Chapter XXXV

6.3K 938 129
                                    

Chapter XXXV: I’m tired, Fight them instead

Nanatiling kalmado si Finn sa gitna ng tensyonadong paligid. Nanumbalik na ang kabuuan ng kanyang enerhiya at lakas. Nasa kondisyon na ulit siya at kaya niya na muling lumaban gamit ang kanyang lakas. Ganoon pa man, hindi niya sigurado kung makakaya niyang labanan ang dalawang Heavenly Knight Rank. Pero, siyempre, hindi naman balak ng binata na labanan sina Rama at Yumisami sa kasalukuyan niyang lakas. May isa pa siyang plano, at basta makatiis lamang siya ng ilang minuto, magtatagumpay siya at masisiguro niya ang kaligtasan ng lahat ng naroroon.

“Gusto n’yo akong puwersahang isama sa inyo..? Ipagpaumanhin n’yo pero wala kayong kapabilidad para maisama ako,” bahagyang nakangiting sabi ni Finn. “Alam ko kung ano ang inyong gustong makuha. Gusto n’yo akong gawing alipin, hindi ba? Hindi na rin ako magtataka kung maging ang aking mga kayamanan ay gusto n’yong makuha.”

Bahagyang ngumiti si Rama at inilahad niya ang kanyang dalawang kamay, “Hindi pa nababasbasan ang iyong mga Heaven Armament at ang sampung Heaven Armament ng iyong mga kaibigan. Kailangan muna iyang basbasan upang hindi magamit sa kasamaan.”

‘Sampung Heaven Armament..? Bakit mukhang hindi sila interesado sa Heaven Armament ng Underwater Kingdom?’ napakunot ang noo ni Finn pero hindi na siya nagtanong pa tungkol dito.

Kalmado lang siyang tumingin sa dalawa gamit ang kanyang mapanuring mga mata.

“Finn Doria, bibigyan ka namin ng pagkakataon na matiwasay na sumama sa amin. Pagkatapos naming malinis at mabasbasab ang limang kasumpa-sumpang nilalang sa karagatang ito, dadalhin ka namin sa Banal na Simbahan upang ika’y mabasbasan at maliwanagan,” hayag ni Yumisami. “Bibigyan ka lang namin ng isang pagkakataon para magdesisyon.”

Humalakhak si Finn at mas naging makahulugan pa ang kanyang ngiti, “Ibinigay ko na sa inyo ang aking sagot, hindi ba? Hindi kayo kwalipikado at wala kayong kakayahan na maisama ako.”

“Kung gusto n’yo ng laban, pagbibigyan ko kayo.”

Pagkatapos sabihin ito ni Finn, bigla na lamang may lumitaw na dalawang itim na lagusan sa kanyang likuran. Dahan-dahang may umaangat na pigura mula sa dalawang lagusan, at nang tuluyan nang makita nina Rama at Yumisami ang dalawang pigura, ang kanilang payapang ekspresyon ay nagkaroon ng malaking pagbabago.

Mababakas na ang gulat sa kanilang mga mata habang nakatitig sa dalawang bagong pigura na mayroong kakaibang mga katangian.

Ang isa sa dalawa ay maliit na may malaking pangangatawan. Balbas sarado at halos hindi na makita ang mga mata dahil sa makapal na kilay. Wala rin itong suot na baluti gaya ni Reden, pero, ang kalmnan nito ay higit pang mas malaki kaysa kay Reden. Patusok din ang mga tenga nito, at hindi nalalayo ang hitsura nito sa ordinaryong tao.

Samantala, ang isa naman ay babaeng may ginintuang buhok, at napakagandang kulay berdeng mata. Napakaganda ng babae. Ang kanyang kutis ay malaporselana at ang kanyang suot na berdeng kasuotan ay bagay na bagay sa kanyang napakagandang pangangatawan.

Lumakad din si Reden patungo sa gitna ng dalawa, at pagkatapos, ang tatlo ay sabay-sabay na yumukod sa direksyon ng binata. Ang tatlo ay animo’y mga mandirigmang handang lumaban para sa kanilang master—si Finn.

Samantala, sa labas ng Sound Concealing Skill, hindi na napigilan ni Zed ang kanyang pananahimik. Gulat na gulat siya sa paglitaw ng dalawang bagong pigura at nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa likuran ng mga ito.

“Death Energy… Dalawa pang Soul Puppet?!” sa kabila ng kanyang gulat, sobrang saya ang nararamdaman niya dahil mayroon pang dalawang Soul Puppet si Finn.

Sobra siyang nananabik habang nakatingin at naghihintay sa maaaring mangyari.

“Ang hitsura ng dalawang iyon…” hindi na rin napigilan ni Marayon na mapabulalas. “Isang kabilang sa lahi ng duwende at isang kabilang sa lahi ng elf. Hindi ako maaaring magkamali! Ang dalawang iyon ay kabilang sa lahi ng duwende at elf! Nakita ko na ang kanilang hitsura sa sinaunang libro ng aking mga ninuno!”

Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon