Chapter XVII

6.4K 914 51
                                    

Chapter XVII: The Evil Plan of the Sharkman Clan

Tama. Natagpuan ni Finn si Emilia sa grupo ng mga taong-lobster at vicious beast ganoon pa man, wala ito sa natural nitong laki; maliit lang ito ngayon at kasing-laki lamang ng mga taong-lobster. Kaya lang nakumpirma ni Finn na si Emilia iyon ay dahil sa ginintuang disenyo na nakakalat sa katawan ng munting balyena. Pamilyar na pamilyar din siya sa naglalakihang mata ni Emilia na ibang-iba sa balyenang uri ng halimaw.

“Kung hindi ako nagkakamali, ang mga merfolk na iyan ay mula sa Monster Lobster Clan. Isang tapat na kakampi ng Mercrown Clan noon pa man,” sabi ni Crypt.

Nakatingin ngayon si Crypt sa mga taong-lobster. Hindi naman purong malalaking lobster ang mga ito. Mayroon pa rin silang katangian na maihahalintulad sa tao gaya ng kanilang katawan at paraan nila ng pagtayo.

Mayroon silang malalaking sipit at antena sa kanilang ulo. Ang kanilang mga mata ay purong itim din at ang kanilang kulay ay depende sa kanilang kasarian.

Napabaling din si Crypt sa tinitingnan ni Finn at nagwika, “Emilia? Ang matalik na kaibigan ni Melissa?”

Maging si Zed ay napatitig din kay Emilia at marahang tumango, “Isang Golden Whale ang matalik na kaibigan ni Melissa, at sa disenyong mayroon ang vicious beast na balyena na ‘yon, mukhang ‘yun na nga ang ikinukuwento sa amin ni Melissa noon.” Sandaling huminto si Zed bago magpatuloy, “Lapitan natin sila at hingiin ang kanilang tulong. Mas makabubuti kung makakakuha muna tayo ng impormasyon sa kanila bago tayo gumawa ng hakbang.”

Tumango si Crypt habang si Finn naman ay hindi tumutol sa ideya ni Zed. Ibinuka niya ang kanyang bibig at marahang nagsalita, “Iyon ang mas mainam nating gawin sa ngayon. Pero…”

“…mas makabubuti kung hindi muna natin ipapaalam sa kanila na mayro’n tayong pag-aaring Heaven Armament. Mas mabuti na ang nag-iingat kaysa maging komplikado ang lahat,” dagdag pa ng binata.

Tumango muli si Crypt at nagwika, “Tama. Hindi natin alam kung ano’ng mangyayari kung malalaman nilang mayroon tayong mga Heaven Armament. Sapat nang nakasuot ang ating mga baluti at sapatos na Heaven Armament, hindi naman nila basta-basta mapapansin o mararamdaman ito hangga’t hindi natin ito ginagamit.”

Noong nag-alok si Finn ng mga Heaven Armament, ang bawat isa kina Zed, Crypt at Albos ay kumuha ng tiglilimang Heaven Armament. Binubuo iyon ng mga baluti at sandata na maaari nilang magamit sa kanilang pakikipaglaban.

Dahil sa mga sinabi ni Crypt, mayroong napagtanto si Zed kaya nagtanong siya kay Finn.

“Oo nga pala, Kaibigang Finn. Bakit hindi Heaven Armament na sapatos ang suot mo?” nagtatakang tanong ni Zed kay Finn.

Ngumiti ang binata at tumugon, “Hindi ko na kailangan ‘yon. Isa pa, malaki kumonsumo ng enerhiya ang aking mga skill kaya hangga’t maaari, kaunting armament lang ang aking ginagamit; baluti sa katawan at binti lamang at mga sandata.”

“Bilisan na natin. Magtanong na tayo sa kanila upang mapabilis na ang pagliligtas natin kay Kapitan Gin at sa iba pa.”

Hindi na nagtanong pa ang dalawa. Hindi na rin sila nag-alinlangan pa. Tumango ang dalawa kay Finn at silang tatlo ay mabilis na lumangoy upang habulin ang grupo ng mga merfolk.

“Ano’ng ginagawa ng dalawang tao at isang beastman sa ating kaharian?” tanong ng pinuno ng mga lobster clan nang maramdaman niya ang presensya nina Finn. Tumingin siya sa katabi niyang babaeng lobster at nagwika, “Luyan, patungo sila sa ating grupo. Salubungin n’yo ang mga iyan at tanungin ang kanilang pakay. Hindi n’yo na kailangan ng dahas, hindi sila gano’n kapanganib.”

Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon