Chapter 7

128 2 6
                                    

Nakalipas nga ang ilang araw na hindi kami nagpapansinan. Nakikita ko sila lagi sa tambayan nila malapit sa labas ng campus namin. Tuwing napapatingin ako roon ay nakikita ko ring napapatitig siya sa akin ngunit hindi ko na pinagtutuunan ng pansin.

Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba 'tong nararamdaman ko para sa kaniya. Pero nangako ako sa kaniya na one month ay p'wede na kami. Hindi naman 'yon ganoon kadali. Masakit umasa. Ni hindi ko nga alam kung gusto niya talaga ako. Wala siyang sinasabi sa akin. Nararamdaman ko 'yon ngunit hindi pa rin 'yon sapat para mapatunayan ko na may nararamdaman din siya sa akin.

Tuwing tumatabay naman sila rito ay hindi ako lumalabas ng kwarto. Hindi ako nagpapakita sa kanila. Ayaw ko siya kayang makita dahil baka kausapin ko siya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Ayaw kong palalimin ang nararamdaman ko para sa kaniya. I'm scared. Hindi ko alam kung ano ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang turing niya sa akin. Wala naman siyang sinabi sa akin tungkol sa kaniyang nararamdaman. Gusto kong makumpirma 'yon. Ngunit hindi ito ang tamang oras para makausap siya. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang marinig ang sasabihin niya patungkol dito. Baka umaasa lang ako. Baka umaasa lang ako sa kaniya. At baka wala namang malisya ang ginagawa or sinasabi niya sa akin.

"Birth month mo na!" Lei screamed.

"Minor moments kayo sa akin," pagbibiro ko.

"Gaga, ikaw na lang naman minor sa atin!"

"Ano balak mo sa birthday mo?" Tanong ni Vanice. Nakatingin silang lahat tatlo sa akin, hinihintay ang sagot ko.

"Debut," walang ganang sambit ko.

"For real?!" Excited na sabi ni Shin.

"Hindi naman kayo imbitado," I joked. Natigilan silang tatlo. Natawa ako nang malakas sa naging reaksyon nila.

"Alam na ba ng parents mo? Or mga kapatid mo?" Tanong ulit ni Vanice.

"Hindi," sagot ko. Tumawa naman silang tatlo. "Ano'ng nakakatawa?"

"Wala, nag-aaya ka debut tapos 'di pala nila alam." Natatawang sambit ni Vanice.

"What? Tinanong niyo ako kung ano balak ko, 'di ba? Mag-debut nga! Hindi pa naman ako nag-aaya," inirapan ko silang tatlo.

"Oo nga, 'no?" Napatingala pa si Lei nang sabihin niya iyon.

"Kahit ano namang i-request ko sa birthday ko, sinusunod nila." Umirap ako.

"Spoiled." Shin whispered.

"Narinig kita!" Tinuro ko si Shin. Natawa naman siya at napailing.

"Bunso, e," tumatawang dagdag ni Vanice.

"Sus! 'Di niyo lang naranasan ma-spoil, e." Pang-aasar ni Lei. Lumakas ang tawa ko sa sinabi niya.

"Call of Duty," aya ko sa kanila. Umiling si Vanice at Shin. "Kj niyo, ha!" Inilingan ko sila. "Wait, ayain ko lang sila." Patukoy ko sa tatlong lalaki.


Seah Leonar: @Rowan Colt @Dale Mateo @Henden Villaluz cod mga bobo

Rowan Colt: Open lang.

Henden Villaluz: Spawns ba

Seah Leonar: snd katamad mag spawns

Henden Villaluz: Luh ayoko na

Seah Leonar: edi mag spawns pucha kj

Seah Leonar: @Dale Mateo puta ano sasali ka ba

Dale Mateo: pass ako jan boss

Seah Leonar: mpl amputa

Love Is A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon