PART 1 - Jake reveals his secret to his Baywalk Friends

5 2 0
                                    

CHAPTER 7

BAYWALK PARK. Kumpleto ang tropa ni Jake sa Park sa tindahan ni Narda. Nagmimiryenda sila at nakaupo sa dalawang folding table na pinag-dikit.

KALOY: "Ni ho, ni ha, wala man lang pasabi bago S'ya umalis?"

JAKE: "Wala talaga eh."

NARDA: "Baka naman kasi may ginawa ka sa kanya na hindi N'ya nagustuhan."

JAKE: "Yun nga rin ang ini-isip ko eh. Pero hanggang ngayon wala talaga akong matandaan na ginawa ko na pwedeng maka-offend sa kanya eh."

BUBOY: "Alam mo sakto talaga ang pangalan na binigay ko sa kanya eh. Ang Mestisang Misteryosa."

BOYET: "Sobrang napaka misteryosa nga pala talaga N'yang kaibigan mo na yan Jake."

BUBOY: "Saka ito pa ang hindi ko maintindihan. May hindi nagpakilala na nag text sayo na ikakasal na S'ya bukas. Ba't ganun kabilis? Ikakasal na agad S'ya after 3 days lang na di N'yo pagkikita? Ang labo talaga men."

NARDA: "Hay ang sakit pala talaga sa vangs n'yang babae na yan, nakakaloka. Ano ba ang gusto Niyang palabasin? Masaksihan mo ang kasal N'ya para masaktan ka ng husto? Eh may pagka-maldita pala yang babae na yan eh. Ganun ba kalaki ang kasalanan mo sa Kanya para parusahan ka ng husto?"

JAKE: "Guys, hindi ganun ang pagkakilala ko kay Kim. Nabanggit N'ya sa akin na mayaman ang kanyang ex-Boyfriend. Baka naman tinakot S'ya nito kaya na-pwersa si Kim na pakasalan agad S'ya."

BUBOY: "Grabe Bro, hanggang sa huli talagang malaki pa rin ang tiwala at pananampalataya mo dyan kay Mestisang Misteryosa na yan."

KALOY: "So ano ang balak mo Jake? Pupunta ba tayo sa kasal N'ya?"

NARDA: "Hoy, kung pupunta man Sya, hindi ka kasama no. Wala kang invitation para makapasok sa resort na yun."

BOYET: "Eh di ba pag-aari ng mga Villanueva ang resort na yun? Kilala naman tayo ng mga empleyado dun ah, dahil nagtrabaho din naman tayo sa JNV kaya I'm sure papapasukin tayo dun."

NARDA: "Hindi ganun kadali yun no. Tingin ko kagaya ng sabi ni Jake, hindi basta-bastang tao yung mapapangasawa ng Kim na yan. Malamang istrikto N'yang sinabihan ang mga guard na bawal ang ibang tao dahil sobrang private lang talaga ang kasal na yun. Ni wala nga sa balita di ba. Useually kasi nasa balita ang mga kinakasala sa lugar na yun. Ako I'm sure papapasukin ako dun dahil malaki ang respeto sa kin ng OIC dun na si Mang Tani. Pwede akong magsama ng mga dalawa. Pero kapag lima tayo masyado na yatang abuso yun."

JAKE: "Ewan ko ba. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi. Pero Guys, hindi talaga yan ang pinunta ko dito. Matagal ko na rin naman kayong mga kaibigan at alam kong isa kayo sa mga pinagkakatiwalaan ng Dad ko. Siguro ito na rin ang dahilan kaya biglang umalis si Kim. Ayaw ko nang magtago. I dont care anymore..."

NARDA: " Anong ibig mong sabihin na... Kilala kami ng Dad mo? "

BUBOY: "Oo Narda. Ang Dad Nya ang may=ari ng kumpanyang dating pinapasukan Nyo. "

NARDA/KALOY/BOYET : "Anak ka ni Congressman? "

Halos sabay-sabay na bulalas ng tatlo. Hindi sila nagkaroon ng chance na makilala si Jake nung nagtatrabaho pa sila sa kumpanya ni Congressman dahil ni minsan ay hindi dinala ni Congressman ang kanyang mga anak sa kanyang opisina dahil mula nung sumali sya sa pulitika ay iniwasan nya nang makilala sa publiko ang kanyang mga anak para na rin sa kaligtasan ng mga ito.  

JAKE: " Sorry guys. sana naiintindihan Nyo ang sitwasyon ko kaya nililihim ko ang mga bagay na to."

BOYET: "Wag kang mag-alala Jake. Naiintindihan ka namin. Ayos lang yun. "

KALOY: "Oo nga Jake, naiintindihan ka namin. Naa-appreciate namain ang pagsabi mo sa amin ng lihim mo Jake pero magingat ka parin sa pagpapakilala mo sa iba. Sa amin wala kang problema atin-atin lang to."

BUBOY: "Inlababo kasi yang kaibigan Nyo eh kaya nagiging careless na. pasensyahan na. "

NARDA: "Ito naman makakutya sa kaibigan Nya wagas. tantanan mo nga si Jake Buboy... Oh my God guys. I cant believe it. Kaibigan natin ang anak ni Boss, ang anak ni Congressman Villanueva. "

KALOY: "Pssst. Wag ka ngang maingay dyan. Baka may makarining sayo oh."

NARDA: " Ay sorry na-carried away lang. "

BOYETH: " Ang Ibig sabihin ba nito may chance na tayong makabalik sa kumpanya. "

NARDA: " Hoy tumigil ka na nga dyan. Hindi yan ang first concern ngayon ni Jake. Tulungan natin syang makausap ulit si Kim. "

JAKE: " Okay lang ako guys. wag nyo akong alalahanin."

NARDA: "Maniwala ka sakin Jake, hindi ka okay. Alam ko ang feeling ng isang broken hearted. "

KALOY: "Oo Jake maniwala ka sa kanya. Halos lingo-lingo kasing broken hearted yan si Narda eh kaya master nya na yan."

Halakhakan ang tropa maliban kay Jake na tahimik lang. Nagpatuloy lang sa kantyawan at halakhakan ang tropa. At least kahit papano medyo gumagaan ang pakiramdam ni Jake dahil sa kanila.




Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon