PART 2 - Buboy meets Kim

5 2 0
                                    

CHAPTER 6

ALVAREZ RESIDENCE. Naka-upo si Kim at Jake sa mahabang sofa sa sala. Hawak-hawak ni Kim ang kanang braso ni Jake habang pinapahiran nya ito ng yelo dahil sa mga pasa nito na sanhi ng malapitang tama ng water canon ng mga bumbero.

KIM: "Sabi ko naman kasi sayo eh. Wag ka nang magparticipate dun. Di ba sabi mo pa nga yung kaibigan mong orfanizer mismo na ang nagsabi na di mo naman kailangang pumunta doon eh. Ayan tuloy dami mong pasa."

JAKE: "This is nothing. I'm okay i promise."

BUBOY: "Hay naku knowing Jake. Hindi talaga nang-iiwan kasi ng tropa yan eh, Handa talagang yang itaya ang buhay nya para sa kanyang mga kaibigan kaya di na ako nagpursige na pigilan yan dahil alam kong wala akong mapapala. Buti na lang talaga dumating si Mayor at nagpasyang i-hold muna ang project para matigil na ang pisikal na sakitan at para pag-usapan ang kapakanan ng magkabilang panig. "

KIM: " Ay Sorry ha. Kanina pa tayo dito pero I just realized we're not properly introdued pa pala. Pasensya na ha masyado kasi akong na carried away sa mga pangyayari eh."

BUBOY: "Ako nga pala si Buboy."

binigay  ni Buboy ang kanyang kamay kay Kim para mag handshake.

KIM: "Nice to meet you Buboy. I'm Kim. So you're the  bestfriend pala. " 

BUBOY: "Am i? Ako sure ako na sya ang bestfriend ko. Hindi kasi nakikinig sakin yan eh kaya minsan tuloy iniisip ko kung ako nga ba ang bestfriend nya. "

Pa baby talk na biro ni Buboy. 

JAKE: "Sira ulot ka talaga. Buti na lang malayo ka kundi nabatukan na naman kita." 

Tawanan ang tatlo.

BUBOY: "Alam mo nung ipakita ni Jake sa kin ang picture mo sa kanyang cellphone. gusto na kaagad kita. Pero seeing you now in person? tingin ko mahal na kita."

JAKE: "Tamo naghahanap talaga ng away tong isang to. Are you hitting with my friend? "

KIM: "Haha palabiro ka nga palang talaga gaya ng kwento sakin ni Jake. You're so sweet. Thank you."

JAKE: " Lapit ka nga dito sandali. Medyo kukutusan lang  kita ng konti. "

BUBOY: " Ito naman nagbibiro lang  eh. Tinitingnan ko lang naman kung magseselos ka o hindi. "

KIM: " Kayo talaga. Ang cute nyo mag-away. Wait lang ha mag prepare lang ako ng meryenda natin. "




Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon