Chapter III: Might of Reden
Nagkaroon ng maliliit na bitak ang lupa na kinatatayuan nina Finn. Ang mga bitak na ito ay unti-unting lumalaki at bukod pa roon, mapapansin din ang madilim na lilang liwanag na inilalabas ng mga bitak. Lumamig ang buong paligid at mas naging kapangi-pangilabot ang aura ng mansyon. Mayroong mangyayari, at alam iyon ng binata.
Noong palihim na pumasok si Finn sa mansyon, habang si Hugo ay parang baliw na humahalakhak, napansin na ng binata na mayroong kakaiba sa mansyon na ito. Hindi ito ordinaryong mansyon lang dahil mayroong formation na nakalatag dito.
Hindi rin basta-basta panakot lamang ang mga kalansay at naagnas na bangkay sa mga haligi. Ang mga ito ang alas ni Hugo.
Napabaling si Finn sa mga bangkay sa paligid. Bahagya siyang ngumiti at marahang nagsalita, "Nagsisimula na."
Ang madilim na lilang enerhiya ay bigla na lamang nagtungo sa bawat bangkay sa loob ng mansyon. Nagbigay ang kakaibang enerhiya na ito ng kakayahan sa mga kalansay na makagalaw. At nang magkaroon ng kulay lilang liwanag sa mga mata ng mga kalansay, ang kanilang malamig na tingin ay nakatuon na agad kina Finn at Reden.
Bumaba ang mga kalansay at naagnas na bangkay sa mga haligi. May mga kalansay na nadurog kanina dahil sa laban pero ngayon, unti-unti na ulit silang nabubuo. Mayroon ding umakyat mula sa mga bitak ng lupa at ang lahat ng bangkay ay mabagal na naglalakad patungo sa binata at kay Reden.
Nang magsimulang kumilos ang mga bangkay sa mansyon, humalakhak nang pagkakalakas-lakas si Hugo. Itinuro niya ang kanyang baston sa kinaroroonan ng dalawa at malakas na sumigaw, "Sa araw na ito, ikaw, hangal na Finn Doria ay hindi makakaalis sa lugar na ito ng buhay! Dudukutin ko ang iyong mga mata at pagpipira-pirasuhin ko ang iyong katawan! Sisiguraduhin kong hindi kita bibigyan ng maayos at mabilis na kamatayan!"
Nang umalingawngaw ang sigaw ni Hugo sa paligid, bigla na lang bumilis ang pagsugod ng mga bangkay patungo kina Finn at Reden.
Hindi natakot si Finn sa tanawing ito, bagkus, makahulugan pa siyang ngumiti at agad na naglabas ng dalawang espada.
[???
Armament Grade: Heaven
Quality: Low-tier
Damage: 450,900
Upgrade: 50 soulforce][???
Armament Grade: Heaven
Quality: Low-tier
Damage: 450,900
Upgrade: 50 soulforce]Nabigla si Hugo nang makita niya ang dalawang espada sa kamay ni Finn. Napansin niyang iba ang mga ito sa dating ginamit ng binata pero ang aura nito ay nasa Heaven Armament pa rin.
"Dalawa na namang Heaven Armament?! Paanong...!" hindi makapaniwalang sambit ni Hugo.
Ito na ang pang-limang Heaven Armament na nakita niya sa binata, at hanggang ngayon, hindi niya pa rin maintindihan kung paanong nagkaroon ng limang Heaven Armament ang binata.
Tinitigang mabuti ni Hugo si Finn. Nanginginig ang kanyang labi noong siya ay nagsalita, "Sino ka bang talaga?!"
Hindi pinansin ni Finn ang mga itinatanong ni Hugo. Sumugod ang binata patungo sa pinakamalapit na bangkay at hinati ito sa dalawa. Inatake niya pa ang ilan sa mga bangkay bago mabilis na bumalik sa kanyang kinatatayuan.
"Walang kuwenta ang mga bangkay na ito pero medyo mahirap silang wasakin nang tuluyan," giit ng binata habang pinagmamasdan ang muling pagkakabuo ng mga kalansay. "Kung gano'n, Reden, siguraduhin mong pupulbusin mo ang mga bangkay na iyan. Ako na ang bahalang makipaglaro kay Hugo."
Pinalibutan ni Finn ang kanyang katawan ng berdeng enerhiya at mabilis siyang sumugod patungo kay Hugo.
Nang makita niyang pasugod na sa kanya ang binata, agad na natauhan si Hugo. Pinalubutan niya ang kanyang sarili ng barrier dahil nakita niyang ihahampas sa kanya ng binata ang espada nito.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water]
FantasyPagkatapos ng isang taong pagsasanay sa Spring of Dreams, sa wakas ay nagbalik na si Finn sa Dark Continent upang maghiganti kay Puppet King Hugo at magbigay banta sa Red Dragon Family. Handa na rin siyang hanapin ang grupong Dark Crow sa kaharian s...