na ako ng maluwag dahil doon.
"Siraulo ka, nabibilaukan na ako lahat-lahat pero wala ka paring ginawa.."
"Ayaw mo kasing sumagot.."
Pinagpatuloy ko na ulit ang pagkain ng tumunog ang cellphone ko.
Tumatawag si Lucas. Agad naman akong napatingin kay Draco na nakatingin din sa cellphone ko.
"Huwag mong sagutin..."
"Bakit naman?"
"Dahil kumakain ka o kaya pwede niyang isipin na nasa trabaho ka kaya hindi mo nasagot.."
"Baka nag-aalala lang."
"Sige bahala ka..."
Nagpipindutin ko na ang answer ay bigla nalang nawala iyun. Lumabas na missed call.
"Oppss...bagal mong sagutin.."
"Kasalanan mo yun. Tactic mo yun para hindi ko nasagot. Kinausap mo ako kaya natapos ang oras ng tawag. Hmm!! Hampasin kita ehh"
Binaba ko na ulit sa tabi ang cellphone ko ay kumain ulit. Nang tumawag ulit si Lucas ay nakarinig ako ng mahinang mura ni Draco.
Agad ko nang sinagot iyun.
"Draco, napatawag ka? Sensiya na hindi ko nasagot..." sabi ko sabay tingin kay Draco. Ni-loud speaker ko para marinig niya. Nakakatuwa kasing makita siyang naiirita.
(Ahh, nasabi kasi sa akin ni Draco ang nangyari sayo. Ayos ka lang ba?)
"Oo naman, ayos na ako. Kailangan ko lang muna ng pahinga."
(Hmmm, dapat lang. Sakto nang kanina lang na nadapadaan ako sa coffee shop na tinatrabahuan mo ay kinausap ko ang manager doon at sinabi ko ang nanguari sayo...)
BINABASA MO ANG
Lost and Found
General Fiction[Completed] A hunk, handsome, womanizer Draco Scott na nawalan ng mahal sa buhay kaya dinadaan nalang sa pambabae at kasiyahan. A workaholic Serenity Montefalcon na may mga misyon sa buhay. Ang pagtatagpong nangyari sa loob lamang ng isang gabi na n...