Chapter XXXIII

6.3K 859 67
                                    

Chapter XXXIII: Unspoken Rule, The Appearance

Kasalukuyang pinagmamasdan pa rin ng limang nakapulang balabal ang mga nangyayari sa Dark Continent. May mga imaheng inilalabas ang isang bolang kristal na nasa gitna ng lamesa, at ito ang nagpapakita sa mga mahahalagang nangyayari sa buong kontinente. Nakatago sa dilim ang mukha ng bawat isa sa limang nakapulang balabal, ganoon pa man, mabigat ang aura sa kanilang paligid dahil bawat isa sa lima ay may taimtim na ekspresyon sa likod ng kanilang nakatagong mukha.

Habang nakaupo sa kani-kanilang upuan, nakatuon lamang ang kanilang atensyon sa nagaganap sa kailaliman ng Dark Sea. Ang kanilang tingin ay kasalukuyang na kina Finn at Reden, at malalim silang nag-iisip habang tinitingnan ang dalawa.

“Sa loob lamang ng isang taon, nagawa niyang pag-isahin ang kanyang dalawang elemento; kahit sa ating mundo ay imposible ang bagay na ito. Bukod pa roon, ang kanyang kabuuang lakas din ay ibang-iba sa ordinaryong adventurer lamang,” halos pabulong na sabi ni Um. “At ang kanyang manika… isa iyong totoong demonyo. Isang Crimson Blood Demon. Namalagi lang siya ng isang taon sa lugar na iyon, pero, pagbalik niya, napakalaki na ng kanyang ipinagbago.”

Tahimik ang lahat aa kani-kanilang kinauupuan. Walang nagsalita, bagkus, lahat silang lima ay napaisip.

Nabasag lang ang katahimikan noong umismid magsalita si Krym.

“Kailangan pa ba nating magtaka ng sobra sa bagay na iyan? Sigurado ako na galing din siya sa Middle Realm. Ang kanyang talento at mga kakayahan ay higit pa sa mga batang henerasyon ng ating mundo,” komento ni Krym.

Bumuntong-hininga si Prea at mahinang nagsalita, “Kung gano’n, bakit wala tayong alam kung paano siya napadpad dito? Mayroon tayong awtoridad sa planetang ito… at kahit pa mas malakas sa atin ang dumating, malalaman pa rin natin.”

“Kakaiba ang planetang ito. Alam natin na kahit mahina ang mga adventurers sa planetang ito, mayroong kakaiba rito na hindi maihahalintulad sa ibang Lower Realm. Maraming kayamanan ang naririto, pero, hindi iyon nagagamit ng mga adventurers dito dahil sa kakarampot nilang kaalaman,” singit ni Enma. “Kung mayroon lamang silang kaalaman at mga Foundation Art… siguradong hindi lang 9th Level Heaven Rank ang kanilang hangganan.”

“Tayo ang may pinaka kaunting padalang alipin sa ating mga panginoon. Pero, hindi naman nila tayo sinisisi dahil ang tingin naman talaga nila sa mundong ito ay tambakan ng mga basura.”

Nanghahamak na humalakhak si Krym habang tinitipa niya ang kanyang mga daliri sa lamesa, “At iyon ang dahilan kung bakit nila tayo ipinadala rito upang magbantay. Halata namang gusto nila tayong maghanap ng mga kayamanan sa basurahan.”

Pabulong namang sumingit si Um, “Kung nagpapadala lamang sila ng mababang kalidad ng Foundation Art… may pag-asa na makapagpadala tayo sa kanila ng adventurer na may potensyal…”

Nagbukas ng alak ai Brotey at tinungga niya iyon. Ang kanyang bawat paglagok ay maririnig sa tahimik at madilim na lugar. Pinahid ni Brotey ang kanyang labi at bahagyang tumawa, “Pero, may ilan pa ring masuwerte ang nakakuha ng Foundation Art, hindi ba mga bata?”

“Ang problema nga lang, ayaw nilang iwan ang mundong ito. Gusto nilang maghari rito para sambahin sila nang mas mahihinang adventurer.”

Humalakhak si Krym at umalingawngaw ang kanyang tinig sa buong lugar. “Isang walang kuwentang hangarin. Mas gugustuhin pa nilang manatili sa abandonadong lugar na ito. Hindi talaga sila maaaring tawagin bilang aktwal na mga adventurer. Hindi sila bagay sa mundong ito dahil hindi nila gusto ang pakikipagsapalaran.”

Bumaling si Prea sa kinauupuan ni Krym at malumanay na nagsalita, “Pinili nila iyon. Hindi natin sila maaaring pilitin na magtungo sa Middle Realm para roon gumawa ng pangalan.”

Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon