PART 3 - Empty space inside of me that only You can fill

5 2 0
                                    

CHAPTER 8

STEPHANIE'S HOUSE. Sa wakas pinayagan na rin ng Duktor na maka-uwi si Stephanie. Inaalalayan si Steph ng kanyang dalawang Kuya habang naglalakad ito papasok ng kanilang bahay habang bitbit naman ni Aling Cora ang mga ilang gamit ni Steph sa osppital. 


STEPHANIE: "Kuya Noel, Kuya Empoy kaya ko na to, pramis. Bitawan Nyo na' ko."

NOEL: "Wag mo masyadong pwersahin ang sarili mo ha."

EMPOY: "Alam mo? wag na wag talagang magpapakita sakin yang Jake na yan dahil tatamaan talaga sakin yun."

STEPHANIE: "Ang OA mo naman kuya Empoy. Sinabi ko naman sayo di ba na kasalanan ko yung nangyari kaya tantanan mo na si Jake."

EMPOY: "May kasalanan pa rin Sya. Aba eh naging girlfriend ka pala Nya di man lang namin nalaman? Ni hindi man lang nga Sya umakyat ng pormal na ligaw sayo dito sa bahay eh. Ibig sabihin talagang balak ka talaga Nyang lokohin."

STEPHANIE: "Eh kung umakyat sya ng ligaw papayagan nyo ba?"

EMPOY: "Hindi!"

STEPHANIE: "Oh kita mo na. "

ALING CELY: "Mga anak handa ko na ang tanghalian natin ha."

STEPHANIE: "Sige po Nay. Salamat po."

Kinagabihan. Nasa Restobar si Jake kung saan Nya unang idinate si Kim. Kasama ni Jake si Buboy at ang tropang Baywalk Park na sina Narda Boyet at Kaloy. May mga bote ng alak at mga pulutan sa mesa. Medyo may tama na lahat. Mas kumportable kasing kasama ni Jake ang kanyang mga kaibigan na simple lang kesa sa mga mayayaman nyang mga kaibigan na sina Abet at Allan at iba pa nyang mga kaibigan sa School maliban kay Buboy na bestfriend nya dahil kahit mayaman ito sobrang syang kapalagayan ng loob ni Jake dahil kagaya nya sobrang down to earth din kasi itong si Buboy walang ka ere-ere sa katawan kung baga.

KALOY: "Guys basta kami ni Boyet meron kaming kasamang driver nung tricycle ko ha. Siguraduhin nyo lang na magtitira kayo na pang-lakad nyo."

BOYET: "Walang problema d'yan kay Narda, eh makiki-angkas lang din sa atin yan eh. Ewan ko dito kay Buboy at Jake kung makapag drive pa ang mga ito."

KALOY: "Okay lang yan si Buboy. Paano naman malalasing yan eh dalawang oras na yang unang bote N'ya hanggang ngayon di pa rin ubos."

Tawanan ang tropa.

BUBOY: "Grabe naman kayo. Eh alam n'yo namang bubog-bugin ako nang Dad ko kapag nalasing ako di ba? Ikaw Pareng Jake? Kaya mo pa ba?"

JAKE: "Wag N'yo akong alalahanin guys, kayang-kaya kong lumipad pauwi. Kailan ba ako nalasing ha? Ikaw yata ng lasing eh oh, bakit dalawa na ang tingin ko sayo? Sabi sayo lasing ka na eh."

Tawanan ang tropa.

NARDA: "Patay tayo dyan. Lasing na nga ang mokong."

Tawanan ulit ang Tropa.

BUBOY: "Pssst. Bro Six o'clock pare."

Lumingon si Jake sa kanyang likuran. Nakita Nya si Kim na papasok pa lang kasama ang kanyang Bestfriend na si Tina. Pagkaupo sa Bar ay umorder sila ng maiinom. Inubos ni Jake ang laman ng kanyang bote.

KALOY: "Yan ba si Kim slash Alex?"

BUBOY: "Kulang pare. Slash Sandra pa."

BOYET: "Ano ba yan. Nakakalito, ang daming pangalan?"

Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon