Chapter IV: Memories
Naging interesado si Finn sa kilos ni Hugo. Kitang-kita ng binata ang isa pang bahagi ng katauhan ni Hugo kung saan mayroon siyang pinahahalagahan ng sobra. Nakita niya sa matanda ang sinsiredad na pagmamahal habang niyayakap ang ataul. At dahil sa emosyong ipinapakita ni Hugo, naging interesado siya. Mayroong kung ano sa loob-loob niya ang nagtatanong kung bakit si Hugo, na isang masamang adventurer ay mayroon ding ganitong emosyon.
Ayon sa nalaman niya, si Hugo ay pumapaslang nang walang awa. Idinadamay pa nito ang mga kaibigan, pamilya at kamag-anak ng mga adventurer na gumagalit sa kanya.
Sa tingin ng binata, hindi nakararamdam ng pagmamahal si Hugo dahil halang ang bituka niya. Ganoon pa man, mas gustong malaman ni Finn kung ano ang kuwento sa likod ng nararamdamang ito ni Hugo sa bangkay na nasa loob ng ataul.
Noong siya ay makapasok kanina sa mansyon, naabutan niya si Hugo na kinakausap ang bangkay. Parang baliw si Hugo nang mga oras na iyon pero hindi na nanibago ang binata dahil unang-una pa lang, alam niya nang may problema sa utak si Hugo.
“Tinawag ni Tandang Hugo ang bangkay na iyon bilang ‘itay’… Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na ang bangkay na iyon ang totoong ama ni Hugo,” pabulong na sabi ni Finn. Sandaling huminto ang binata at napatitig siya sa bangkay. “Pero… ang bangkay na iyon ay ordinaryong tao lamang noong nabubuhay pa ito… at sigurado ako roon.”
RUMBLE!
Habang pabulong na nagsasalita si Finn, nagkaroon ng bahagyang pagyanig ng lupa. Natauhan ang binata at si Hugo at napabaling sila pareho sa pinagbagsakan ni Reden.
Ang mga bato ay yumayanig at nang makita ito ni Hugo, binuhat niya ang ataul at walang pagdadalawang-isip na lumipad paalis sa lugar na iyon.
BANG!
Tumilapon ang mga tipak ng bato. Matikas na nakatayo ngayon si Reden habang nakatitig sa lumilipad na pigura ni Hugo. Bumwelo si Reden upang habulin si Hugo, pero, napahinto siya nang marinig niya ang boses ng kanyang master sa kanyang isip.
‘Reden, atakihin mo si Hugo. Siguraduhin mong hindi na siya makakakilos pa… pero huwag mo siyang papaslangin.’ Utos ng binata kay Reden.
‘Maliwanag, Master!’ walang pag-aalinlangang tugon ni Reden.
Agad na sinugod ni Reden si Hugo. Napakabilis ng paglipad ni Reden kaya naman agad niyang naabutan si Hugo. Makikita ang pagkabigla sa ekspresyon sa mukha ni Hugo nang makita niya si Reden. Agad din siyang kumilos nang makita niyang ihahampas ni Reden ang palakol nito sa kanya.
Pinalibutan niya ng barrier ang kanyang sarili at ang ataul na buhat niya. Direkta niyang tinanggap ang atake ni Reden na ikinakunot-noo ni Finn.
BANG!
Nabasag ang barrier na pumoprotekta kay Hugo. Tumilapon siya pababa, pero, noong babagsak na siya at ang ataul, mas pinrotektahan pa ni Hugo ang ataul kaysa sa kanyang sarili.
BANG!
Maaari niya namang iharang ang ataul pero hindi niya ginawa. Matibay ang ataul na iyon kaya hindi iyon basta-basta mababasag. Maaari niya ring ilagay sa interspatial ring ang ataul pero hindi pa rin iyon ginawa ni Hugo.
Nanatiling may barrier ang ataul habang si Hugo naman ay marahas na sumusuka ng dugo. Ang ilan sa sinulid sa kanyang bibig ay naputol na habang ang kanyang kalagayan ay malala na.
Ang enerhiya ni Hugo ay unti-unti nang nauubos dahil sa paulit-ulit niyang paggamit ng barrier at skills. Mabilis ang pagkonsumo niya sa kanyang enerhiya at ngayon, ang kanyang aura ay unti-unti nang humihina. Naglaho na rin ang enerhiyang nakapalibot sa kanyang kabuuan at halata namang hindi na niya kayang kumilos pa.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water]
FantasíaPagkatapos ng isang taong pagsasanay sa Spring of Dreams, sa wakas ay nagbalik na si Finn sa Dark Continent upang maghiganti kay Puppet King Hugo at magbigay banta sa Red Dragon Family. Handa na rin siyang hanapin ang grupong Dark Crow sa kaharian s...