Maaliwalas, maganda ang sikat ng araw at bughaw ang kulay ng kalangitan. Masarap pagmasdan ang mga punong sabay sabay na sumasayaw sa ihip ng hangin.
Malinis na tubig at sariwang hangin na nagbibigay ginhawa sa bawat isa. Umihip ng sobrang lakas ang hanging kasabay ng pag daan ng mga kalesa sa harap ng aming bahay.
Kitang kita mo ang mga taong nagsitabi upang bigyan daan ang mga kalesang ito. Nandito ako ngayon sa durungawan ng aking silid. Hanggang dito lang ang kayang punatahan ng aking paa. O di kaya ay sa sala namin. Madalang lang ako makalabas dahil nga batid ko na hindi raw pwedeng lumabas ng bahay ang mga dalagang tulad ko.
Umihip muli ang hangin at tinatangay nito ang buhok kong nakalugay. Pilit ko mang iipit sa aking tenga ay kusa pa ring kumakawala at sumasabog sa aking mukha.
Narinig ko ang tinig ng aking ina na si Mariela Marquez nagmamadali siyang lumapit sa tatlong kalesa na nakahinto sa aming harapan. Kasunod nito ang aking Ama at si Ate Franches na ngayon ay nasa likod ng aking magulang.
Mabilis ang tagpong iyon at nakita kong may tatlong lalaki ang inanyayahan ng aking magulang para pumasok sa aming bahay. Hindi naman gaanong malaki ang bahay namin ngunit sapat na para sa aming lahat. Hindi ko manlang natanaw kung sino ang mga iyon. Nagkibit balikat nalamang ako at nagpasya ng isara ang bintana.
Bubuksan ko na ang pintuan ko upang pumunta kela ina at makilala kung sino ang panauhin namin sa ganitong oras ng siyesta. Ngunit bago ko pa ito buksan ay bumungad agad sa akin si Manang Mamita na aming kasambahay.
"Señorita, pinababatid po ng inyong ama na manatili muna kayo dito sainyong silid. Sapagkat ang mga panauhin nila ay ang mga heneral."
"Ano naman kung mga heneral iyon Mamita, ako'y gusto ko lamang makilala o makita ang mga nagiging panauhin nila ama at ina."
"Alam ko señorita, pero iyon ang pinag-uutos ng inyong ama. Manatili ka dito hanggat hindi pa nakakaalis ang mga bisita." kitang kita ko ang pagkaawa ni Manang Mamita sakin. Imbis na mangulit pa gaya ng ginagawa ko noon ay hinayaan ko nalamang dahil hindi naman ako magwawagi.
"Salamat Mamita, sabihan ninyo nalamang ako kung pwede na akong lumabas." lintanya ko at ngumiti ng bahagya.
"Paumanhin Señorita Marife." at tuluyan ng isinara ang pintuan ang aking silid.
Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pag sulat sa aking talaarawan. Ganito lagi ang eksena kapag hindi nila ako pinalalabas ng may panauhin. Hindi lang isang beses o dalawang beses nila ito ginagawa sa akin. Kung minsan ay nagtatanamin ako ng sama ng loob sa aking Ama at ina sa ginagawa nila sa akin. Hindi nila ako binibigyan ng laya upang harapin ang mga taong nakakasalamuha rin nila.
Samantalang si Ate Franches na malayang nagagawa ang mga nais niya sa buhay. Kasama sa lahat ng lakad nila ama at ina. Nakikita ang mga bagay na hindi ko pa nakikita. Ngunit isinasaisip ko nalang din, mabigat siguro ang kanilang dahilan upang gawin ito.
Nakalipas ang isang oras at narinig ko ang pagbukas ng aking kwarto.
"Marife, Marife." galak na tawag sa akin ni Ate Franches.
Sandali kong sinara ang aking talaarawan at tinabi sa tukador. Lumapit ako sakanya at binigyan siya ng matamis na ngiti.
"Ano ang iyong kwento, mukhang masaya ka." Bati ko dito.
"Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin, dahil hanggang ngayon ay kinikilig pa din ako." aniya habang pinagmamasdan ako.
"Ano ba iyon? pinagkasundo kana ba ni ama kay Rodolfo?"
"Hindi Marife, at wag mo na sanang banggitin pa ang pangalan na iyan." aniya at naging masama pa ata ang kanyang timpla.
"Paumanhin, ano ang tunay na dahilan ng pagkagalak mo?" tanong ko agad para maibsan ang kanyang dismaya.
BINABASA MO ANG
Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETED
Non-Fiction"Nais kong linawin sa iyong isipan na wala akong dinadalang babae dito, ikaw palang Marife.. ikaw palang ang babaeng ninais kong dalhin sa paborito kong lugar." - Agustino "Alam mong Mahal ko siya Marife, noon palang alam mo na. Pero bakit sa dinami...