PART 3 - AT THE CARNIVAL

6 2 0
                                    

CHAPTER 5

CARNIVAL. Kinabukasan. Pagkatapos mag-simba ay dito naman naisipan ng mga bata na mamasyal sa all year long  na Carnival na ito. Medyo maraming tao ngayon sa Carnival. Nakasakay sa Bump Car Si Vincent at si Lili habang binabantayan at pinapanood sila ni Felix sa may di kalayuan.

Samantala, nasa shooting range naman si Jake at Kim. kasalukuyang inaabot ni Jake ang kanilang premyo na stuffed toy. 

JAKE: "Salamat kuya."

KIM: "Not bad. I'm impressed."

JAKE: "Tsamba lang. haha... This is for you."

KIM: "Oh Thank you. You're so sweet"

Naglakad sila hanggang sa mapadaan sa basketball shooting booth at agad hinila ni Kim si Jake.

KIM: "Sigurado ako this time kaya kitang talunin."


JAKE: "Wooh. I like the courage young Lady. Challenge accepted."


Ilang saglit pa ay ready na sila. At nag-start ang competition. Seryoso si Kim na talunin si Jake. Habang relax na relax naman si Jake, tinitingnan nya si Kim habang tumitira. Pakaraan ng ilang minuto ay... 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1, Times up. Kim wins.


KIM: "Yeah. I told you Mister. I'm gonna beat you this time."


JAKE: "You sure did. Nice shot. You beat me so hard. Congratulations. haha."


KIM: "Grabe naman yung highest score ang taas. Sinu kaya yang Geomancer na yan?"


Pagkatapos isulat ni Kim ang kanyang pangalan na panganim sa highest score ay Dinampot na nito ang kanyang maliit na bag at ang kanyang bagong stuffed toy na bigay ni Jake.

JAKE: "Good game."

Kinamayan ni Jake si Kim bilang pagtanggap ng pagkatalo. 

May nakita si kim sa banda roon at agad itong tumakbo na parang Bata at naiwan si Jake.

KIM:  "Let's go, let's go."

JAKE: "Okay, okay.  I'm coming."

Lumapit kay Jake ang maintenace guy ng basketball.

MAINTENANCE GUY: "Special siguro sya sayo Sir no? "


JAKE: "Haha. Bat mo naman nasabi yan?"

MAINTENANCE GUY: "Nagpatalo ka kasi Sir eh. Di ba nya alam na ikaw si Geomancer? actually sa lahat ng machine pangalan mo yun nasa top eh."

JAKE: "Hindi nya alam. Kaya wag kang maingay ha. haha."


Pabulong na sabi ni Jake sa lalake. Sabay alis ni Jake

MAINTENANCE GUY: "Sir!"

Tinawag ng lalaki si Jake na medyo malayo na. Ibinato ng lalaki ang isang bola kay Jake at sinalo naman nya ito. Pumorma na mag shoot si Jake kahit medyo malayo na. Tumira si Jake.,, Shoot. Nothing but net.


MAINTENANCE GUY: "Wala pa ring kupas Sir ah. Enjoy po kayo ni Ma'am Sir."


Kumaway si Jake bilang paalam.

Parang batang tuwang-tuwa na pinapanood ni Kim ang mga nakasakay sa Octupus Ride.

JAKE: "Please Don't tell me you never tried it before?"

KIM: "I've always wanted to."

JAKE: "Then why didnt you."

KIM: "Lagi akong nachi-chiken out eh."

JAKE: "It's not that scarry up there I swear. Halika praktis tayo."


Hinawakan ni Jake ang dalawang kamay ni Kim at medyo gumitna sila sa open space.


KIM: "What are we going to do ba?"

Hinawakan ni Jake ang dalawang kamay ni Kim.

JAKE: "I'll just gonna show you what it's like to be up there. On three iikot tayo as fast as we can. Ready?"

Nung una ay medyo mabagal ang kanilang ikot hanggang sa pabilis nang pabilis. Almost pahiga na ang posisyon nilang dalawa against each other at halos magkadikit lang ang kanilang mga paa, Hawak nila ang isat-isa kaya hindi sila natutumba habang umi-ikot. Mabilis man ang kanilang ikot ay tila parang slowmotion ang lahat para kay Jake dahil masayang masaya sya na kasama si Kim.

Nang maabot na  nila ang top speed ay halos di mo na alam kung anong bagay ang mga nasa paligid mo dahil puro blur na lahat ito. Nakikita lang nila ang isat-isa.

Tuwang-tawang pinapanood ni Jake and itsura ni Kim na halos nakapikit na ngunit nakuha pa rin nitong tumawa habang umiikot sila.

Dahandahan ng tumigil si Jake nang makita N'yang medyo nalulula na si Kim. Mabilis nyang niyakap si Kim dahil tila matutumba ito sa sobrang pagkahilo.

JAKE: "I got you. It's okay. I'm sorry. I'm sorry...?"


Napayakap din si Kim sa kanya, pilit bumabawi sa pagkahilo. 

Ilang saglit na katahimikan habang sila ay magkayakap.


JAKE: "Ngayon naiintindihan ko na bakit hindi ka pa nakakasakay dyan ever. I'm sorry"


KIM: "Medyo sumakit yata ang ulo ko."

JAKE: "Okay let's go. Pahinga na lang muna siguro tayo."

Umupo na lang muna sila sa isang tabi habang inihintay ang mga Bata.

Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon