PART 4 - Unexpected encounter kay Crush

5 2 0
                                    

CHAPTER 5

UNIVERSITY. ELEMENTARY CANTEEN. Bumili si Vincent ng kanyang paboritong biscuit at saka isang pineapple juice. Pagkabayad ay umupo ito sa bakanteng mahabang table.Binuksan ang kanyang laptop. Maya-maya lang ay dumating si Alvin.


ALVIN: "Grabe nagutom ako dun sa long quiz natin ah. Patikim nga nitong biscuit mo."

VINCENT: "San ka galing? Bat ang tagal mo?"

Di pa man nakasagot si Alvin ay nag ring ang phone ni Vincent at agad Nya itong sinagot.

ALVIN: "May pinahatid lang si Ma'am sa Faculty. Wait lang sandali Vincent ha may  makalimutan lang ako sandali. Arbor ko na tong biscuit mo ha, palitan ko pagbalik ko. Haba kasi ng pila eh."

Hindi naintindihan ni Vincent ang mga sinasabi ni Alvin dahil naka focus ito sa kanyang kausap sa telepono, Nag thumbs up lang S'ya kay Alvin. Ni hindi na nitong  nakuhang lumingon kay Alvin sa kanyang pag-alis dahil abala Sya masyado sa kanyang kausap sa phone.


Mga ilang saglit pa ang lumipas ay may umupo sa table ni Vincent. Hindi ito pinansin ni Vincent dahil natural lang naman sa Canteen na mag share ng table. Walang idea si Vincent na ang umupo sa kanyang table ay ang kanyang Crush na si VANESSA  kasama ang kanyang Bestfriend na si MARIVIC. Sya rin ang Vanessa na nakilala ni Lili sa Park na kasama ni Tobi. Sa puntong ito ay wala pang alam si Vanessa na wala na sa kamay ng kanyang Unlce Albert ang kanyang pinakamamahal na si Tobi.


VANESSA: "Dito na lang tayo bes ayoko nang maglakad. Napapagod na kasi ako eh. "


MARIVIC: "Weh, di nga?"


Sabay tingin ni Marivic kay Vincent na parang nanunukso kay Vanessa. Abala pa rin si Vincent sa kanyang telepono.

VANESSA: "Sira. Pagod na talaga ako Bes'"

MARIVIC: "Sige na nga, dito na tayo."

VANESSA: "Hi. Makiki share kami ng table ha."


Kinawayan ni Vanessa si Vincent at napalingon naman ito kay Vanessa. Tila nagulat si Vincent medyo napatitig nang sandali  kay Vanessa. Nang makarekober ay tumango at ngumiti ito na nasa kanyang phone pa rin. Sa side Nya umupo si Vanessa at si Marivic naman ay nasa opposite side. Inilapag ni Vanessa ang kanyang biscuit na dala sa tabi ng laptop ni Vincent saka binuksan ang kanyang iPAD.


Pagkatapos makipag-usap ni Vincent sa Phone ay nag-dial ulit ito.

VINCENT: "Nasaan ka na? Bilisan mo nandito si crush. Kailangan ko ng back-up... Okay sige."

Balik sa kanyang laptop si Vincent. Dumampot ito ng biscuit sa pag-aakalang ito pa rin yung biscuit N'ya kanina dahil kamuka ito ng sa kanya. Nagkatinginan si Vanessa at Marivic. Tuloy lang sa kayang laptop si Vincent. Pagdampot Nya ulit ng biscuit ay nagkasabay sila ni Vanessa at nahawakan Nya ang kanyang kamay. Nagkatitigan Sila.


VINCENT: "Ay sorry. Sige kuha ka lang."


Nagkatinginan ulit ang mag bestfriend na Vanessa at Marivic. Medyo nalilito si Vanessa kung anong reaksyon ang ibibigay Nya kay Vincent. Mga ilang saglit pa ay nagyaya na si Vanessa.

Moments later. Mag-isa na lang si Vincent sa table. Dumating si Alvin na may biscuit na dala at inabot kay Vincent.

ALVIN: "Oh ayan. kapalit nung biskwit mo."


VINCENT: "Anong kapalit eh nandito yung biskwit ko."


ALVIN: "Anu ka ba, di ba sabi ko sayo kanina papalitan ko yun dinala kong biskwit mo kanina. Nagmamadali kasi ako, wala na akong time pumila para bumili kanina."

VINCENT: "Oh my God"

Napa-palo ang kamay ni Vincent sa kanyang noo.


ALVIN: "Bakit? Anong nangyari?"


VINCENT: "Patay pare minus pogi points."

ALVIN: "Bakit nga? saka nasaan na ba sila?"


VINCENT: "Umalis na ang tagal mo kasi eh. Kaya pala sila napa-alis agad dahil nawierduhan siguro sakin."

ALVIN: " Bakit? anu bang ginawa mo?"

VINCENT: "Kinain ko kasi yung biskwit ni crush akala ko kasi sakin eh. Ayan oh kamukha nung sakin. Kaya pala parang ang weird ng mga reaksyon nila."


ALVIN: "Ha? Patay. Minus pogi points nga. Pero nalaman mo na ba ang pangalan Nya. Nagpakilala ka na ba?"


Nakahawak sa kanyang ulo ang dalawang kamay ni Vincent habang naka-subsob sa table.

VINCENT: "Narinig ko lang. Vanessa ang pangalan Nya."

ALVIN: "Wow. Ang ganda ng pangalan. Kasing ganda Nya."


Samantala nakaupo na sa kanilang Classroom si Vanessa at Marivic. Although medyo mahaba pa ang oras para sa kanilang susunod na klase ay nag decide na lang silang tumambay sa room dahil sa nangyari kanina. 

MARIVIC: "Sayang cute pa naman sana kaso medyo makapal yata ang muka. Imagine mo nangunguha na lang bigla ng biskwit na di naman sa kanya na walang paalam."

VANESSA: "Ewan ko ba medyo naguguluhan ako sa kanya. Di naman Sya mukang mayabang eh. Nag-sorry pa nga S'ya nung di Nya sinasadyang mahawakan ang kamay ko di ba?"

MARIVIC: "Di kaya may tililing lang talaga Sya?"

VANESSA: "Sira. Muka naman S'yang matino no. Pero ang weird talaga Nya."

Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon