"No!" Agarang sagot ko. Napapikit naman ako nang mariin. Bakit ganiyan tanong niya! Hindi niya ba ako puwedeng tanungin ng 'kumusta ka?' bakit ganiyang tanong pa, nakakainis!
"No?" Kumunot ang noo niya. "Pero pinauwi mo ako?" Dagdag niya. Hindi ko alam gagawin ko, nahihiya ako. Gusto kong bumaba! Kung puwede ko lang buksan 'tong sasakyan niya, ginawa ko na. Baka biglang mapatalon pa ako nito nang wala sa oras!
Napaisip naman ako. "Pinauwi?" Napalakas pala pagsabi ko no'n, napatingin siya sa gawi ko. Gulat naman siya. "Eyes on the road, Rayzen." I rolled my eyes.
"Okay," he shrugged.
"Hoy, Rayzen," tawag ko sa kaniya. "Anong pinauwi, huh?" I asked him. "Pinapunta kita sa amin, hindi pinauwi! Saan ka ba galing?" Curious na tanong ko sa kaniya.
"Canada lang," sagot niya at napatigil naman ako. Seriously? Canada lang? Lang? The fuck, bigtime.
"You must be joking," peke akong tumawa.
"I'm not lying, ask your brother kung hindi ka pa rin naniniwala." Seryosong sagot niya sa akin. Napangiwi naman ako. Edi ibig-sabihin, umuwi siya rito sa Pilipinas dahil sinabi ko lang? What the fuck?
Kaya siguro wala rin si Kuya dahil sinundo niya itong si Rayzen sa airport. Bakit ba hindi ko naisip 'yon! Wala talagang nagbabanggit sa akin na naroon pala siya. Parang ang tanga ko naman sa part na 'yon, sa tinagal-tagal niya roon ay ngayon ko lang nalaman na nasa ibang bansa pala siya.
Agad akong bumaba nang makarating kami, hindi ko alam kung nasaan kami at mukhang mamahalin sa restaurant na 'to. Ang usapan namin ay sa Mall, bakit dito niya ako dinala!
Ano 'to, date? Date sa hapon? Wala namang mali roon pero mas okay sana kung gabi kami pumunta rito, dinner gano'n!
Iniisip ko naman 'yong pambayad ko, sana ay sa Mall na lang para window shopping lang dahil wala akong pera! Si Rayzen ay nasa pintuan na, hinihintay ako.
"Seah!" Tawag niya sa akin, umiling ako. Lumapit siya sa akin at hinigit ang kamay ko. "What's wrong?" Tanong niya. "Ayaw mo ba rito? It's okay, we—"
"No, let's go," hinatak ko siya papasok doon. Binigyan naman na kami ng menu, tiningnan ko 'yon, nalula ako sa presyo!
"Eto na lang sa akin," tinuro ko 'yong nasa menu. Isang putahe lang 'yon at pinakamura pa!
"Diet? Sa payat mo?" Tumawa pa ang lintek, nang-iinsulto ba 'to?
"Wow, ha? Grabe makapagsabi ng payat, e, payat ka rin naman?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya mas lalo siyang natawa. Maganda naman ang katawan ni Rayzen dahil nagwo-workout siya. Ako rin naman!
Kinuha niya ang menu at tumayo na. "I'll order for us," sabi niya bago ako iwan doon.
"Rayzen, wait!" I called him. Lumingon siya at mabilis na lumapit sa akin. Inabot ko sa kaniya 'yong pera na pambayad ko, tiningnan niya lang 'yon.
"How rude," nakangusong aniya. "Ako na," sabi niya at isinara ang palad ko. "Namamahalan ka ba sa mga pagkain dito?" Humalaklak siya.
Yes. "Hindi naman!" Nakangiting sabi ko.
"Of course, sa yaman niyo, your brother said na kuripot ka lang talaga." Tawa niya, sinamaan ko siya ng tingin. "Okay, okay. I'll order na." Itinaas niya ang kamay niya at umalis sa harap ko.
Habang naghihintay ako kay Rayzen ay kinuha ko muna ang cellphone ko, binuksan ko naman at nakita kong napakaraming missed call galing kay Kuya Chase!
Kuya Chase:
Where the hell are you?I saw you na sumakay sa kotse ni Rayzen. What the fuck, Seah?

BINABASA MO ANG
Love Is A Game
Novela JuvenilLeonar Siblings Series #1 Start: December 28, 2021 End: