Chapter XXXIX: Subdued
Natauhan si Finn nang marinig niya ang isang pamilyar na tinig sa kanyang isip. Biglang nagbago ang kanyang paligid at napagtanto niyang nanumbalik na sa rati ang kanyang kapaligiran. Wala na siya sa walang hangganang kadiliman. Nakawala na siya sa kapangyarihan ng limang magkakapatid, at hindi niya lubos maintindihan kung paano siya nakawala.
Nakapalibot sa kanya ngayon sina Reden, Ysir at Heren. Malabo pa noong una ang kanyang pandinig, pero, habang tumatagal, naririnig niya ang paulit-ulit na pagtawag sa kanya ng mga ito.
“Master?” ulit na tawag ni Reden kay Finn.
Napabalikwas ang binata at agad siyang umatras. Mabilis siyang lumayo sa altar at ang kanyang mga mata ay makikitaan pa rin ng pangamba.
Agad na sumunod ang tatlong manika ni Finn sa kanya, at pumosisyon. Hawak-hawak nila ang kani-kanilang espasa habang alertong binabantayan ang kanilang master.
‘H’wag kang mag-alala, Master! Hangga’t narito ako, hindi ka na muli pang magagamitan ng mga basurang iyon ng kapangyarihan!’ muling umalingawngaw ang tinig ni Eon sa kanyang isip.
Tama, ang nakikipag-usap ngayon kay Finn sa kanyang isipan ay walang iba kung hindi si Eon, ang kanyang batang alagad.
--
Gulat na napamulat ang limang nilalang sa loob ng formation. Bawat isa sa kanila ay nanlalaki ang mga mata, halatang hindi sila makapaniwala sa biglaang pagkawala ng kanilang kapangyarihan. Nagkatinginan ang lima at ilang sandali pa, hindi mapigilan ni Tisia na magtanong.
“Sino’ng tumulong sa kanya…? Paano siya nakawala sa ating kapangyarihan?!” hindi makapaniwalang tanong ni Tisia sa kanyang sarili.
“Ang koneksyon… nawala na…” pabulong na sambit ni Talia. “Ang kaisa-isang pag-asa natin para makaalis sa kulungang ito… wala na…”
Bawat isa sa lima ay naging dismayado. Makikita sa kanilang mapupulang mata ang lungkot at galit. Dismayado sila dahil sa biglaang pagkawala ni Finn sa kanilang pagkakahawak. Malapit na sana silang maging malaya, pero, mayroong tumulong sa binata para makaalis sa kanilang kapangyarihan.
--
Samantala, natigilan si Finn nang marinig niya ang boses ni Eon. Nasurpresa siya sandali, pero, agad din siyang natauhan at tumugon gamit ang kanyang isip, ‘Ikaw ang tumulong sa akin na makawala sa ilusyong ng limang iyon, Eon?’ nananabik na tanong ni Finn kay Eon. ‘Pero, si Munting Black…’
Narinig ni Finn ang pag-ismid ni Eon. Na-i-imahe ng binata ang mapagmalaking ekspresyon ni Eon sa kanyang isipan kaya napangiti na lang siya at napailing.
‘May pahintulot ni Guro ang pagtulong ko sa’yo, Master. Sa totoo niyan, siya pa ang nag-utos sa akin na tulungan ka,’ hayag ni Eon.
Hindi napigilan ni Finn ang mapakunot at magtaka. Bigla siyang nanibago kaya muli siyang nagtanong, ‘Bakit nag-iiba yata ang ihip ng hangin? Bakit naman ako gugustuhing mabuhay ni Munting Black at ang mga taong malalapit sa akin? Talaga bang binigyan ka niya ng pahintulot na tulungan ako?’
‘Maniwala ka, Master! Hindi ako kailanman magsisinungaling sa’yo sa mga ganitong usapan!’ agad na tugon ni Eon. ‘Tama. Palabasin mo muna ako sa mundong ito, Master. Gusto kitang makita at makausap muli ng personal. Mayroon ding ipinag-uutos sa akin si Guro kaya kailangan kong lumabas dito sa mundong ito.’
Napansin pa lalo ni Finn na mayroong kakaiba sa mga nangyayari. Ganoon pa man, imbis na tanungin si Eon, itinuon niya na lang ang kanyang atensyon sa pagbubukas ng Myriad World Mirror.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water]
FantasyPagkatapos ng isang taong pagsasanay sa Spring of Dreams, sa wakas ay nagbalik na si Finn sa Dark Continent upang maghiganti kay Puppet King Hugo at magbigay banta sa Red Dragon Family. Handa na rin siyang hanapin ang grupong Dark Crow sa kaharian s...