Part 3 - DOTA Night

11 2 0
                                    

CHAPTER 2

BUBOY'S HOUSE. Pinarada ni Buboy ang kanyang magarang Kotse sa harap ng kanilang malaking bahay. Bumaba ng kotse si Buboy at Jake.

JAKE: "Nasaan na daw sila?"

BUBOY: "Paparating na. Malapit na daw sila."

As usual, pagkapasok nila ng bahay ay nagpahanda ng maiinom si Buboy sa kanilang Maid at nanood sila ng isang Live tournament ng DOTA2 sa big screen sa living room habang naghihintay sa iba pa nilang kasama.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na sina Abet at Allan ngunit di kasama si Jimmy. Di na nag-aksaya ng mga sandali at agad silang nag-online through Steam para makipag laro ng 5 v 5 ang magbabarkadang Jake, Buboy, Allan at Abet. Kakampi pa rin nila si Jimmy kahit wala sya roon dahil naki-pag-party na lang sya online. Lahat ay mga seryosong nakatutok sa kani-kanilang monitor ng kanilang mga hi-powered gaming laptop.

Ilang Oras na ang lumipas ngunit enjoy na enjoy pa rin ang grupo sa kanilang paglalaro. Ni wala silang idea kung anong oras na.

JAKE: "Tara Guys, smoke gank tayo sa top. Buo na hex ko. Nabasag ko na ang T2 sa mid."

Si meepo ang hero ni Jake, Bukod sa kanyang item na Scythe of Vyse ay meron na rin itong Power Treads, Skadi, at Blink dagger.

ALLAN: "Okay up na rin ulti ko. Let's go. Buboy up na ba SS mo?"

BUBOY: "Oo up na Moonlight Shadow ko...Wohoo! Mukang panalo na naman tayo. Lakas talaga ng mid natin haha. Turuan mo na kami mag meepo Jake ha after this game."

Patapos na ang game. Halos nagse-celebrate na ang tropa.

ABET: "Ayan basag na! Deads na lahat. wala silang buyback lahat. Wohoo! Panalo na naman. Haha."

Mga ilang sandali pa ay tumayo na sila at masayang-masaya silang nag high five sa bawat isa. Nagtungo sa pinto si Buboy at binuksan ng bahagya ang pinto ng AVR at medyo pasigaw na inutusan ang kanyang yaya na i-serve na ang Pizza na kanyang pinahanda kanina. 


JAKE: "Grabe ang saya haha, sayang di nakasama si Jimmy."

ABET: "Pinilit nga namin eh pero grounded daw sya Bro. Nangako naman na makikipag-party na lang S'ya kaya di na namin kinulit. Buti nga kahit grounded Sya di sya pinagbawalang gumamit ng computer Nya eh. Last time kasi ganun ang nangyari."

ALLAN: "Ano ba kasing pinag gagawa Nyang pinsan mo si Jimmy ha Pareng Abet, eh ang dalas kasing ma grounded eh."

ABET: " Ewan ko ba dun sa Pinsan ko na yun."

BUBOY: "Mga Bro maiba nga muna tayo. Alam nyo bang di na pumasok sa Iskwela si Stephanie mula nung nakipag break ka sa kanya?"

ALLAN: "First time yata yun ah. Di naman nangyari yun sa mga iba pang Ex ni Jake ah."

ABET: "Since when do you care about his ex'es ha Pareng Buboy?"

ALLAN: "Haha. Grabe ka naman Abet concern lang yung tao. Malay mo nga naman di natake ni Steph yung pakikipag-break ni Jake sa kanya kaya naisipan N'yang tumalon sa bintana kaya napilay. Ayun di tuloy makapasok."

JAKE: "Eh mas grabe ka pa pala bro eh. Tumalon na kaagad? Pero napansin ko rin yun actually. Iniisip ko nga na daanan sa kanila eh para man lang malaman ko kung ano kalagayan nya."

ABET: "Daanan para kumustahin? Baka masira ang image mo nyan Bro, You dont care about your ex'es di ba. Yun ang image mo sa School remember? hahaha."

ALLAN: "Grabe ka Pareng Abet. Pareng Jake pasensya ka na ha, dahil na push ka namin para gawin mo yung break-up. Katuwaan lang naman kasi talaga ang lahat ng mga ito eh, di naman namin meant na may masaktan ng sobra at humantong sa pagpapakamatay if ever ganun nga ang nangyari kay Steph."

JAKE: "Aba bago yata yan sa pandinig ko ah. Last time i Checked. Tuwang-tuwa kayong lahat habang may umiiyak sa hallway ng campus at nagmamaka-awang wag kong ibasura."

ALLAN: "Sa totoo lang Bro masaya naman talaga kapag nakakakita kami ng ganoong tagpo eh. Pero sa isang banda naawa talaga kami sa mga Babae dahil feeling ko pinaglaruan natin sila ng husto. Saka hindi naman talaga namin gusto to eh. Saka ikaw ang may idea nito remember para lang patunayan sa amin na hindi ka talaga bakla di ba? "

JAKE: "Oo tama kayo. Ako lang naman talaga ang dapat na sisihin kapag may nangyaring masama kay Steph eh. "

BUBOY: "Ang drama N'yo. Com'on Guys, it's our Fun time, wag N'yo nga munang pag-usapan yang mga kadramahan na yan, baka masira tong winning streak natin. Wag kayong mag-alala. Okay lang si Steph. Kilala ko yun. Hindi S'ya ang tipo ng babae na sasaktan ang sarili para lang sa isang lalaki. May mga pangyayari lang siguro na di maiwasan kaya hindi S'ya nakakapasok."

Sabi ni Buboy sa Tropa habang binubuksan ang pinto dahil narito ang kanilang mainit at bagong lutong Home-made Pizza na dala ng kanyang Yaya kasama ng kanilang cook na si Ate Glo na may bitbit din inumin na iced-Tea.

Pinilit kalimutan ng grupo ang tungkol kay Steph at inenjoy lang ang kanilang winning streak habang kumakain ng Pizza.

Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon