CHAPTER SIXTEEN

1.3K 47 1
                                    

Serenity's POV

A-Anong nangyari? Bakit siya nasagasaan?

Agad kong dinampot ang cellphone at kinausap si mama. Naghalo-halo na ang problema sa utak ko at hindi ko na alam ang gagawin.

"Ma, paano siya nasagasaan? Saan? Ngayon-ngayon lang?"

Tanong ko kay mama. Inipit ko ang cellphone sa tainga at leeg ko habang naglalagay na ako ng damit sa bag ko.

(Nasa school siya nun, uwian na daw. Alam mo naman ang anak mo, kung saan-saan pumupunta. Tumawid siya ng kalsada ng may nakita daw siya ng nagtitinda ng fishball at doon na nga nangyari. Kinuwento yun ng kaklase niya.)

Agad kong pinunasan ang luhang patuloy paring umaagos sa pisnge ko.

(Late ko naman din na laman na wala daw pala silang pasok. Kahit ang mga ilang studyante ay umuwi nang maaga. Ilang subject lang ang tinalakay then pinauwi na sila. Nakarating ako sa school na pinagkakaguluhan yung sa kalsada. Maraming tao tapos kinausap ako ng matandang lalaki doon na may nasagasaang bata. Nakita ko si Drake doon...)

Patuloy na kwento ni mama. Kahit siya ay umiiyak dun katulad ko.

"Ma, kamusta ang sabi ng doctor?"

(Wala pang sinasabi, nasa OR parin ang anak mo)

"Uuwi ako diyan...paalis na ako sa apartment ma, magkita nalang tayo sa hospital.."

(Sige anak...)

Agad ko nang binaba ang tawag tapos pinagpatuloy ang pag-iimpake. Lahat ng dapat na ilagay ay nilalagay ko sa bag ko. Lahat ng perang inipon ko ay dinala ko na. Hindi kasi ako naglalagay sa bangko. Kung sakaling emergency na katulad nito ay hindi ko na kailangang pumunta sa bangko para magwithdraw.

Nang ok na ang lahat ay kinuha ko ang cellphone ko at nilagay sa bulsa. Pinatay ko na lahat ng ilaw, lahat-lahat na dapat.

Lumabas ako sa kwarto at tiniyak kong sarado talaga iyun at lumabas na.

Nang makarating ako sa labas ay naghahanap ako ng taxi o kaya tricycle na papunta sa terminal.

Ang hirap makahanap lalo na at ganitong iilan lang ang tricycle at taxi na dumadaan.

"Serenity?"

Napatingin ako sa tumawag sa akin at si Draco iyun. Hindi pa pala ito nakakaalis.

Hindi nalang ako nagsalita at pumunta sa gilid ng kalsada. Nagpapara ako doon ng mga sasakyan ng may humawak sa braso ko.

"Ano ba?! Alam mong nagmamadali ako!" Sigaw ko na. Alam kong si Draco yun.

"Bakit? Saan ka pupunta? Pupunta ka kay Lucas, doon ka titira sa kaniya?"

Agad kong tinabig ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Wala na akong oras para makipagtalo sayo! Kailangan ako ni Drake, nasa hospital siya, kailangan kong makauwi sa amin! At bahala ka na kung ano man ang isipin mo!"

Agad kong pinunasan ang luhang bumagsak ulit sa pisnge ko. Agad na akong bumalik doon sa pwesto ko. Naglakad na ako para maghanap ng masasakyan ng may humawak ulit sa braso ko.

"Ano bang--"

"Kailangan mong makapunta doon ng mabilis kaya sa kotse ka na sumakay. Dederetso tayo sa lugar na pupuntahan mo..." sabi niya. Hinayaan ko nalang na hilahin niya ako. Napapunas ulit ako sa mga luha sa pisnge ko. Patuloy parin pala sa pag-iyak ng makaalis ako sa apartment ko.

Ito ang unang beses na nasa panganib ngayon ang anak ko. Na nasagasaan ito, napakalaking takot ang namumuo sa dibdib ko. Paano kapag may nangyaring hindi maganda. Hindi ko kakayanin..

Lost and Found Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon