PART 2 - The happy ending

9 2 1
                                    

CHAPTER 10

Inabot ng red light sa isang intersection ang kotse ni Buboy na ngayo'y minamaneho ni Jake. 

BUBOY: "Bro relax lang. Lampas ka na sa guhit oh. Baka lalo tayong hindi makahabol nyan pag hinuli tayo ng mga traffic enforcers."

JAKE: "Bro anong oras na? "

BUBOY: "Exactly 10 minutes ka pa lang nagda-drive Bro."

JAKE: "Try mo ngang tawagan ulit. Nasa last dialed number. " 

Binigay ni Jake ang kanyang phone kay Buboy. nagmadaling nagdial si Buboy.

BUBOY: "Bro patay pa rin eh."

Ilang minuto pa ay nasa may departure area na sila ng Airport. Bumuntot si Jake sa mga naka paradang sasakyan na naka hazard light. 

JAKE: "Bro ikaw na bahala dito ha. Pag natagalan ako ikot ka na lang  for sure kasi paaalisin ka ng Gwardya dyan."

BUBOY: "Sige Bro ako na bahala."

Mabilis na bumaba ng kotse si Jake at tumakbo papunta ng entrance. Mahaba ang pila. Isa isang tininingnan ni Jake ang mga mukha ng mga babaeng naka-pila. Lingon dito lingon doon ang ginawa ni Jake pero di Nya makita si Kim. Lumakad pa ulit si Jake. Pabagal nang pabagal ang Kanyang paglalakad, unti-unting nawawalan ng pag-asa. Lumapit sa Gwardya si Jake.

JAKE: "Boss pwede bang pumasok sandali sa loob may kakausapin lang sana ako eh."

AIRPORT GUARD: "Sorry Sir. Hindi po kasi pwedeng pumasok pag wala kang boarding pass eh. lalo na po ngayon sobrang higpit na po."

JAKE: "Ah ganun ba. Salamat kuya."

Halos nakayukong naglakad si Jake pabalik sa kotse.

Naka-upo na sa driver seat si Buboy. Natatanaw na nya si Jake na naka-bagsak ang balikat habang dahan-dahang naglalakad pabalik ng kotse. Ilang saglit pa ay sumakay na si Jake sa passenger seat."

BUBOY: "Okay lang yan Bro. I'm sure di magtatagal yun. Uuwi din yun agad. Tara ihatid na kita sa inyo. Bukas mo na balikan yung kotse mo sa School sunduin na lang kita." 

Tahimik lang si Jake. Kinuha ni Buboy ang kanyang phone sa Dashboard at nag-dial.

BUBOY: "Narda isama mo yung tropa, kita tayo kina Jake, medyo kailangan tayo ngayon ng kaibigan natin eh. Dala ka ng maiinom ha. Sige bye."

Kinahapunan sa bahay ni Jake. Naglalaro si Lili ng kanyang Barbie Doll habang naka-upo sa sahig ng Master's Bedroom. Naghaharutan naman si Tobi at Bambie sa kanyang tabi.

LILI: "Tobi wag mo ngang kulitin si Bambie nagugulo tuloy yung house ni Barbie. Nakakainis naman eh."

Nanonood si Vincent ng isang techie na palabas habang nakadapa sa sahig ng sala. Abala naman sa pag-gagantsilyo si Luz na naka-upo sa mahabang sofa, katabi nya ang kanyang nakatulog na asawa sa pagbabasa ng dyaryo. Tanaw mula sa sala sina Jake, Buboy, Narda, Kaloy at Boyet na nag-iinuman sa dining room.

Tahimik sa dining table. Nakatingin sa malayo si Jake a mukhang walang kapag asa-asa. tinagayan ni Kaloy si Jake.

LUZ: "Buboy paalala mo dyan sa kaibigan mo na isang boteng beer lang S'ya ha."

Medyo pasigaw na sabi ni Luz kay Buboy mula sa sala.

BUBOY: "Opo Tita, Wag po kayong mag-alala, ako na po bahala dito."

Medyo pasigaw na sagot ni Buboy.

BOYET: "Huy , Pareng Kaloy mag kwento ka naman."

Hirit ni Boyet dahil sa lahat ng imuman na ginawa nila ay ito ang pinaka tahimik.

Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon