PART 1 - Getting By

4 2 0
                                    

CHAPTER 8

HOSPITAL. Nakahiga sa hospital bed si Stephanie, nakasuot ng hospital gown. Bisita nya ang kanyang bestfriend na si CHERRY, maputi at long hair  saka si RAZEL na medyo chubby. Classmates sila na mga Nursing students sa University na pinapasukan din ni Jake. Sya ang Razel na  kasabwat ni Kim sa kanyang paghihiganti kay Jake na lingid sa kalaman ni Steph. Lumapit si Cherry sa tabi ni Stephanie nang umalis na ang Nurse na nag routine check-up sa kanya habang naka-upo naman si Razel sa Visitor's chair.

CHERRY: "Bes' kailan ka ba talaga makaka balik sa school? Miss na miss ka na namin."

Softspoken. Malambing at sincere na tanong ni Cherry habang hinahaplos nito ang kamay ni Steph.

RAZEL: "Oo nga Steph. Lagi kang tinatanong sa amin ng mga classmates natin eh."

Pag sang-ayon na sabi ni Razel habang kumakain ng chitserya.

STEPHANIE: "Hindi ko pa alam Bes' eh. Pero sabi ni Doc mga dalawang araw o tatlo pwede na raw akong umuwi sa bahay."

CHERRY: "Sana nga makapasok ka na, malapit na rin kasi ang final exam natin eh."

Tumayo si Razel, pumunta ito sa corner table at binuksan ang pinggan na may takip.

RAZEL: "Steph, bat ang dami mong tirang pagkain? Pano ka gagaling agad nyan kung di ka kumakain ng mabuti."

STEPHANIE: "Wala kasi akong gana masyado eh. Kung gusto mo okay lang. Kainin mo na."

RAZEL: "Sure ka ba Dyan?"

Di pa man nakakasagot si Steph ay nilalantakan na ni Razel ang mga pagkain. Nag ngitian na lang ang mag-bestfriend na Steph at Cherry. Ilang saglit pa ay dumating na ang Ate ni Steph na si Alex. Ito ang first visit ni Alex mula nang Wedding drama incident.

ALEX: "Hi guys."

RAZEL: "Hi Alex."

CHERRY: "Hello  Ate Alex."

Dumiretso si Alex kay Steph at hinalikan at niyakap ito.

STEPH: "Ate anong nangyari sa kasal? Bakit nandun si Jake? "

Nagkatinginan sina Alex at Razel. Todo iling si Razel na para bang sinasabi na wala syang kinalaman bakit nalaman ni Steph ang nangyari sa Wedding.

ALEX: "Steph sabi ng Duktor bawal sayo ang malungkot. Saka ko na ikukwento sayo pagmagaling ka na okay? Pano mo naman nalaman yan eh sinabihan ko silang lahat na wag munang ikwento sayo kasi nga hindi ito makakatulong sa paggaling mo. "

STEPH: "Nag viral kasi yung wedding nyo, medyo naikwento sa akin nung  nurse ko na panggabi ang ilang mga tagpo na nangyari sa Wedding. Paano kayo nagkakilala ni Jake Ate?"

Di talaga mapigilan ang curiousity ni Steph. Di alam ni Alex ang isasagot nagkatinginan lang ulit sila ni Razel na para bang humingi ng tulong kung ano ang gagawin.

STEPHANIE: "Ate, Totoo ba na tumira ka kina Jake?"

Hindi tumitigil ang mga tanong ng kanyang kapatid na si Stephanie.

STEPHANIE: "Ate anong ginawa mo kay Jake?"

At isa pang tanong. Mukhang cornered na talaga si Alex. Kailangan na nya talagang sagutin si Steph.

ALEX: "I'm so sorry Steph. Nagawa ko lang naman yun dahil sa pagmamahal ko sayo eh. Gusto ko lang naman sanang ipaghiganti ang ginawa nyang panloloko sayo eh. "

Hate nyang gamitin ang word na Panloloko kay Jake ngunit gusto nyang marandaman ni Steph na galit sya kay Jake at para itago ang nararamdaman Nya para dito.

Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon