"Busy ka ba this weekend, Che?"
Tumango ako kay Shin. Hindi naman talaga ako busy. Gusto ko lang magpahinga, mag-isa. Alam kong mag-aaya na naman siyang mag-overnight sa kanila. Kinuha ko ang gamit ko at tinalikuran siya.
"Weh?! I know you are not busy this weekend!" Nasa likuran ko siya, nakasunod. Hinarap ko ulit siya.
"E, bakit mo pa ako tinanong?" Tanong ko sa kaniya at tumalikod ulit. "Bahala ka, nandiyan na si Kuya Arrie," tinuro ko 'yong driver namin. Nasa bahay pa si Ate kaya bantay sarado ako. "Kung aayain mo akong gumala, huwag muna. Remember, nasa bahay pa si Ate!"
"Don't worry, ako ang bahala kay Ate Coleen! Pupunta ako sa inyo mamaya, bye!" Umiling lang ako at sumakay na sa sasakyan namin.
"Daan tayong drive thru, I'm hungry," sabi ko kay Kuya Arrie, tumango naman siya. Hindi pa ako tapos um-order pero may busina nang busina sa likuran namin. Inis akong bumaba at pumunta sa likuran. Sinipa-sipa ko 'yong sasakyan nila.
"Hey! What do you think you're doing, huh?!" Lumabas 'yong lalaki sa sasakyan niya at pinagtuturo ako. May kamukha siya! I don't know who! Sinilip ko naman 'yong part na sinipa ko, buti walang gasgas! Baka pagbayarin pa ako, wala akong pera!
"Wow, ha! Wala namang gasgas, dumi lang!" Inis kong sabi. "Mayaman ka naman ata, e. Pa-car wash mo na lang!" Tatalikod na sana ako nang maalala ko kung ano talaga ang sasabihin ko sa kaniya. "Hep!" Sigaw ko nang papasok na 'yong lalaki. Lumingon siya sa akin.
"I've gotta go," sabi niya at tinalikuran ako. Yabang!
"Busina ka nang busina, nakakarindi, kung hindi ka marunong maghintay, aba! Huwag kang pumila rito! Ano gusto mo instant?!" Sigaw ko kaya lumingon ulit siya sa akin.
"What the fuck are you saying?" Tinaasan niya ako ng kilay. Magsasalita pa sana siya ng may lumabas pang lalaki sa shotgun seat.
Si Rayzen? What the hell. Ilang buwan ko siyang hindi nakita ha, ngayon lang ulit. Nakakahiya, sana lamunin na ako ng lupa ngayon na! Bakit kasi ngayon ka lang lumabas! Nasapo ko naman ang noo ko dahil alam kong nakita niya ang ginawa kong katarantaduhan. Imbis na lumabas na siya kanina pa, talagang pinanood niya pa 'ko! For sure, he will tell Kuya about this! Nakakainis talaga 'tong lalaking ito!
"Bro, stop," sabi ni Rayzen sa lalaking 'yon, lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Wow, sibling goals! Ay, magkapatid ba sila? Siguro, magkahawig, e. "Ano'ng ginagawa mo?" Nilapitan niya ako.
"What the? Do you know her?!" Nakita ko namang tumango si Rayzen at sinenyasan 'yong kasama niyang lalaki na pumasok na sa sasakyan.
"Bye," iyon lang ang sabi ko at tinalikuran siya. Huwag sana siya magsumbong kay Kuya! Nakakahiya talaga! Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon.
"Angas ng eksena mo roon, Seah." I heard Kuya Arrie laugh. "Eto, o," abot niya sa akin ng in-order ko. Buti na lang walang masyadong nagda-drive thru kapag ganitong oras, wala akong naabala.
"Here po," sabi ko at inabot 'yong fries at drinks sa kaniya. "Sana kinain mo na kanina," bahagya akong tumawa.
"Baka kasi hindi sa akin."
"Hindi ka pa ba sanay, Kuya Arrie!" Actually, kapag nagda-drive thru kami, kung ano 'yong in-order ko ayon din sa kaniya. Pero tinanong ko rin naman si Kuya Arrie kung ano 'yong gusto niya.
Pagod ako nang makauwi ako kaya nakatulog kaagad ako.
"Che, hi, I'm here!" Inuga-uga pa ako ni Shin.
"Inaantok pa 'ko, puta ka," irita kong sabi at gumulong sa kama ko, lumayo ako sa kaniya. Nanghahampas kasi.

BINABASA MO ANG
Love Is A Game
JugendliteraturLeonar Siblings Series #1 Start: December 28, 2021 End: