Part 2 - Friday night movie with the kids

7 2 0
                                    

CHAPTER 5

ALVAREZ MINI GROCERY. Busy as usual dito sa Mini Grocery ng mag-asawang Alvarez lalo na pag ganitong patapos na ang weekdays. Si Luz muna ang nagka-kahera ngayon dahil ang kanyang Cashier na si Myrna ay nagre-recieve ng mga delivery habang sumama naman si Rudy kay Julio na kanilang pahinante para mag deliver sa isa nilang pinakamalaking customer dahil nagpaalam ang kanilang driver ng delivery na si Arnold na hindi makakapasok dahil may sakit ang kanyang asawa. Meron kasi silang wholesale price ang kanilang mga groceries kaya medyo marami silang mga kostumer. Meron pang isang delivery track na dumating kaya tumulong na rin si Carlos na promodizer ng Store habang nasa kabilang truck naman nag-aasikaso si Myrna na kanilang Cashier. Ganito madalas ang tagpo dito sa Mini-Grocery ng mag-asawang Alvarez kaya naman laging pumunta dito si Rudy para tumulong at ayaw N'yang i-asa lang sa mga tauhan nila ang lahat ng gawain dito. Ganun din si Luz kung tapos na S'yang asikasuhin ang mga bata na papasok sa Iskwela at kung wala na rin lang S'yang gagawin ay pumu-punta sya dito para tumulong. 

As usual sa maliit lang na office ng store nagi-stay si Lili at nililibang ang sarili sa paglalaro ng mga computer games. Ayaw nya sanang sumama dito dahil gusto nyang makipaglaro sa kanyang bagong aso na si Tobi ngunit hindi sya pinayagan ng kanyang Lolo at Lola. Ilang araw pa lang ang lumipas mula nang mapasakanya na si Tobi pero sobrang napamahal na agad ito sa kanya kaya naman kahit ilang oras pa lang sila sa store ay miss na miss na nya agad si Tobi. Lumabas si Lili ng office at lumapit sa busy nyang Lola.

LILI: "Nanay Gutom na po ako."

LUZ: "Ay teka anong oras na ba? Naku lunch time na pala. Teka lang anak ha, balik ka na ulit doon sa loob sandali na lang to susunod na ko." 

Sagot ni Luz kay Lili habang abalang nagsusukli sa isang customer. Ilang saglit pa ay dumating na rin si Rudy galing sa pagde-deliver.

LUZ: "Mahal ikaw nga muna dito, Ihahanda ko lang yung pagkain na baon natin. Gutom na gutom na kasi yung Apo na tin eh." 

Paghingi ng saklolo  ni Luz kay Rudy pagka-pasok na pagka-pasok pa lang nito sa Store.

RUDY: "Oh sige mahal Ako na ang bahala d'yan kuha lang ako sandali ng maiinom." 

Sagot naman ni Rudy na nagmamadali papuntang cashier dahil medyo mahaba na ang pila.

BABAING CUSTOMER: " Sir mukang kailangan mo nang mag expand ah. Medyo nagsisikip na kasi tayo dito eh."

Pabirong sabi ng isang nakapila kay Rudy habang papa-upo na ito sa kaha. 

RUDY: "Oo nga po eh. Hayaan nyo po, pinagplaplanuhan na namin yan ng asawa ko."

Nakangiting sagot naman ni Rudy sa Customer.

ALVAREZ RESIDENCE. Ang bilis ng araw, weekend na naman. Pero tila di namamalayan ni Jake ang mga araw na lumilipas mula nang makilala nya si Kim.  As usual pagka-tapos na pagka-tapos ng klase ay nagmamadaling umuwi si Jake para samahan si Kim sa mga natitira pang oras ng hapon habang nasa Store pa ang mag-asawang Alvarez at ang kanilang Apo na si Lili. Masaya S'yang nakipag kwentuhan kay Kim hanggang gabi habang naka-harap sila sa TV na pareho naman silang walang naintindihan sa kanilang pinapanood dahil naka focus lang sila sa isat-isa. Pagka dating ng mag-asawang Rudy at Luz ay naghapunan na agad sila. As usual bumili lang sila ng mga pagkain sa labas dahil hindi naman parehong marunong magluto si Jake at Kim.

Kapag Friday night ito ang  movie night ni Jake with Vincent and Lili. Pero this time kasama nila si Kim. Kanya-kanyang salampak ang mga bata sa sahig ng sala na may kanya-kanyang panlatag na comforter. Naka-upo naman sa mahabang sofa sina Jake at Kim. Inayos nila ang mahabang sofa para direkta itong nakaharap sa 55" na OLED TV with 7.1 Home Theater Speaker System. Lahat ay seryoso sa panonod ng Frozen. Inilapit ni Kim ang kanyang mukha kay Jake at bumulong ito.

KIM: "Ilang beses nyo nang napanood yan?" 

Pabulong na tanong ni Kim kay Jake.

JAKE: "Mga tatlong bese pa lang siguro. Sila lang kasi lagi ang pumi-pili ng papanoorin." 

Pabulong na sagot ni Jake sabay senyas na wag maingay baka marinig sila. Tahimik na nagtawanan ang dalawa . Pagkatapos ng mga ilang minuto ay medyo inaantok na si Kim dahil medyo less na ang interest nya sa movie dahil dakawang beses nya na ring napanood ito. Di  namamalayan ni Kim na unit-unti S'yang bumabagsak sa balikat ni Jake dahil sa antok nito. Hinayaan lang sya ni Jake na makatulog sa balikat nya. Ilang minuto pa ulit ay nakahiga si Kim sa sofa at nakaunan sa hita ni Jake. Bago pa man matapos ang movie ay nakatulog narin ang mga bata sa kanilang kinahihigaan.

Tapos na ang movie. Lahat ay nakatulog na maliban kay Jake. Tinanggal ni Jake ang buhok na kaharang sa ilong ni Kim para hindi ito mahirapang huminga at pagkatapos ay inabot ng kanyang paa ang extra kumot na nasa may paanan ni Vincent. Pagkakuha ni Jake ng kumot ay agad N'ya itong ikinumot kay Kim. Nagising at bahagyang dumilat si Kim dahil may naramdaman S'yang kamay na pumatong sa kanyang katawan. Nakita nyang tapos na ang movie at tulog na ang mga bata. Na-realize N'yang naka unan pala S'ya sa hita ni Jake pero hindi ito bumangon. Hinayaan lang N'yang nakapatong ang kamay ni Jake sa kanya  na tila nakayakap at pumikit ulit.

Kinabukasan. Sabado. Walang pasok. Medyo tanghali na nang gumising si Kim. Wala na ang mga bata sa sahig. Si Kim na lang ang natira sa Sala pero nasa tabi nya si Jake na nagka-kape habang nagbabasa ng mga balita sa kayang phone. 

KIM: "Good morning. Sorry ha di na ako nakalipat ng room."

Medyo garalgal pa na boses  na bati ni Kim kay Jake. Kahit gusot-gusot pa ang mga buhok nito ay napaka cute parin nitong tingnan.

JAKE: "It's okay. kakabangon lang din namin ng mga kids."

Tapos na silang lahat mag-almusal maliban sa kanilang dalawa. Bumangon na si Kim at pumunta ng kwarto para mag-ayos ng konti bago sila mag-almusal ni Jake.

Pagkatapos nilang mag-almusal ay naghanda na agad si Jake para sa kanyang Karate class na every other saturday na lang dahil isa na syang ganap na blactbelter kaya nag opt sya na medyo bawasan ang kanyang time dito. Tila mabigat ang mga paa ni Jake habang naghahanda para maligo. Parang tinatamad S'yang pumunta sa Karate Class N'ya dahil Gusto N'ya pang mamalagi ng mas-matagal dito sa bahay kasama si Kim. Kung pwede lang sanang i-fast forward ang oras para naka-uwi na S'ya agad. 

Pinilit pa rin ni Jake na pumunta sa kanyang karate Class. Grade seven pa lang si Jake nang pilitin S'ya ng kanyang amang Congressman na mag-enroll sa isang martial arts school dahil magagamit daw N'ya ito pagdating ng araw. Hindi naman nabigo ang kanyang Ama at hanggang ngayon kahit hindi na sila magkasama ay wala pa ring patid ang pag-e-enroll ni Jake sa halos lahat na ng klase ng martial arts. Siguro nga dahil nae-enjoy N'ya rin ito kaya naman hanggang ngayon ay di pa rin S'ya tumitigil. 

Ang Mestisang MisteryosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon