"Kain muna tayo?" Anyaya ko sa dalawang lalaki.
"Where?" Tanong ni Dustine.
"Sa Tea-Pop! Libre ko!"
"Ikaw? Manlilibre?" Kunot-noong tanong ni Henden.
"Oo, bakit? Ayaw mo ba? Minsan nga lang 'to, e!"
Ngumisi siya sa akin atsaka tumango. Nang makarating kami rito ay puro estudyante ang mga customer. Sinabihan ko ang dalawa na sa taas humanap ng aming mauupuan. Nagtalo pa kaming tatlo kung sino ang magbabayad pero sa huli ay nagpatalo na rin sila.
Gusto ko na ako naman ang manlibre, na hindi lagi ang mga lalaki. Kung kaya ko naman magbayad o manlibre bakit pa ako aasa sa kanila.
Milk Tea ang pina-order no'ng dalawa. Ang akin naman ay Fruit Tea. Nang matapos ako um-order ay kaagad akong umakyat sa taas. Hinanap ng mata ko ang dalawa kong kasama. Napansin ko sila sa bandang dulo.
Bago pa ako makalapit doon ay nahagilap ng mata ko si Jiren. Kasama niya ang mga kaibigan niya. Nagtatawanan silang lahat. Nawala lang ang tuwa sa mukha ni Jiren nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya.
Nakita ko siyang tumayo. Diretso pa rin ang titig niya sa akin. Unti-unti namang tumingin ang tropa niya sa akin at kita ko ang gulat nila sa mukha. Umiwas ako ng tingin sa kanila. Maglalakad na sana ako palapit sa table namin nang biglang mahawakan ni Jiren ang braso ko.
"Go, Reign!" Pang-aasar no'ng tropa niya. At nagsitawanan ang iba niya pang kasamahan.
Napansin kong nagtitinginan sa amin ang ibang estudyante. May nakatutok pang cellphone sa amin, halatang vini-video-han kami!
"Tigilan niyo 'yan!" Pinagtuturo ko ang mga may hawak na phone na nakatutok sa amin.
Mukhang natakot naman sila at nagmamadaling tinago ang phone. Inayos na rin nila ang gamit nila at nagmamadaling bumaba. Halos kami-kami na lang ang tao rito.
Mapanggulo talaga 'tong si Jiren!
Inis akong bumaling kay Jiren na hawak-hawak pa rin ang braso ko.
Napansin ko ang dalawa, si Henden at Dustine. Hawak sila ng mga tropa ni Jiren. Masiyadong marami sila kaya hindi makalapit sa akin ang dalawa. Pinagmumura ni Henden 'yong mga lalaking humaharang sa kanila, ganoon din si Dustine.
"Gago ka, Jiren! Bitawan mo nga ako! Tarantado ka ba?" Irita kong sabi sa kaniya habang pilit na pumipiglas.
"S-sir! Huwag po kayong manggulo rito… marami pong customer na naaabala…" mukhang takot na sabi ng waiter dito.
"Anong pakialam ko? Alis!" Galit na sambit niya roon. Walang nagawa si kuyang waiter kaya takot siyang bumaba. "Kayo rin, alis!" Pagpapaalis niya sa ibang naiwan na customer dito.
"What the fuck is your problem?!" Naiinis na sabi ko nang makababa na ang iba. Tropa niya at ang dalawa kong kasama na lang ang narito sa itaas. "Bitawan mo ako, Jiren, nasasaktan ako!"
Dahan-dahang kinalas ni Jiren ang pagkakahawak sa akin. Nakita ko sa mukha niya na parang kumalma siya sa sinabi ko. Ang kaninang galit na mga mata niya ay parang naging malungkot iyon.
BINABASA MO ANG
Love Is A Game
JugendliteraturLeonar Siblings Series #1 Start: December 28, 2021 End: