Chapter 6

126 3 0
                                    

Age doesn't matter. 'Yan ang madalas na sabihin ng iba lalo na't nahuhulog sila sa mas matanda o mas bata sa kanila. 

And I'm one of them.

Una palang alam ko nang may mali ako. Pero hindi ko mapigilan. Basta ang alam ko lang, I fell in love with him. Hindi ko alam kung bakit o paano. Naramdaman ko lang bigla. At ang nararamdaman ko na 'to ay mali.

Hindi ko maintindihan. Bakit hindi man lang kami pinigilan ni Kuya noon pa man? Edi sana hindi lumapit ang loob ko sa kaniya! I'm too young for him!

"Tara, gutom na ako," nagulat ako sa sinabi ni Dustine.

"Bakit?" 

"Recess?" Mukhang hindi pa siya sure sa sinabi niya sa akin. "Ayaw mo ba?" Natatawang tanong niya.

"Hindi naman." I scoffed.

Natawa siya at hinatak ako. Pagkalabas namin ay marinig akong bulungan ng mga babae.

"Landi talaga," bulong nito.

"Shut up, Pei." Suway sa kaniya ng kaibigan niya. 

Alam kong para sa akin ang sinabi niya. Hindi rin ito ang unang beses na pagpaparinig niya sa akin. Noon pa man ay hindi ko na siya pinapansin kaya mas lalong kumukulo ang dugo niya sa akin. Masiyadong papansin kahit hindi naman kapansin-pansin.

"Ikaw ba pinaparinggan nila?" Inangat ko ang tingin ko, nakakunot ang noo ni Dustine. Tumango lang ako. "Kaya siguro wala kang masiyadong kaibigan na babae."

Tama siya. Wala akong kaibigan babae. Si Lei, Shin at Vanice lamang. Puro lalaki na ang iba. Marami akong kaibigang babae dati kaso nagkasiraan kami. Silang tatlo na lang ang natira sa akin. Hindi ko na siguro kakayanin kung mawala pa iyang tatlo na 'yan.

Simula no'ng nawalan ako ng ibang kaibigan babae ay hindi ko na naging ugaling makipagkaibigan sa ibang babae. Masiyadong toxic. Hindi ko alam kung ano ring mali ang pagkakaibigan sa mga lalaki. Nasasabihan pa akong malandi dahil mas marami ang kaibigan kong lalaki. Wala namang malisya sa amin 'yon. Sila mismo ang nagbibigay malisya sa bawat galaw namin.

Mas masarap nga maging kaibigan ang mga lalaki. No toxic, no plastic.

Hindi katulad ng ibang babae!

Katulad na lang ng set of friends ni Penelope, dati nagsisiraan sila. Ngayon, nagulat na lang ako dahil magkakasama sila. Ewan ko ba kung bati na ba talaga sila or sadyang nagpaplastikan na lang. Halata naman sa mga kaibigan ni Penelope na napipilitan na lang pakisamahan siya. 

Walang-wala na yata siya at kinakaibigan na lang siya ang sinisiraan niya dati.

Nakarating kami sa canteen ni Dustine. Feeling ko lahat ng mata na narito ay nakatingin sa amin! Ma-issue pa naman mga students dito!

"Ano sa 'yo?" Baling sa akin ni Dustine, wala siyang pakialam sa mga tumitingin sa amin.

"Anything, basta libre mo." Pagbibiro ko. "Hoy, wait lang!" Pigil ko sa kaniya dahil tumalikod na siya sa akin. Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng pera doon.

"Libre ko." He uttered.

I shook my head. "Nagbibiro lang naman ako kanina!" Guilty na sabi ko. Nakakahiya naman. "Kaya ko magbayad!"

"Kaya ko rin naman, ibalik mo na 'yan." Seryosong usal niya. Hindi na ako nakipagtalo sa kaniya. 

Habang naghihintay ako sa kaniya ay may grupo ng lalaki na lumapit sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay mga kaibigan 'to ni Dustine.

Love Is A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon