Part 4 - Bambie meets Tobi

10 2 0
                                    

CHAPTER 2

ALVAREZ RESIDENCE. Sabado. Tapos nang mag-almusal ang lahat maliban kay Jake na tulog pa dahil napuyat ito sa kakaisip kung ano nga ba nangyari kay Steph. Pilit nya itong tinatawagan ngunit hindi nya ito makontak.

RUDY: "Mauna na ako sa sasakyan Mahal."

LUZ: "Oh sya sige, HIntayin ko lang tong mga Bata, sunod agad kami."

LILI: " Nanay Hindi po ba sasama si Kuya Jake?"

LUZ: "Hindi raw mabuti ang pakiramdam nya anak eh at hindi raw sya nakatulog ng maayos. Hayaan mo kapag bumuti raw ang pakiramdam nya ay susunod daw sya."

VINCENT: "Nay let's go. Ready na po ako."

LILI: "Bambie let's go."

BAYWALK PARK. Dog Show. Maraming tao. May mga naglalakad kasama ang kanilang alagang aso. Sa isang bench ng Park ay nakaupo ang mag-asawang Alvarez habang pilit inaabot ng tanaw ang kanilang apo na si Lili kasama ang kanyang aso na si Bambie.

Pilit naghahanap ng butas para makasilip sa show si Lili dahil medyo maraming tao.

LILI: "Bambie balik na tayo masyado na tayong malayo kina Nanay at Tatay. Saan mo ba gustong pumunta?"

 LILI: "Ah gusto mong makita yung nakilala mo last time? Ano nga name nya ulit?"

LILI: "Ah oo, Tobi nga pala naalala ko na. Okay tara pero sandali lang tayo ha, baka mag-alala na sina Lola Nanay at si  Lolo Tatay eh."

Lumakad si Lili at Bambie papalapit sa mga kumpulan ng aso. Di kalaunan ay nagkita ang Shih-tzu na si TOBI at si Bambie. This time hawak si Tobi ng isang 12-year old na magandang dalagita na si VANESSA. Last time kasi ay hawak ito ng isang Mamang Lalaki.  Hindi tinigilan ng halik ni Tobi si Bambie sa sobrang tuwa nito.

LILI: "Hello Ate. Ako si Lili."

VANESSA: "Hello. Ako si Vanessa. Mukhang magkakilalang-magkakilala sila ah. Tingnan mo oh tuwang-tuwa sila."

LILI: "Oo nga po eh. Ikaw po ba ang may-ari kay Tobi?"

VANESSA: "Ah hindi. Pamangkin ako ng may-ari. Madalas akong manood kapag merong Show at lagi ko ring hinihiram si...Teka, paano mo nga pala nalaman ang pangalan ng aso ko?"

LILI: "Sinabi po sa akin ni Bambie."

VANESSA: "Sino naman si Bambie?"

LILI: "S'ya po. Ang aso ko."

Medyo na-weirduhan ng konti  si Vanessa kay Lili.

VANESSA: "Ah eh sige ha, kailangan na naming umalis eh."

LILI: "Okay sige. Bye Tobi. Halos ayaw pang paawat ni Tobi sa pakikipag-usap kay Bambie kaya binitbit na ito ni Vanessa."

Samantala, Kumakain ng baon nilang pagkain si Rudy at Luz.

LUZ: "Ayoko na, busog na ko...Yan talagang Apo mo manang mana sa anak mo. Ang lakas ng loob maglakad ng mag-isa kung saan-saan nakakarating. Puntahan mo nga, kanina ko pa hindi natatanaw eh."

RUDY: "Ano ka ba naman, masyado kang nag-aalala. Unang-una kasama N'ya si Bambie kaya walang sinuman ang maglalakas ng loob na manalbahe sa kanya. Pangalawa, Gwardyado tong lugar. Walang bata ang basta-basta na lang makakalabas. Pangatlo, di ba tinuruan na tayo ni Jake kung paano makita si Lili sa Phone natin. Oh tingnan mo to, nandyan lang sya malapit sa stage oh. Pati nga si Bambie naka GPS din diba? Oh ayan oh magkasama sila. Ayan oh, pabalik na pala sila dito eh."

LUZ: "Hay iba na talaga ang teknolohiya ngayon. Pero sigurado yan Rudy ha."

RUDY: "Oo akong bahala... kanina ko pa sila pinagmamasdan eh. Oh ayan na sila oh natatanaw ko na, pabalik na dito oh."

Medyo malapit na si Lili sa kanila pero tumigil ito sandali at nakipag-usap kay Bambie.

LILI: "sigurado ka ba talaga dyan sa sinasabi mo Bambie?"

Hinimas sa ulo ni Lili ang tila malungkot na si Bambie.

RUDY: "Lili anak mag-meryenda ka muna dito oh."

LILI: "Nay pwede po ba natin tulungan yung aso na friend ni Bambie? Sinasaktan daw po kasi sya nung amo nyang Lalaki eh."

RUDY: "Sino naman ang nagsabi sayo na sinasaktan sya?"

LILI: "Si Bambie po."

Nagkatinginan ang mag-asawa.

LUZ: "Baka naman na miss interpret mo lang ang sinabi ni Bambie anak. Malay mo ang sinasabi pala nya masayang-masaya si Tobi sa mga amo nya dahil mababait sila. Saka hindi kasi pwede anak na basta-basta na lang tayo mangingialam sa mga bagay na di naman natin pag-aari. Pwede tayong makulong kapag ginawa natin yun."

LILI: "Kawawa naman po kasi sya eh."

Niyakap ng Lola ang malungkot Nyang apo at hinimas ang likod. Pagkaraan ng ilang saglit ay lumayo ng bahagya si Lili sa kangyang Lolo at Lola hila-hila si Bambie at kinausap ito.

RUDY: "Tingnan mo yang apo mo. Kung makipag-usap sa kanyang aso, kala mo nagkakaintindihan talaga sila eh."

LUZ: "Ano ka ba Mahal ganyan talaga ang mga bata. Pero alam mo ba na may mga bata talagang gifted na may kakayahan para makipag communicate sa mga hayop, lalong-lalo na sa mga aso. ako naniniwala ako dun. Kasi ang mga bata napaka pure ng mga puso kaya minsan tinutulungan sila ng kanilang guardian angel para makipag-usap sa mga hayop."

RUDY: "Sigurado ka ba talagang busog ka na? Sa mga sinasabi mo para kasing gutom ka pa eh."

LUZ: "Hay naku Rudolfo bahala ka nga dyan kung ayaw mong maniwala."

Hinila ni Lili si Bambie papunta kina Vincent. Ikinuwento ni Lili ang tungkol sa kaibigang aso ni Bambie. Tinawag ni Vincent ang ibang Little Soldiers na umalis sa kanilang pagtitipon.

Sila ay nag-pulong at tila may pina-planong malaki.

Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon