After kumain ng lahat ay nagsimula na ulit ang program. Nandito na ulit ako sa may stage at nakaupo. Ngayon ko lang na-realize na napakaraming tao pala ang um-attend sa party ko. Sabagay, marami akong kaibigan and may mga family friends din kami ang narito and of course nandito rin ang mga kamag-anak ko, both mother and father side.
"The 18 roses signify the debutant's coming of age. We have now come to the part of our program that the guys have been waiting for. A chance to hold the hand of our lovely debutant for a short dance so let us not keep them waiting. Each bachelor after giving Chelseah a rose will dance with her for about 1 minute with the background music dedicated by each guy to the debutant. Ladies and gentlemen, the 18 roses with our beautiful debutant. Starting off with Dale Mateo…"
Nakita kong naglakad papunta rito si Dale at may hawak na rose. Nakangiti siyang naglalakad. Nakatitig lamang ako sa kaniya. Nilagay niya ang kamay niya sa aking baywang at nilagay ko na rin naman din ang kamay ko sa kaniyang balikat.
"Happy birthday, Che. Bawas-bawasan mo na ang kasungitan mo sa akin…" bulong niya habang sinasayaw ako.
Bahagya ko naman siyang pinalo. "Neknek mo," irap ko.
"Kahit ngayon lang, Che! Magpaka-sweet ka naman sa akin!" Tawa niya.
Inirapan ko na lang ulit siya kaya mas lalo siyang natawa.
"Thank you, Mr. Dale…" sabi ng emcee. "Next… Henden Villaluz, come here, please."
Nang makalapit si Henden ay binigay niya sa akin ang rose at hinawakan ang baywang ko.
"Naks, pogi natin, ah!" Biro ko.
"Wala nang bago riyan, uy!" Hambog na sabi niya.
"Parang lumakas yata ang hangin…" I joked.
"Sige, Che, ganiyan ka na pala, ha." Kunwaring nagtatampo na sabi niya pa.
"'To naman! Hindi ka na mabiro, sus!"
Tumawa siya. "Happy birthday, Che. Take care always! Sana hindi mo pa 'to last!"
"Bah! Umalis ka na nga rito!" Pagtataboy ko sa kaniya.
Tatawa-tawa naman siyang umalis. Epal talaga siya kahit kailan, argh!
Nang makaalis si Henden ay lumapit na si Rowan.
"Happy birthday, Seah. As kuya, I'm always here for you, I love you."
"Thank you so much, Rowan. I love you!" I smiled.
He smiled too.
"Next, Jaydie Ortega…"
"Dalaga na ang Seah ko! Please, don't grow up faster!"
"Jaydie naman!"
"Oh, bakit? Parang dati lang ayaw mo mawalay sa amin ng mga kuya mo tapos ngayon tumatakas ka na para makasama ang lovelife mo!"
Kinurot ko siya. "Anong lovelife ang pinagsasabi mo? At kailan pa ako tumakas, ha?!"
"Marami na! Kaya huwag kang magmaang-maangan diyan!"
"Alis ka na nga!"
"Talaga!" Tawa niya.
Naiinis na ako sa mga lalaking 'to, ha! Sinasayaw na lang yata nila ako para badtrip-in ako, e!
"Next… Reign Santiago…"
Nagulat naman ako. Napalingon ako sa paligid ko at nagtama ang paningin namin ni Rayzen. Mukhang hindi niya rin in-expect na makasasayaw ko si Jiren. Ngumiti na lang ako kay Rayzen dahil mukhang nawala ito sa kaniyang mood.
