PART 3 - Thinkin' of You

4 2 0
                                    

CHAPTER 7

Sa isang opisina sa isa sa matatayog na gusali sa Lungsod. Isang lalake na naka amerikana, mga edad kwarenta ang nakaupo sa kanyang office desk at nakapatong ang kanyang paa sa kanyang office table habang nakikipagusap sa telepono. .

OFFICE GUY: "HIndi pa kumpirmado pero malakas ang kutob ko Boss na ito na talaga yung hinahanap nating anak ni Congressman. Sa wakas makakapag bayad na rin sya sa atraso nya sayo...Understood Boss... ASAP."

ALVAREZ RESIDENCE. Nakaupo sa  sofa ang mga Little Soldiers. Si Vincent naman ay nakaupo sa harap nila.

VINCENT: "Guys, sana maging lesson na sa inyo ang nangyari last time okay?  Wag na wag kayong gagawa ng mga bagay na hindi ko alam. Buti na lang naisipan kong tanggalan ng password ang wifi natin, ayun medyo nakatulong ito na lalo akong mag-mukhang inosente habang iniimbistigahan ng mga NBI agents."

DONALD: "Kuya Vincent anong kinalaman nung wifi password? Paano ka nakalusot dun?"

ALVIN: "Kasi Donald iisipin nila, lahat ng kapit bahay oh kung sino mang dumaan dyan sa harap ng bahay nila Vincent ay pwedeng gamitin ang internet nila kaya yung public IP Address talaga dito ang magre-register  dun sa gumamit ng advance tracing app para mahuli ang hacker."

VINCENT: "Guys, part ito ng training natin di ba? Wag mag panic nang husto para makapag-isip ng maayos kung ano man ang pwedeng solustyon ng isang problema. So marami tayong natutunan sa experience na iyon sana ay makatulong ito sa inyo balang araw. Pero ngayon medyo laylow muna tayo, kasi alam kong after nung nangyari, meron na silang mga itinalagang mga mata dyan sa labas."

JERRY: "Ang smart mo talaga Vincent. Paano mo naiisip yun?"

Samantala sa bahay ni KIM. May kausap sa telepono si Aling Cely, 47, Step Mom ni Kim.

ALING CELY: "Pasensya ka na talaga Elmer ilang beses ko nang sinabi sa kanya yan eh, pero ayaw nya talagang makipagusap kahit kanino lalong-lalo na sayo. Bigyan muna siguro natin sya ng time...Okay sige sasabihin ko...Bye."

Dumiretso ng kusina si Aling Cely. Samantala sa kwarto ni Kim. Naka-tagilid na naka-higa sa kama si Kim habang hinahaplos-haplos ng kanyang Bestfriend na si Tina ang kanyang buhok. 

TINA: "Alam mo nung una kong makita si Jake dun sa kasal mo, hindi ko inisip na magkakagusto ka sa kanya dahil ang alam ko mas gusto mo yung mga mas matured looking guy na kagaya ni Elmer. Pero alam mo nung marinig ko na tinawag ka n'yang Sandra, Bigla akong napatayo. Hindi kasi ako makapaniwala na nagpakilala ka sa kanya bilang Sandra. Alam ko agad sa mga sandaling iyon na di mo lang sya gusto, alam ko na sa mga sandaling iyon na mahal mo Sya dahil napaka sagrado sayo ng pangalan na iyan na tawag sayo ng pinakamamahal mong namayapang Ama. Sa lahat nga ng mga kaibigan natin walang nakakaalam tungkol sa pangalan na yan dahil nga ayaw mo itong gamitin na pang-araw-araw at kung kaninino lang. Although Alexandra talaga ang Birth name mo pero mas special sayo ang pangalan na Sandra.  Medyo nagselos nga ako nung mga sandaling yun eh, kasi kahit Ako nga na Bestfriend mo ayaw mong tawagin kita sa pangalan na yan eh. Kaya wala akong duda na sobrang special talaga sayo si Jake. Alam mo ba ng mga panahon na yon, medyo napapaisip ako. Ako nga ba kaya ang bestfriend na tinuturing ng Bestfriend ko gaya ng turing ko sa kanya? "  


Humihina at gumagaralgal ang boses ni Tina at dahan-dahang tumutulo ang mga luha nito. Walang kibo si Alex ngunit tumulo na rin ang luha sa mga mata nito.

Pilit na pinipigilan ni Tina ang paghagulhol ng iyak habang hawak ng kanyang dalawang kamay ang kanyang bibig. Bumangon sa pagkakahiga si Alex at niyakap si Tina na nakaupo sa gilid ng kama.

Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon