PART 3 - You changed my life in a moment

7 2 0
                                    

CHAPTER 4

UNIVERSITY/LIBRARY. Medyo konti lang ang tao at tahimik sa library. Nagbabasa at nag-rereview si Jake at buboy na may hawak na book pareho.

BUBOY: "Napaka misteryosa naman pala talaga ng babaing yan. Ni ayaw sabihin sayo ang kanyang pangalan? Pero Pare medyo ingat ka rin ha hindi natin alam baka may hindi magandang motibo tong bago mong kaibigan na to."

JAKE: "Para ka ring si Nanay Luz at Tatay  Rudy ko eh, Ganyan din ang sinasabi. Gaya ng sinasabi ko sa kanila, magaling akong kumilatis ng tao. Hindi Sya kagaya ng iniisip nyo. Hindi naman sa ayaw nya talagang sabihin, actually last time sasabihin na nya sakin pero sabi ko its ok., saka na pag kumportable ka na talaga na magpakilala sakin. ayun... ganun. "

BUBOY: "Okay. Pero Bro maiba ko, I'm sure iniisp mo na kung sino ang isusunod mong GF para pagbigyan itong dalawa nating kaibigan na nangungulit na sayo. Sino nga ba ang iniisip mong kapalit ni Stephanie?"

Napatigil sa pagta-type sa kanyang laptop si Jake at napa-isip.

JAKE: "Para kasing mula makilala ko si Kim parang ayoko nang makipaglaro sa mga babae eh. Talo na kung talo. Kung maparusahan, so be it. I dont mind. I dont care."

BUBOY: "Sigurado ka ba dyan? Bro ipapaalala ko lang sayo ang parusaha sa pustahan. Maglalakad ka sa buong campus na may Plakard na nakasulat "Bakla ako! Huwag akong tularan." You mean ready ka talaga na i-embarass ang sarili mo sa buong campus after mong gumawa ng playboy image?"

JAKE: "I was an A-hole, i guess i deserve it."

BUBOY: "Hmm. Interesting. Mukhang binago ka nang husto ng Kim na yan ah. Totohanan na ba yan?"

JAKE: "I dont know. Basta ang alam ko lang, masaya ako pag kasama Sya at nakakalimutan ko rin ang mga problema ko sa aking pamilya."

BUBOY: "Eh di Sya na lang ang ipalit mo kay Steph para di ka maparusahan."

JAKE: "Hindi Sya counted no, ang usapan sa loob lang ng campus."

BUBOY: "Oo nga pala."

JAKE: "Tantanan mo na nga ako dyan sa mga tanong mo. mag review ka rin kaya. Long quiz natin ngayon di ba?"

BUBOY: "Dont worry Bro, gusto mo pakopyahin pa kita eh."

JAKE: " Sira. Ayoko yatang pumasa sa pangongopya no."

Pagkaraan ng ilang oras ay nasa kanilang klase na si Jake at Buboy at kasalukuyang sinasagutan ang kanilang mga papel para sa isang Long quiz. Umiikot-ikot  ang Lalaking Professor. Mga ilang saglit ay tumunog ang bell.

MALE PROFESSOR: "Okay time's up. All pens up and pass your papers please."

Pagkapasa ng papel ay nagmamadaling nagligpit ng gamit si Jake.

JAKE: "Sorry Bro, I need to go. See you tomorrow."

BUBOY: "Ah eh, W-w-wait..."

Di pa man nakakapagsalita ay nakaalis na si Jake.

ALVAREZ RESIDENCE. Tapos ng mag-hapunan si Rudy at Luz. Tinatapos na lang nila ang kanilang desert.

LUZ: "Ano na nga balita dyan sa kababata mong Congressman ha Rudy. Aba eh sa limang taon nating pag-aalaga dyan sa mga anak nya ngayon lang sya hindi nakakatawag ng ilang mga buwan na ah. Dati naman halos linggo lingo Syang nangungumusta. Hindi kaya may masama nang nangyari sa kanya?"

RUDY: "Ewan ko nga ba. Ako man nag-aalala na rin. Hindi kasi yun nakakatiis na tumawag man lang sa para kumustahin lang ang kanyang mga anak eh. Tingin ko masyado Syang naapektuhan sa paghihiwalay nilang mag-asawa. Simula kasi nung insidente ng hiwalayan padalang na ng padalang ang tawag nya eh."

LUZ: "Isa pa yan. Anu ba talaga ang nangyari bakit humantong sa hiwalayan yung dalawa? Akala ko ba mahal na mahal ni Robert itong si Susan? Bakit nagawa nyang lokohin si Susan?"

RUDY: "Ako man hindi ko rin talaga maintindihan. Hindi ako makapaniwalang magagawa yun ni Robert. Kilalang kilala ko yun. Saksi ako ng pagmamahalan nila, kaya mahirap sa akin na paniwalaan yung ibinibintang sa kanya ni Susan. Ang mabigat kasi may mga litratong ibidensya kaya paniwalang-paniwala si Susan na niloko sya ni Robert."

LUZ: "Ako kasi ang nahihirapan para sa mga bata eh. Si Jake siguro medyo naiintindihan nya na nangyayari talaga ito sa mga mag-asawa, eh pano si Vincent?  Nahihiya lang sigurong magtanong yan pero nararamdaman ko ang lungkot nya kapag napapag-usapan ang kanyang mga magulang."

RUDY: "Muka namang okay na si Vincent eh. Masayang-masaya nga sya sa mga kalaro Nya eh."

LUZ: "Naawa lang talaga ako sa kanya dahil sa murang edad ay kailangan nyang mabuhay ng malayo sa kanyang mga magulang at pagdaanan ang mga ganitong mga hiwalayan na drama."

RUDY: "Ganun din naman ako, pero wala talaga tayong magagawa ngayon kungdi ang umasa at magdasal na sana maayos pa ang mga gusot na ito. Sana magkabalikan pa ulit sila, at naniniwala ako na darating ang araw na yon. Ganun lang ang kaya nating gawin sa ngayon. Sinubukan ko kasing kontakin si Robert nung nakaraan pero hindi ko talaga makontak eh. Si Susan naman ayaw munang gumamit ng telepono dahil ayaw nga maistorbo dun sa kanyang Medical Mission na sinalihan nya para makalimot sa mga masamang  nangyayari ngayon sa kanilang pamilya."

LUZ: "Teka nasaan na ba yung mga bata?"

RUDY: "Lumabas sila kasama ni Felix. Hayaan mo na sila, Biyernes naman ngayon eh walang pasok bukas. Medyo magpapahangin lang daw Sila sa Park. Alam din kasi nilang medyo late nang uuwi ang kanilang kuya Jake kaya wala muna silang movie time ngayon."

Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon