Chapter XXXVII

6.4K 875 97
                                    

Chapter XXXVII: The Five Mysterious Existence in the Dark Sea

Napaawang ang bibig nina Marayon dahil sa desisyon ni Finn na manatili sa Dark Sea upang alamin kung ano talaga ang mga nilalang na nakakulong dito. Nabigla sina Gin at hindi nila maintindihan ng lubos kung ano ang binabalak ng binata. Nahihiwagaan sila sa desisyon ng binata, at hindi nila alam kung ano ang kanilang sasabihin dahil sobrang komplikado ng gusto nitong mangyari.

Samantala, nagulat din si Zed, pero, sandali lang. Nagningning ang kanyang mga mata at mas lalong bumakas ang determinasyon sa kanyang mga mata. Naging interesado rin siya dahil sa sinabi ni Finn, at nananabik siyang tumabi sa binata habang nakatitig sa direksyon kung saan naroroon ang mga nakakulong na nilalang sa kakaibang formation.

“Gusto ko ring magpaiwan para tuklasin ang mga nilalang na nakakulong sa formation na ‘yun, Kaibigan Finn,” nananabik na hayag ni Zed.

Napabaling sa kanya si Finn at mapapansin na komplikado ang kanyang ekspresyon. Sandali pang nag-isip ang binata bago tumugon, “Magiging delikado para sa’yo ang gagawin ko, Zed. Kahit na gustuhin kong isama ka, hindi maaari.”

Napakunot ang noo ni Zed; malinaw na hindi niya naunawaan ng husto ang sinabi ni Finn. Napayuko na lang siya at napabulong, “Pero… hindi ba’t delikado rin naman para sa’yo ang pagpunta malapit sa lugar na iyon..?”

Ngumiti si Finn at umiling. Pinasadahan niya ng tingin sina Reden at marahang nagwika, “Nariyan sina Reden para protektahan ako kung sakaling magkaroon ng aberya. Ipagpaumanhin mo subalit hindi ko maaaring ilagay sa panganib ang buhay mo o ninyo dahil lang sa desisyon ko. Ayokong magkaroon ng insidente… kaya sana ay maunawaan mo ako, Zed.”

Sandaling napatingin si Zed kay Finn. Dismayado niyang tiningnan ang mukha ng kanyang kaibigan at bumuntong-hininga. Hindi kalaunan, ngumiti rin siya at nagkibit-balikat, “Hindi naman ako mapilit. Naiintindihan ko. Hihintayin na lang kita rito para malaman kung ano ang nalaman mo.”

“Siguro naman ay hahayaan mo na ako?” tanong ni Zed habang ang kanyang ekspresyon sa mukha ay nananabik.

Wala nang nagawa si Finn sa kakulitan ni Zed. Napatango na lang siya at sumang-ayon, “Hangga’t hindi kayo lumalapit sa formation, ligtas kayo. Kahit na sinabi n’yong humina na ang formation na ‘yun, malinaw na hindi pa rin kayang makatakas ng mga nilalang sa formation na ‘yun.”

Hindi na nagsalita pa si Zed, sumang-ayon na lang siya sa suhestyon ni Finn at nanahimik na lang habang nakatitig pa rin sa bahagi ng Dark Sea na mayroong pinakamaitim na tubig.

Sina Gin naman ay hindi na rin nagkomento. Sapat na ang kanilang narinig, at alam nilang hindi na nila mababago pa ang isip ni Finn. Ganoon pa man, katulad lang din ng desisyon ni Zed ang kanilang desisyon; mananatili sila rito upang saksihan ang mga susunod na mangyayari.

Tungkol naman kay Marayon, dahil sa kanyang posisyon bilang hari ng Underwater Kingdom, siyempre ay hindi niya mapigilan ang hindi mag-alala. Komplikado ang kanyang ekspresyon at hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa binata ang kanyang saloobin.

“Finn Doria… sigurado ka ba talaga sa iyong binabalak..?” tanong ni Marayon sa binata.

Bumaling sa kanya si Finn, bahagyang tumango at ngumiti, “H’wag kayong mag-alala, Kamahalan. Hindi ko susubukang pakawalan ang mga nilalang na iyon. Hindi ako kasing baliw ng dalawang nagpakilala bilang mensahero ng diyos para pakawalan ang mga nilalang na maaaring magdulot ng pagkawasak sa kontinenteng ito.” Huminto si Finn at muling tumingin sa napakaitim na tubig, “Nais ko lang talagang alamin upang punan ang aking kuryusidad. At pakiramdam ko rin ay kailangan ko itong gawin.”

Natigilan si Marayon. Napagtanto niyang mali ang kanyang mga sinabi kaya agad siyang humingi ng paumanhin sa binata.

“Hindi ko intensyon na pag-isipan ka ng masama. Sa kabila ng lahat ng iyong nagawa, dapat ay pinagkatiwalaan kita sa iyong mga desisyon, Finn Doria,” agad na paghingi ng tawad ni Marayon.

Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon