PART 1 - The Bully gets Bullied

8 2 0
                                    

CHAPTER 4

ALVAREZ RESIDENCE. Naka uniporme ng sundalo ang LITTLE SOLDIERS at naka Full Battle Gear ang mga ito. Nagbibigay ng instructions si Vincent habang ang Pulutong ay naka tikas-pahinga.

VINCENT: "Guys, Ito na ang huling Physical training natin para sa ating first rescue mission. Guys tandaan Nyo bit-bit natin ang ating mga rifles dahil mas mabigat mas maganda... Are You guys ready?"

LITTLE SOLDIERS: "Sir yes Sir!"

Naka pile formation ang Little Soldier na lumabas ng gate ng Alvarez Residence. Nag-macha sila sa mga malalaking kalye sa looban ng kanilang subdivision. 

Pagkalipas ng ilang minutong pag ma-marcha ay nasa labas na sila ng subdivision. Napansin ni Vincent na mukang pagod-na pagod na Si Donald.

Nakakita si Vincent ng isang Convenience Store. Pinag-marcha nya ang grupo papunta sa store. Ilang saglit pa ay nasa tapat na sila ng store.

VINCENT: "Pulutong...hinto!.. Baba ta!.. Harap sa kaliwa... na. Tikas...pahinga!"

Pagkatapos mag bigay ng commands ay nag-about face si Vincent at naglakad papunta sa loob ng Store. May dalawang gwardya sa pinto ng Convenience Store na tila tuwang-tuwang pinapanood sila. 

Pagdating ni Vincent sa pinto ay sumaludo pa ang dalawang gwardya kay Vincent dahil naka complete uniform ito. Seryosong sumaludo naman pabalik si Vincent sa kanila sabay apir ng dalawang Gwardya pagkalampas ni Vincent sa kanila.

Samantala walang tinag at walang imikan ang naka tikas pahingang mga LITTLE SOLDIERS sa harap ng Convenience Store. Sa may di kalayuan ay natanaw nila ang mga batang kalye na noon ay nang bully sa kanila. Nang makita sila ng mga Batang kalye ay agad silang nilapitan ng mga ito.

BINATILYONG LIDER: "Diba sabi ko sa inyo wag na kayong papakita dito sa teritoryo ko? Nasaan yung lampa N'yong  Lider?"

Walang imik ang Little Soldiers.

BATANG LALAKE: "Hoy taba, di ka bagay mag sundalo, baka hindi ka makatakbo dyan sa katabaan mo. Saka tingnan mo nga oh halos mas malaki pa sa iyo yang bitbit mong baril-barilan."

Tawanan ng malakas ang mga batang kalye.

Wala pa ring kibo ang Little Soldiers na naka tikas-pahinga. Lumapit ang isa sa kanila kay Donald.

BATANG LALAKE: "Oh ano? Bat ang sama ng tingin mo? Lalaban ka?"

Umiwas ng tingin si Donald sa lumapit na bata.

BATANG LALAKE: "Wala ka palang binatbat eh."

Gusto nang umalis sa hanay ni Macky para ipagtanggol ang kapatid pero pinigilan s'ya ni Alvin.

ALVIN: "Relax ka lang. Wag mong patulan ang mga yan. Hintayin na lang natin si Vincent."

Bulong ni Alvin kay Macky. Nakapagtimpi naman si Macky at bumalik ulit sa pagkaka-tikas pahinga. Babatukan na sana ng batang lalake si Donald pero sinigawan sya ng Gwardya na kababalik lang sa labas. Medyo dumistansya ang mga batang kalye pero di pa rin sila umaalis at tuloy pa rin ang panunukso sa mga Little Soldiers. Maya-maya ay lumabas na ng Store si Vincent. Pagkalapit nito sa harap ay dinedma lang ang mga Bata at nagbigay ito ng command.

VINCENT: "Pulutong... handa! Paluwag. Oh eto kunin nyo. Get one and pass."


Ipinasa nila ang inumin na binili ni Vincent.


MACKY: "Vincent. Kanina pa kasi kami tinutukso ng mga yan eh. Gusto ko na nga sanang patulan kanina yung isa eh."

Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon